"I knew sooner or later, you'll find out," sabi ni Don Carlos. "Yes, Lucas is our son. Miguel's twin." "Identical twins," sabi pa ng doña. Umaga. Nakaupo ang mag-asawa sa malaking sala ng mansion, magkatabi na magkahawak ang mga kamay, at taimtim nilang binibigay ang confession na ayon sa JHS na nakaupo sa mga sofa sa paligid nila, ay matagal na sana nilang ipinaalam pagka't vital ito sa kaso. Hindi na sana, inis na sabi ni Hannah, sila nahirapan pa at nalagay pa sa peligro ang buhay ni Pam. Tahimik sa mansion sa iilan na lamang na tao ngayon doon. Pinauwi na rin muna ng mag-asawa ang isa pang maid, kaya't natira na lamang ay isang household help, plus 'yung driver. Maagang dumating sina Jules, Hannah at Father Markus para kumprontahin ang don at doña at malaman mismo sa kanila ang deta

