"Pakiulit nga," kunot ng noo ni Dean at hinawi ang kanyang long hair. "Gusto n'yong sumali ako sa mga Satanista?"
Nasa apartment sila at nakaupo si Dean sa maliit na dining table kaharap sina Father Markus at Jules. Dinig ang ingay ng mga pampasaherong jeepney at tricycle mula sa bintana. Alas otso trenta ng umaga at busy na ang bagong araw. Sa bangketa, naglabasan na ang mga nagbebenta ng mumurahing Christmas gift wrappers at ang beauty parlor sa kanto ay nagpapatugtog na ng Christmas songs—'yung mga diva versions.
Kagabi ay tinawagan ni Hannah, kahit na gabundok ang kanyang pagtutol, si Dean na naka-date niya at isang drummer, at sa disppointment niya, ay isa ring charismatic. Doon sila nagkita sa apartment nina Jules at Father Markus at after ipakilala si Dean ay umuwi muna ng bahay si Hannah.
"Yes," confirm ni Jules. "Magpopose ka na fan ng isang Satanic metal band. 'Yung Satan's Shadow. Narinig mo na ba sila?"
Tumango si Dean.
"Kilala ko ang bandang 'yon. Si Juan Satan ang lead vocals nila," sabi ni Dean.
Nagkatinginan sina Jules at Father Markus at nasiyahan. Good, anila.
"Pero, like, mga rivals namin sila," patuloy ni Dean, sabay kagat siya ng Sausage McMuffin at humigop ng McDo coffee, breakfast hatid ng JHS, Inc.
Nagtaka ang dalawang kausap. Napansin ito ng tisoy na drummer.
"Hindi ba sinabi sa inyo ni Hannah?"
"Na isa kang charismatic?" sabi ni Jules.
"Hindi lang 'yun," sagot ni Dean. "'Yung banda ko eh Christian rock."
"Christian rock?" ulit ni Father Markus.
"Yes, father," tango ni Dean. "Beatlehem pangalan ng band ko."
"Beat...lehem?" napataas ng kilay si Jules.
"You know, beat...the beat tapos Bethlehem kung saan ipinanganak si..."
"Si Jesus. Yes, we get it," interrupt ni Jules, hindi makapaniwala na Christian rock pala si Dean, at wari niya, ang baduy pa ng pangalan ng band nito.
"So, you see naman, kampi tayo, father," ngiti ni Dean kay Father Markus. "At kalaban natin 'yung mga Satanic bands na 'yan. Onga pala, pabalik na ba si Hannah?"
"Oo, pabalik na siguro 'yon," sagot ng pari, wari niya para ring Beatles ang name ng band kung i-spell. May chance rin na mamispronounce ito bilang Beatle-hem.
Narinig nila ang katok sa pinto at nang buksan ni Jules ay naroon si Hannah at kasama niya si Pam na kanyang flatmate.
"Hi, Jules!" matamis na bati ng waitress, part-time model at promo girl.
"Hello, Pam," malamig na bati ni Jules.
Napag-agreehan nila na si Pam iyong isa pang magpopose na fan ng Satan's Shadow kasama ni Dean. Ngayon lang nagkakilala sina Pam at Dean at maraming instances na sila'y nagkakatinginan. Si Pam sa silky smooth na long hair ni Dean at malalim na mga dimples. Si Dean sa makinis na legs ni Pam pagka't naka-short shorts ito, at sa sumisilip niyang boobs dahil naka sando lang. Sobrang cute niya dahil nakasuot pa ng eyeglasses. May attraction na biglang namuo between the two.
Inexplain kina Dean at Pam ang kanilang gagawin. At ito'y ang iinfiltrate ang grupo ng mga Satanista na pinamumunuhan ni Juan Satan at alamin ang mga practices ng mga ito, mga ritwal, kung ano, saan at kailan. May kutob sila na ang pagsali ni Miguel sa Satanism ang nagbigay daan para saniban siya ni Satanas at doon maari silang makahanap ng kasagutan.
"So, gagawin namin ito para tulungan ang nasaniban?" paglilinaw ni Pam habang umiinom ng McDo coffee.
"Oo, girl," tango ni Hannah.
"Kung against pala kay Satan ito, then go ako," matapang na sabi ni Dean. "As Christians, we have the duty to battle the forces of evil in the holy name of Jesus Christ, our Lord."
Muntik nang maibuga ni Pam ang iniinom na kape nang marinig ito. Si Jules ay muntik nang sumabog sa tawa at naalala ang naging outcome ng date ni Hannah kay Dean habang napangiti naman si Father Markus.
"So, Dean, kung sa ngalan pala ni Jesus, okay na hindi ka namin bayaran?" iritang tanong ni Hannah.
Napasandal si Dean sa upuan. Of course, ibang usapan ito.
"Ah...eh..."
"Don't worry," salo ni Jules. "May bayad kayo, courtesy of JHS."
"Nice," ngiti ni Dean. Lumabas muli ang dimples, sabay tingin kay Pam.
Nagulat sila nang may malakas na katok sa pinto ng apartment. Magugulatin pala si Pam nang mapasigaw.
"Anak ng dimonyo!" kanyang bulalas. "Ayan na si Satan kumatok na!"
Binuksan ni Father Markus ang pintuan at naroon sa labas si Andy na tinitignan pa ang lugar.
"Mr. Madrid!" gulat na sabi ng pari.
"Gandang umaga, father," bati ng private investigator. "Naistorbo ko ba kayo?"
Hindi pa inaanyayahan ay pumasok na sa loob si Andy habang isinara ni Father Markus ang pintuan. Ganon din gulat nina Jules at Hannah, habang sina Dean at Pam ay nagtataka kung sino ang may edarang lalaki na naka-leather jacket.
"Anong ginagawa n'yo dito?" tanong ni Hannah. "At pano n'yo kami nahanap?"
"Seriously, Hannah?" pagdilat ni Jules sa psychic.
Hindi na sumagot si Andy pagka't ginawa na ito ni Jules para sa kanya. Sinabi niyang pinapunta siya ni Don Carlos sa apartment para siguraduhing hindi sasablay ang plano ng JHS na i-infiltrate ang Satanic group. Medyo diskumpiyado na ang don sa JHS dahil sa hindi matagumpay nitong exorcism sa kanyang anak na nangyari na twice, habang buo ang tiwala niya sa private investigator dahil so far, nade-deliver nito ang pinagagawa niya, lalo na ang mabilis na pagtunton sa taong pinapahanap niya.
"Sila ba?" turo ni Andy kina Dean at Pam.
"Y-yes," sagot ni Father Markus mula sa likuran. "Si Dean and Pam."
Kinamayan ni Andy ang dalawa at nagpakilalang isang private investigator. Inupuan niya ang dalawang recruits at inexplain sa kanila ang mga dapat nilang gawin. Kasama na ang maging convincing na would-be Satanist groupie sa pag-arte, pananalita at pagdadamit.
"Gagamit ba kami ng spy camera, sir?" excited na tanong ni Dean.
"Buti nabanggit mo 'yan," sabi ni Jules.
Kinuha ng parapsychologist ang kanyang EVP recorder.
"Dalhin mo ito," sabi niya kay Dean. "EVP or Electronic Voice Phenomenon recorder at i-rceord mo ang mga sounds..."
Nguni't agad siyang pinigilan ni Andy. Nang tanungin ni Jules kung bakit ay ipinaliwanag ng private investigator na malalaman ng mga Satanista kung ano iyon. Never ever underestimate your enemy, sabi pa niya. Hindi dapat basta-bastahin ang grupo ng mga Satanista.
"May tenga at mga mata kayo," sabi ni Andy. "'Yon ang gamitin n'yo."
"Yes, sir," sabay na sabi nina Dean at Pam.
"At siyanga pala," sabi pa ni Andy. "Kailangan natin ng bagong sasakyan."
Nagkatinginan ang iba.
Dahil nakita na ng mga Satanista ang Hi-ace ni Hannah at ang pick-up ni Andy, ay kinailangan nila ng bagong sasakyan na hindi ma-a-identify. Sinuggest ni Father Markus na hiramin nila ang Revo ni Bishop Israel kung kaya't doon sila nagtungo.
#
Nang buksan ni Arturo ay nagulat ito nang makitang maraming bisita ang bishop: Sina Father Markus, Jules at Hannah, at mga bagong mukha—sina Andy, Dean at Pam. Inabutan nila si Bishop Israel na nasa backyard garden at nagdidilig ng mga bulaklak, isang kamay sa saklay, isa sa watering can.
"Hi, Bishop!" masayang bati ni Hannah.
"Ah, andito na kayo," balik ng obispo.
Ipinakilala ni Father Markus sina Andy, Dean at Pam—na nagpalit ng pantalon at long sleeves para presentable. Sinabi nila sa obispo ang plano nila at ang pangangailangan nila ng magagamit na sasakyan. Although hindi one hundred percent na sang-ayon si Bishop Israel sa infiltration plans nila, alam naman niyang gahol na sila sa oras. Ipinahanda niya kay Arturo ang Revo, nguni't nang tignan nila ito'y may nakita silang problema.
"Well?" ani ni Bishop Israel na suportado ng kanyang saklay. "What's the problem? Bagong change oil 'yan."
"Hindi 'yun, bishop," sabi ni Andy, at tinuro ang mga windshield ng sasakyan pagka't tadtad ito ng mga stickers ng CBCP at iba pa tulad ng Keep Calm and Trust God, Honk if you Love Jesus, at may sticker pa ng Couples for Christ. At ilang stickers ng pangalan ni Jesus na nasa loob ng hugis ng isda.
"The Jesus Fish, Christ as Fisherman," pagmamaliki ng obispo sa sticker niya. "Ang origin niya ay galing sa Greek Ichthys. In Roman times, gamit ito ng mga Christians to mark their meeting places and to know friend from foe."
"Hey, may sticker din akong ganito!" masayang turo ni Dean sa Jesus Fish.
By this time, panay ang dikit sa kanya ni Pam. Sa Hi-Ace nang patungo sila sa bahay ng obispo ay magkatabi sila sa likod at masayang nagkukuwentuhan. Ani ni Pam, may kahawig daw si Dean na male model na crush na crush niya dati. Same cute dimples, although short hair siya sabi ni Pam. Napapailing lamang si Hannah noon, pero at least, hindi na siya love interest ni Dean. Si Jules naman ay ganoon din, dahil iba na ang fini-flirt ni Pam.
"'Yun lang, bishop," concern ni Jules sa stickers. "Malalaman agad ng mga Satanista kung sino kami."
"Well..." pagtaas ng balikat ng obispo. "You're right."
"Okay lang bang alisin namin sila?" tanong ni Father Markus.
Saglit na napaisip si Bishop Israel, may konting paghihinayang pagka't ilan sa mga stickers ay regalo pa sa kanya mula abroad. Pero, kung makakatulong siya sa pag-exorcise ni Miguel, ano pa ba'ng magagawa niya. Sure, sabi niya sa kanila.
#
Inubos nilang maghapon sa pagaalis ng stickers, inbetween hinatiran sila ng meryenda ni Arturo—homemade sandwiches at lemonade. Nang matapos ay nagpahinga sina Andy, Dean at Pam habang kinausap nina Father Markus, Jules at Hannah si Bishop Israel sa kanyang library para hingan ito ng advice ukol sa problema nila sa exorcism—ang pag-appear at disappear at will ni Satanas sa katawan ni Miguel. Sinabi nilang lahat sa obispo ang lahat ng nangyari at obserbasyon nila so far.
Nakaupo sila sa library at may naihandang tea.
"That literally renders the rosary useless," muni ng obispo. "So, how do you think Satan does it? How could he appear and disappear at will?"
"Wala kaming idea," sabi ni Father Markus.
"We're at a loss," dagdag ni Hannah sabay sip sa kanyang milktea.
"Is it possible na Miguel is suffering from Multiple Personality Disorder?" mungkahi ng bishop.
"MPD?" sabi ni Jules.
"Yes," sabi ng Kastiloy na bishop. "If you remember the case of Anneliese Michel?"
Of course, pamilyar silang lahat sa kaso ni Anneliese Michel pagka't isa ito sa pinakasikat na kaso ng umano'y isang demonic possession. Sa karaniwang tao, may familiarity pagka't dito hinango ang 2005 na pelikulang The Exorcism of Emily Rose.
Si Annaliese Michel ay isang 23-year old na babaeng German na na-convince sa sarili na sinapian siya ng dimonyo at namatay habang ginagawan ng exorcism noong 1975. Nagsimula ito nang magkaroon siya ng seizures noong siya'y 16 years old. Na-diagnose siya na may psychosis gawa ng temporal lobe epilepsy. Nagpabalik-balik ang seizures at nakaranas siya ng mga hallucinations. Ayon kay Michel, nakakarinig siya ng mga supernatural na boses at nakakakita ng mga mukha ng dimonyo. Isang devout Catholic, bigla na lamang siyang naging matatakutin sa mga sacred objects tulad ng crucifix.
"What if," isip ni Bishop Israel. "May MPD lang si Miguel and na-convince niya sa sarili na hindi lang siya possessed, but he is in fact, Satan himself?"
"It will explain ang mabilis niyang paglipat from his Satan persona back to his normal self," sagot ni Jules.
"Right!" napatayo ang obispo mula sa upuan, excited na may pinupuntahan ang punto niya.
"Split personality," ulit ni Hannah. "Pwedeng explanation ito sa dalawang boses na narinig ko. Ang dalawang entities na naramdaman ko."
"Yes!" exclaim ni Bishop Israel at may turo pa.
"Okay," tango ni Father Markus. "Pero, paano natin mai-explain yung mga physical manifestations? Lalo na't nag-360 siya."
Napaupo muli si Bishop Israel.
"Nag-360, huh?"
"Yes, bishop," confirm ni Hannah.
360. Na ang ibig sabihin ay nag-360 degrees ng ikot 'yung ulo ni Miguel. The mother of all physical feats sa demonic possession. Ikanga, kung nag-360 ang ulo ng subject, itapon mo na ang science.
"In that case, demonic possession nga ito," iling ng bishop.
Natahimik sila at nadismaya na bumalik sila umpisa at walang konkretong theory. And to break the silence, sabi ni Hannah:
"Anyway, para sa akin, inclonclusive pa din ang kaso ni Anneliese Michel," aniya. "Kahit na ni-retract ng Catholic church na hindi siya possessed kundi'y nagsu-suffer lang ng mental disorder."
Sa kaso ni Michel, initially sabi ng simbahan ay demonic possession nguni't sa huli ay nagbago sila ng posisyon at sinabing may mental illness lang si Anneliese. Namatay siya sa starvation gawa ng, biruin mo, 67 na sesyon ng exorcism in a period of 9 months. Nahatulan ang mga magulang ni Michel at ang mga pari na nagperform ng exorcism ng negligent homicide.
Napatingin lang kay Hannah sina Jules at Bishop Israel.
"'Yon," parang nahihiyang sabi ni Hannah. "Wala lang."
Pero, may ibang naiisip si Father Markus.
"Or both," sabi ng pari.
Napatingin sa kanya ang tatlo. Unsure sa gustong sabihin ng pari.
"What do you mean, Markus?" tanong ng obispo.
"May pinupuntahan 'yung sinabi ni Hannah?"
Napadilat si Hannah.
"Meron?"
"Inconclusive dahil maaring both," paliwanag ng pari. "Paano kung may split personality si Miguel and at the same time ay possessed siya?"
"Yes!" tango ni Bishop Israel. "It could mean na ginagamit ni Satan ang pag-switch ng personality ni Miguel to escape."
"Or to be exact," sabi ni Jules. "Konikontrol ni Satan ang split personality. Kung gusto niyang tumakas ibabalik lang niya ang normal persona ni Miguel."
"Yes!" bulalas ni Hannah, happy na may na-contribute siya.
Pero, hindi si Jules. Medyo na-hurt ang ego niya na hindi niya ito naisip, since siya pa naman ang tinataguriang "brains" ng group.
"Although, according sa mga duktor, wala namang mental illness o MPD si Miguel," punto ni Jules.
"But that's just observation, doesn't mean na wala talaga," sabi ni Bishop Israel.
"Y-yes," amin ni Jules.
Masiglang tumayo ang obispo.
"Be sure to look into that," utos niya sa kanila. "But, first, tignan muna natin ang malalaman natin sa mga Satanists."