Biglang bumilis ang aking paghinga nang manakit ang sentido ko at unti-unting bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kanina habang papunta kami sa university. I balled my fists. One thing is for sure: Caleb is just like our enemies. He’s not a normal human being, either. Kaya pala kakaiba ang pakiramdam ko sa kaniya noong una pa lang kaming magkita. Hanggang sa mapansin ko na namumula na ang kanilang mga mata. Bigla namang natigilan si Caleb at napalingon sa direksyon ko. Nagsalubong ang kilay ko nang mapansin na sa bandang likuran ko siya mariing nakatingin. Before I could even react, my eyes widened in horror when Caleb rushed to my side. Doon ko lang napansin ang kalaban na paatake sa ’kin na agad naman niyang dinukot ang puso. Tila biglang bumagal ang mga pangyayari sa paligid haban

