Kylie
“Ano ba talaga ang totoong nangyari, Miss Aragon? Paano ka nasangkot sa away nitong dalawa?”
Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakahalumbaba sa ibabaw ng mesa habang nakatingin sa kawalan.
“Miss Aragon, please speak up. We need your cooperation on this issue. Or else, you’ll be punished too.”
Malakas silang napasinghap nang bigla akong humikab. Mas lalo lang akong nakararamdam ng antok nang dahil sa ginagawa nilang pagtatanong. Nagsasayang lang sila ng laway at oras.
“I hate explaining myself. That’s why you can do anything as you please,” I answered just to finally end the discussion.
Biglang napahilot sa kanyang sentido ang may edad ng Disciplinary Committee President nang dahil sa naging sagot ko.
Nilingon ko naman ang dalawang lalaki na kaharap ko. Tinaasan ko sila ng kilay dahilan para mapaiwas sila ng tingin.
“Then you leave us with no choice. You’ll be suspended as—”
“Wala po siyang kasalanan. Ang totoo niyan ay umawat lang po siya sa ’ming dalawa ni Jay.”
Nagulat ang president at maging ang professor na nagdala sa ’min dito nang biglang magsalita ang isa sa mga kaklase ko.
Napakunot noo naman ako. Parang kanina lang nang sabihin nilang kasama ako sa naging gulo nila. Tapos ngayon ay bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin.
Inayos ng presidente ang kanyang suot na salamin bago seryosong bumaling sa ’kin.
“Okay. Still, we won’t tolerate that attitude of yours, Miss Aragon. We all know that your father gives the biggest share of donations to the university. But it is not an excuse for you to behave this way. You need to go to the detention room for now until your next class ends.” He then looked at my classmates. “As for the two of you, you’ll both clean the garden area and the campus grounds until your next class ends too.”
The two of them grunted but didn’t speak up.
Nagkibit balikat lang ako. Matagal-tagal na rin magmula ng huli akong makapunta sa detention room.
“Okay.”
Tumayo na ako at walang lingon likod na naglakad paalis bago lumabas. Mukha ba akong masisindak sa pagpapatapon nila sa ’kin sa detention room? Sa totoo lang ay mas pabor pa nga sa ’kin ’yon dahil makakaiwas ako sa isa pang nakakaantok na subject.
Tahimik kong binaybay ang hallway. Tila dagat na biglang nahawi naman sa gitna ang mga nagkalat na estudyante sa paligid pagkakita nila sa ’kin sa hindi ko malamang kadahilanan.
Ilang sandali pa ay narating ko na ang detention room. Bakas ang gulat sa mukha ng nagbabantay roon pagkakita sa ’kin.
“Ngayon ka na lang ulit napapunta rito, ah. Anong kasalanan naman ang nagawa mo ngayon?”
Hindi ako umimik at dire-diretsong pumasok sa loob. Mayroon namang silya rito pero mas pinili ko ang sumalampak sa malamig na sahig. Agad akong nabalot ng nakabibinging katahimikan.
Finally. This is exactly what I need right now.
Isinandal ko ang ulo sa pader at pumikit. Tila nakikita ko na ang nanggagalaiting imahe ni Papa sa oras na malaman niyang naipadala na naman ako sa detensyon.
I was about to fall asleep when I felt something strange. It’s the same feeling I had when I was at the cemetery a while ago.
Iminulat ko ang mga mata at masuring inilibot ang tingin sa paligid. Nasisiguro ko na ako lang naman ang tao rito sa loob. Pero hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay mayroong nagmamasid sa bawat galaw ko.
Napatayo ako at sinilip ang nagbabantay sa labas. Napasimangot ako nang makitang natutulog din siya.
Kaya naman ay napagpasyahan kong tumungo at sumilip sa kabilang bintana. Ngunit tanging ang mga nagtataasang puno at d**o lang ang bumungad sa paningin ko.
Hindi rin ako naniniwala sa mga multo. Pero hindi kaya nagpaparamdam sa ’kin sina Adrian dahil hindi ko pa rin nabibigyan ng hustisya ang nangyari sa kanila hanggang ngayon?
Pilit na isinantabi ko ang takot na nararamdaman. I didn’t go this far just to get afraid of a ghost.
Naiiling na bumalik na lang ako sa puwesto ko kanina. Ngunit natigilan ako nang makita ang isang tangkay ng pulang rosas na nakalapag doon. Nilapitan ko ito at napakunot noo ako nang mapagtanto na halos kapareho ito ng bulaklak na iniwan ko sa puntod nila.
Paano ito napunta rito?
Hinawakan ko ito at mariing sinuri. Pero agad ko itong nabitiwan nang bigla na lamang itong naging abo.
What the hell is really happening here?
***
Hapon na ng makalabas ako sa detention room. Pero hanggang sa mga oras na ito ay gulong-gulo pa rin ang isipan ko nang dahil sa nangyari.
Kaya naman hanggang sa pagsakay ko sa kotse ay nasa malalim pa rin akong pag-iisip.
Natigilan lamang ako nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Sa pag-angat ko ng tingin ay agad na naagaw ng aircon na nakatutok sa ’kin ang atensyon ko.
“Arc, what the—”
Hindi ko na nagawa pang tapusin ang sasabihin ko dahil tuluyan na akong bumagsak sa kinauupuan ko. Pero bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay nabuksan ko pa ang GPS tracker ng suot kong relo na konektado sa security room ng mansyon at narinig ko pa ang mga huling salitang binanggit ni Arc.
“Sweet dreams, Young Miss.”