Nagising ako sa pakiramdam na para bang dinuduyan ako sa kinahihigaan ko. Kaya naman kahit nakararamdam pa rin ako ng hilo ay dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata.
Nahigit ko ang hininga nang mabungaran si Vien na buhat-buhat ako mula sa kanyang bisig. Sa isang iglap ay bigla kong naalala ang mga nangyari kanina.
Dahil doon ay pilit akong nagpumiglas. Pero masyado siyang malakas at ni hindi man lang nagawang matinag.
“Nagsasayang ka lang ng lakas. It’s impossible for you to escape this time.” He smirked at me.
Nanggigigil ko siyang sinamaan ng tingin.
“We could have easily finished our job back there. Do we really need to bring her here?”
Natigilan ako nang marinig ang boses ni Arc. Napalingon ako sa likod at doon ay nakita ko siyang naglalakad kasunod namin. Walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha.
“We don’t have any other choice. This is what he ordered us to do.”
Nagsalubong ang kilay ko. Sino ba ang tinutukoy nila na nagpautos sa kanila para gawin sa ’kin ’to?
Malayong-malayo ang inaakto nila ngayon kumpara sa ipinakita nilang kabutihan at katapatan sa ’kin nitong mga nakalipas na taon.
But my eyes widened when realization finally hit me. They must be on the enemy’s side and spying on us all along!
Namalayan ko na lang na nakapasok na kami sa isang lumang bodega. Agad na bumungad sa ’king paningin ang tahimik at madilim na kapaligiran.
Do they plan to torture me here?
Gusto kong tuktukan ang sarili dahil pakiramdam ko ay ang hina-hina ko na naman ngayon. Katulad na lang ng dating ako ilang taon na ang nakararaan.
Pero kung ngayon man ang magiging katapusan ko ay hindi ako papayag na mamatay ng walang kalaban-laban. Kaya naman ay kinapa ko sa bulsa ko ang isang bagay na palagi kong inilalagay roon. Mabuti na lang at hindi nila ito nagawang kunin.
Nang mapansin ni Vien ang ginagawa ko ay mabilis kong binunot ang isang maliit na ballpen kung saan ay mayroong nakapaloob na maliit na kutsilyo rito.
It may be too small, but it’s deadly. Naglalabas kasi ng lason ang tulis nito na maaaring magparalisa sa sinumang matatamaan nito.
With all the strength that I have, I manage to s***h the side of Vien’s neck, making him lose his grip on me a bit. I took that opportunity to land on the floor safely.
I was about to attack him again. But to my surprise, he can still manage to move his body fast, despite having the poison spread on his body.
Maging si Arc ay ekspertong naiilagan ang bawat pag-atake ko na para bang alam nila ang susunod kong gagawin. Akmang hahablutin ni Arc mula sa pagkakahawak ko ang kutsilyo nang mabilis akong yumuko bago itinukod ang aking kaliwang kamay sa sahig at iwinasiwas sa kanilang binti ang aking mga paa.
Ngunit natigilan ako nang mapansin na hindi man lang sila natinag mula sa pagkakatayo. Sa totoo lang ay tila ako pa ang nasaktan nang dahil sa tigas ng kanilang mga binti.
“You traitors!”
Naiinis na tumayo ako para harapin sila. Hindi ko ininda ang muntikan kong pagbagsak dala pa rin ng pagkahilo.
Pero bago ko pa man din muling maiumang ang kutsilyong hawak ko ay malakas na akong nasikmuraan ni Arc dahilan para mabitiwan ko ito at sumuka ako ng dugo. Nanghihinang nag-angat ako ng tingin sa kanya.
“S-sino ba kayo?”
Hindi pa man ako nakababawi ay naramdaman ko na lamang ang kamay ni Vien na nakapalibot sa ’king leeg. Unti-unti niya akong itinataas na animo’y isa lamang akong papel.
“Believe me. You wouldn’t want to know the answer to your own question, either.”
Sabay pa silang humalakhak. Dahil doon ay nagmistula silang demonyo sa ’king paningin. Sa isang iglap ay nawala ang kanilang maamong mga mukha.
Pilit kong inaalis ang kamay niyang nakasakal sa ’kin. Pero masyado siyang malakas. Para siyang bato na hindi man lang matinag kahit kaunti.
Ngunit halos mawalan naman ako ng ulirat nang bigla na lamang niya akong itinapon sa kung saan. Pakiramdam ko ay nabali ang mga buto ko sa katawan nang dahil sa lakas ng pagkakahampas ko sa sahig na para bang isa lamang akong basahan na inilampaso niya.
I sure know how to fight. Pero aminado ako na hindi pa ako gaanong magaling sa kabila ng mga ensayo na pinagdaanan ko nitong mga nakaraang taon. Sapat lang ang kaalaman ko para maipagtanggol ang aking sarili.
Ang kaso lang ay tila ba mayroong kakaiba sa kanila. Hindi basta-basta ang lakas na mayroon sila. Something is not right here, and I need to figure it out as fast as I can before they can even knock me out again.
Pinunasan ko ang dugong umaagos mula sa pumutok kong labi habang dahan-dahang tumatayo. Hindi ako papayag na itrato ako ng ganito. I’m a mafia boss’ daughter and the sole heiress of my father!
Nanlilisik ang aking mga mata na tumuon sa kanila. “How dare you mess with an Aragon!”
Akmang susugurin ko sila nang tuluyan akong manghina at mapasalampak sa sahig. Sa nanlalabong paningin ay nakita ko pa ang pagtunghay nila sa ’kin.
“Paniguradong matutuwa si boss sa ’tin nito. Hindi na ako magugulat kung dumating man ang panahon na tayong dalawa na ang kukunin niya upang maging kanang kamay.”
Nanindig ang balahibo ko sa biglaang pag-iiba ng boses ni Vien.
“Yeah. Matagal ko ring hinintay ang pagkakataon na ’to.”
Wala akong maintindihan sa kung ano ba ang pinag-uusapan nila. Mas pinagtutuunan ko kasi ng pansin ang kanilang mga mata na bigla na lamang naging kulay pula.
Pinikit ko ang aking mga mata bago ito muling idinilat. Normal na ulit ang kulay ng kanilang mga mata. Dala marahil ng sobrang panghihina kaya kung anu-ano na lang ang nakikita ko.
Bubuhatin na sana nila ako nang mula sa kung saan ay may bigla na lamang sumulpot na lalaking nakasuot ng purong itim na damit. Nakatalikod siya sa direksyon ko kaya hindi ko magawang maaninag ang kanyang mukha.
“No one messes with my queen, and if someone dares, they’ll eventually die.”
Ang lamig ng boses niya na tila nagmula pa sa kailaliman ng lupa.
But what? His queen? Me?
Hindi ko na nasundan pa ang mga sumunod na nangyari. Namalayan ko na lang na punong-puno na ng apoy ang buong paligid at pakiramdam ko ay masusunog na ako nang dahil sa sobrang init na nararamdaman.
Ngunit kahit sa nanlalabong paningin ay nakita ko pa kung paanong lamunin ng apoy sina Arc at Vien. Sa isang iglap ay bigla na lamang silang naging abo.
Hanggang sa naramdaman kong tuluyan ng humupa ang apoy at ang masuyong paghaplos ng bagong dating sa ’king mukha.
“You’re safe now, my queen. Don’t worry, because the time for you to rise again will happen anytime soon.”
Napakunot noo ako. His voice sounds familiar.
Hindi ko na gaanong naintindihan pa ang kanyang mga sinabi dahil sobrang nanghihina na talaga ako. Mas lalo pa akong nanghina nang bigla akong makaramdam ng mas matinding pagkahilo. Dahil nang buhatin niya ako ay tila lumilipad naman kami sa ere nang dahil sa bilis ng kanyang pagtakbo.
Ngunit bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay bumungad pa sa ’king paningin ang pamilyar na hitsura ng aking kuwarto.
“Until we meet again, my queen.”
Then everything went blank.