Kabanata 6.2

1206 Words
“What are you doing there?” Ibinaba ko ang hawak na libro at napalingon sa kanya. “Good morning,” pormal kong bati nang magtama ang paningin naming dalawa. Napakurap siya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Seriously? Don’t tell me na magdamag kang nakatayo riyan?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Then I won’t.” I shrugged. Napairap siya bago lumabas at tuluyan akong nilampasan. Tahimik naman akong sumunod sa kanya. Sa pagbaba niya ay sinalubong siya ng nagsisilbing mayordoma sa mansyon na si Manang Gloria. “Good morning, Manang,” nakangiting bati ni Kylie sa matanda. Napataas ako ng kilay. Marunong naman pala itong ngumiti kahit papaano. “Good morning po, Miss Kylie. Saan n’yo po gustong dalhin namin ang almusal n’yo?” “Sa garden na lang po. Thank you.” Napatango naman ang matanda bago umalis at bumalik sa kusina. Nagpatuloy naman ako sa tahimik na pagsunod sa kanya nang maglakad na siya patungo sa hardin na nasa bandang likuran ng mansyon. Pagkaupo niya ay nakangiwing napaangat siya ng tingin sa ’kin. “Wala ka na ba talagang ibang gagawin kung hindi sundan ako? Kulang na lang ata ay maging sa pagpunta ko ng banyo ay samahan mo ako,” asik niya. “Well, if that’s what you want, then I don’t mind.” Mabilis naman akong nakailag nang bigla na lang niya akong binato ng magazine na nakalapag sa ibabaw ng bilugang mesa. I guess there are some things that don’t really change. “p*****t!” She glared at me. Napaayos lang ako ng tayo bago napatikhim. “It’s my job to protect you. So, I’ll do everything I can just to make sure that you’re safe.” Napasimangot siya bago humalukipkip. “Talaga lang, hah? Baka nga mas lalo pa akong mapahamak kung palagi kitang kasama,” makahulugang sabi niya at matapang na sinalubong ng matalim niyang tingin ang mga mata ko. Ilang sandali pa na naghinang ang mga paningin namin nang bigla itong naputol sa pagdating ng isa sa mga katulong nila rito. Natahimik kami habang isa-isa nitong inaayos ang pagkakasalansan ng dalang pagkain sa ibabaw ng mesa. “Kumain ka na ba?” tanong ni Kylie pagkaalis ng katulong. That made me stunned. Parang kanina lang ay halos manlisik na ang mga mata niya sa ’kin. Tapos ngayon ay biglang ang amo na ng mukha niya. Why a sudden change of mood? Napailing naman ako bilang tugon sa naging tanong niya. “What? Anong oras na, ah. Bakit hindi ka pa kumakain?” “I’m not really hungry.” Napataas siya ng kilay. “Kakaiba ka rin, eh, no? Bukod sa mukhang magdamag ka nga na nagbantay at hindi natulog ay hindi ka pa nakararamdam ng gutom.” Mariin kong ipinagdikit ang mga labi nang dahil sa sinabi niya. “Anyway, pasalamat ka at wala ako sa mood makipag-away ngayon.” Nagsimula na siyang kumain. “Ilang taon ka na nga pala?” tanong niya sa pagitan ng pagnguya. Natigilan naman ako. “Twenty-five,” alanganin kong sagot. Napakunot noo siya. “Bakit parang hindi ka pa sigurado?” “I don’t count,” I reasoned out. “Puwede ba ’yon? Hindi ka ba nagdaraos ng birthday mo?” Bakas ang kuryosidad sa kanyang mukha. “No. I don’t really like celebrating it at all.” Napatiim bagang ako nang may biglang maalala. “You’re really weird.” Napainom siya ng tubig. “Tauhan din ba ni Papa ang mga magulang mo? Paano niya nakilala ang buong pamilya mo? May kapatid ka ba?” May dumaang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata. “May girlfriend o asawa ka na ba?” Hindi ko napigilan ang mapangisi nang dahil sa huling tanong niya. “To answer your question, hindi tauhan ng papa mo ang mga magulang ko. They’re just friends. Pangalawa ay mayroon akong bunsong kapatid. Her name is Caitlin. Pareho kayong mahilig sumuway sa utos. Kaya sa tingin ko ay magkakasundo kayong dalawa.” Sinamaan niya ako ng tingin. “And lastly, wala akong girlfriend o asawa. I’m single, but my heart is already committed for a long time.” She takes a bite of her clubhouse sandwich as she leans back on the chair. “Is that so? Too bad. Mukhang trip ka pa naman ng mga kaklase ko.” She pursed her lips as she squinted her eyes. “But why did you call me your queen when you saved me from Vien and Arc back then?” I put my poker face on. She’s starting to get really curious. “Because you’re my boss. That’s why you’re my queen,” I answered coldly. Napanguso siya at nagpatuloy na sa pagkain. That made me sighed in relief. Dahil wala naman siyang pasok ngayong araw ay maghapon lang siyang nakapirmi sa mansyon. Sa ngayon ay pinili naman niyang mag-movie marathon. She’s been watching for six hours straight already. Abala rin ako sa pakikinood nang bigla niyang tapikin ang braso ko. Nagtatakang bumaba naman ang tingin ko sa kanya. “What?” “Umupo ka nga! Kanina ka pa nakatayo, eh. Ako ang nangangalay sa ’yo. Puwede mo na ngang palitan ang mga nagbabantay roon sa Rizal Park,” sarkastiko niyang wika. I shook my head. “I’m fine. Just tell me what you need, and I’ll give it to you.” Maya’t maya kasi ang pakuha niya sa ’kin ng makakain at maiinom niya. Ni hindi ko nga mawari kung saan ba niya nilalagay ang mga kinakain niya dahil hindi naman siya malaman. “Busog na ako.” Napakamot siya sa ulo niya. “Bahala ka nga kung ayaw mong umupo!” Muli niyang itinuon ang atensyon sa malapad nilang flat screen tv na nandito sa entertainment room. Habang abala siya sa panonood ng pelikula ay abala naman ako sa panonood sa kanya. As I looked at her, I couldn’t help but wish that we lived a normal life instead. Ilang sandali pa ay nagulat na lang ako nang bigla siyang napatayo at napatili. “What’s the matter?” Dali-dali ko siyang nilapitan at alerto na inilibot ang tingin sa paligid. Damn! I can easily feel it if an enemy is just around the corner. May nakalusot ba? Bigla siyang napaturo sa kung ano habang nakasampa sa ibabaw ng sofa. “May ipis!” Napaawang ako ng bibig nang dahil sa sinabi niya. Pero agad naman akong nakabawi sa pagkakabigla at akmang papatayin ko na ang ipis nang bigla naman itong lumipad patungo sa direksyon namin. Ang plano kong pagpatay rito ay napurnada nang bigla na lang tumalon sa ’kin si Kylie na mabilis ko namang nasalo. Ngunit pareho kaming natigilan nang muling magtama ang paningin naming dalawa. I held my breath, and so did she. Sa pagkakalapit naming dalawa ay rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. Hanggang sa malakas siyang napasinghap at mabilis na kumawala mula sa pagkakahawak ko. Aalalayan ko pa sana siya ng eskperto niyang naitukod ang kamay bago tuluyang mahulog sa sahig at buong puwersa na itinulak ang sarili upang tumayo. “Are you—” Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay walang lingon likod siyang naglakad paalis. What was that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD