Kabanata 7.1

849 Words
Kylie Pagkatapos ng nangyari kanina ay nagkulong na lang ako sa loob ng kuwarto ko. Magkahalong inis at hiya kasi ang nararamdaman ko ngayon. Paniguradong pinagtatawanan na ako ng magaling kong bodyguard dahil isang ipis lang pala ang magpapasindak sa ’kin. What can I do? I really hate those flying and crawling insects. Siguro naman kahit gaano pa katapang at kalakas ang isang tao ay mayroon pa rin silang mga bagay na kinatatakutan. After all, we’re just humans. Mula sa pagkakahiga at pagkakatitig ko sa kisame ay kinapa ko ang phone ko sa ibabaw ng bedside table. I decided to check my social media accounts. Hindi na kasi ako masyadong updated sa mga kaganapan sa paligid ko. Pero agad na bumungad sa ’kin ang isang post na tungkol na naman sa isang babae na natagpuang patay at tila inatake ng mabangis na hayop nang dahil sa kagat nito sa bandang leeg. Muling nangyari ang krimen dito lang sa lugar namin. Not that I want the killer to do his killing spree somewhere else. But what’s with our place anyway? Almost all of the k********g and killing incidents these past few weeks happened here. I searched for anything that was related to the post. Sunod-sunod lang ang ginagawa kong pag-scroll hanggang sa matigilan ako nang mabasa ang isang caption sa isa sa mga shared post. Hindi kaya bampira ang may gawa nito? Napakurap ako hanggang sa hindi ko na napigilan ang matawa. Sino naman ang maniniwala pa sa mga bampira ngayong modernong panahon? Minsan talaga ay tayo lang ang tumatakot sa mga sarili natin. Naiiling na pinatay ko ang phone at pumikit. Wala naman akong masyadong ginawa maghapon pero tila ba pagod na pagod ang katawan ko. Hanggang sa tuluyan na akong hinila ng antok. *** Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil maaga ang simula ng klase ko. Hindi ko na naabutan pa ang pag-uwi ni Papa kagabi. Pero sa pagbaba ko ng hagdan ngayon ay saktong paalis naman siya. “You have seemed so busy these past few days, Pa. May problema ba sa kumpanya?” hindi ko na napigilan pa ang mag-usisa. Natigilan siya mula sa paglabas ng pinto bago napalingon sa ’kin. “Wala. Everything is fine in the company. Napapadalas lang ang meeting sa organisasyon tungkol sa sunod-sunod na nangyayaring p*****n sa lugar natin,” sagot niya. Kunot noong naglakad ako palapit sa kanya. “Why? Akala ko ba ay wala kayong kinalaman sa mga nangyayari?” “Wala nga. We’re just trying to solve the case and capture the culprit,” paliwanag niya at sabay na kaming naglakad palabas. Mas lalo naman akong naguluhan nang dahil sa naging sa sagot niya. “Bakit hindi n’yo na lang ipaubaya sa awtoridad o kaya sa gobyerno ang kaso tungkol doon?” He let out a deep sigh. “Because it’s our problem to solve and not for them. Besides, King wants it done and over with.” Nagsalubong ang kilay ko. “Whose King?” “The leader of the organization.” Magtatanong pa sana ako nang mabilis na siyang naglakad papunta sa nakabukas na kotse na naghihintay sa kanya. “Dalian mo na rin kumilos. Mahuhuli ka na sa klase mo,” pagpapatuloy niya bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan. Natuon naman ang atensyon ko kay Caleb na prente lang na naghihintay sa labas ng kotse ko. Naguguluhan pa rin akong pumasok sa loob nang pagbuksan niya ako ng pinto. Habang nasa biyahe ay iniisip ko pa rin ang tungkol sa pinuno ng organisasyon na nabanggit ni Papa. Sa pagkakaalala ko ay narinig ko na siyang may kausap tungkol sa lalaking ’yon dati. Kung saan ay nabanggit niya na wala pang nakakakita o nakakakilala man lang ng personal dito. Just who the hell is he? Hindi ko lang lubos maisip na nagiging sunod-sunuran si Papa sa isang tao na hindi man lang magawang magpakilala sa kanila. How can they trust someone like him? I was still in my deep thoughts when suddenly, Caleb put the car on halt. Mabuti na lang at agad akong napahawak sa kinauupuan ko. Dahil kung nagkataon ay malamang na sumubsob na ako sa likod ng upuan na nasa harap ko ngayon. Sinamaan ko naman ng tingin si Caleb. “What the hell is your problem? Bakit ba bigla-bigla ka na lang tumiti—” Itinaas niya ang kanang kamay dahilan para matigilan ako sa pagsasalita. “Just stay right here.” Naguguluhan ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa makalabas siya ng kotse. Dala ng kuryosidad ay inilapit ko ang sarili sa unahan para tingnan kung ano ba ang nangyari. Ngunit nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita ang isang babae na gumagapang sa gitna ng daan. Punong-puno ng dugo ang kanyang katawan at mukhang may umatake sa kanya na kung anong mabangis na hayop. Napasinghap ako nang maalala ang tungkol sa serial killer na pakalat-kalat dito sa lugar namin. Paniguradong isa ang babae na ito sa naging biktima niya na himala pang nakatakas. Kung ganoon nga ang nangyari ay malamang na nandito pa sa paligid ang salarin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD