Kabanata 7.2

966 Words
Dahan-dahan akong bumalik sa kinauupuan ko at maingat na binuksan ang pinto. Sa paglabas ko ay napansin kong kinuha ni Caleb ang phone niya mula sa bulsa at mukhang may kinontak na kung sino habang pilit na inaalalayan ang babae. Sinamantala ko ang pagkakataon para tumakbo sa kakahuyan. Nang dahil sa sobrang traffic sa main road ay madalas na rito kami sa shortcut dumadaan papuntang university kung saan ay bibihirang may mapadaan na sasakyan at napapaligiran pa ng mga nagtataasang puno. Since I’m already here, then I shouldn’t let the culprit get away. This way, I’ll be able to help Papa and the organization. Tahimik ang paligid at tanging ang tunog na nagmumula sa pumapagaspas na mga dahon lang ang maririnig. Sa hindi ko malamang kadahilanan ay biglang tumibok nang mabilis ang puso ko. This is not the time to be afraid. Truth be told, that killer is totally out of my concern. But I have enough of him already as well. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa bigla akong nakarinig ng kaluskos mula sa hindi kalayuan. Nagpalinga-linga ako sa paligid at doon ko lang napansin na napalayo na pala ako. Ni hindi ko man lang inisip na baka isang mabangis na hayop nga ang makasagupa ko ngayon. Which, of course, is a different thing. Pero napatili na lang ako nang mula sa kung saan ay may bigla na lang humila sa ’kin. The next thing I know is that someone is dragging me out of the woods already. “Damn you! Let go of me!” Pilit akong kumakawala mula sa pagkakahawak niya pero masyado siyang malakas. Ni hindi ko rin magawang makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa ’kin at ganoon din naman ako sa kanya nang dahil na rin sa paraan ng pagkaladkad niya sa ’kin. Napangiwi na lang ako sa sakit na nararamdaman dahil pakiramdam ko ay bugbog na bugbog na ang likod ko mula sa pagkakahampas nito sa lupa. Ilang sandali pa ay bigla siyang tumigil. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang walang kahirap-hirap niya akong inangat at itinapon patungo sa isa sa malalapad na puno rito. Kinagat ko ang ibabang labi at hinintay na humampas ang sarili ko sa isang sanga. Ngunit biglang may humarang na matitipunong bisig dito dahilan para roon ako tuluyang tumama. Nahigit ko ang hininga nang sa pag-angat ko ng tingin ay sinalubong ako ng nagbabagang tingin ni Caleb. Paano siya nakapunta rito ng ganoon kabilis? “Are you alright?” malamig ang boses na tanong niya. Wala sa loob na napatango naman ako. “Oh. Akalain mo ’yon. May bodyguard ka pala na kalahi ko.” Sa pagkakataong ’yon ay nilingon ko ang estrangherong lalaki habang maingat akong inaalalayan ni Caleb para makatayo nang maayos. “What do you mean?” nagtataka kong tanong sa kanya. Hindi ko alintana ang p*******t ng katawan ko. Anong lahi ba ang ibig niyang sabihin? Fil-Am, ganoon? Malakas siyang napahalakhak na masakit sa pandinig. “I see. You don’t know anything.” Napatingin siya kay Caleb. “But since the two of you already caught me, then I guess I have no other choice.” Everything happened so fast. The next thing I know is that he’s already in front of me. To my surprise, Caleb pushed me to the side. I held my breath as his strong force continued to carry me into the distance until I finally fell to the ground. Hindi ko ininda ang pagkakaumpog ng puwetan ko nang dahil sa naging pagkakabagsak ko. Sa ngayon ay wala akong ibang iniisip kung hindi ang layo ng distansya na inabot ko nang dahil lang sa simpleng pagtulak sa ’kin ni Caleb. What the hell? Hindi ko nagawang makagalaw sa kinauupuan ko at napaawang na lang ang bibig ko habang nakatanga sa kanila mula sa malayo. Hindi ko alam kung sino ang unang umatake. Basta sa ngayon ay nagsasalpukan na silang dalawa. Para silang hangin sa sobrang bilis ng kanilang paggalaw na ni hindi ko man lang ito magawang sundan. I never knew that it was actually possible. Parang sa mga pelikula ko lang kasi nakikita ang ganoong liksi ng paggalaw sa pakikipaglaban. Hanggang sa makarinig ako ng malakas na daing. Pero nasisiguro ko na hindi kay Caleb galing ’yon. Hindi nagtagal ay tumigil na rin silang dalawa. Caleb is standing still, while the other man is now kneeling on the ground, until he slowly falls and turns into... An ash! Biglang napalingon sa direksyon ko si Caleb. Hindi ko na magawa pang itanggi ang takot na nararamdaman ko ngayon nang dahil sa nakita at paraan ng pagtingin niya sa ’kin. Something is not right here, and there’s definitely something wrong with Caleb and that man, which is not normal. Nagsimula siyang maglakad palapit sa ’kin. Gustuhin ko man na tumakbo palayo ay hindi ko naman magawang kumilos mula sa kinapupuwestuhan ko. Hanggang sa tumigil siya sa tapat ko bago iniluhod ang kanang tuhod niya para magpantay ang mukha naming dalawa. “W-who are you? Why did that man turn into ash?” hindi ko napigilan ang bahagyang panginginig ng boses ko. “Are you afraid of me now?” tanong niya sa malalim na boses dahilan para manayo ang mga balahibo ko. “No,” I answered firmly, even though I feel the opposite. But there’s no way that I’ll let him know about that. “Liar,” he said. Before I could even react, he leaned closer and kissed me fully on the lips. Gustuhin ko man siyang itulak palayo ay hindi ko naman magawa. Lalo pa at bigla na lang akong nakaramdam ng antok dahilan para unti-unti akong manghina at bumagsak ang talukap ng mga mata ko. “Sweet dreams, my queen,” I hear him say before darkness consumes me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD