“What are you doing there?” Ibinaba ko ang hawak na libro bago napalingon sa kaniya. “Good morning,” pormal kong bati nang magtama ang paningin naming dalawa. Napakurap siya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Seriously? Don’t tell me na magdamag kang nakatayo riyan?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Then I won’t.” I shrugged. Napairap siya bago lumabas at tuluyan akong nilampasan. Tahimik naman akong sumunod sa kaniya. Sa pagbaba niya ay sinalubong siya ng nagsisilbing mayordoma sa mansyon na si Manang Gloria. “Good morning, Manang,” nakangiting bati ni Kylie sa matanda. Napataas ako ng kilay. Marunong naman pala siyang ngumiti kahit papaano. “Good morning po, Miss Kylie. Saan n’yo po gustong dalhin namin ang almusal n’yo?” “Sa garden na lang po. Thank you.”

