Kabanata 6

863 Words

Caleb Malalim na ang gabi nang maisipan kong maglibot muna sa labas ng mansyon. Tinanguan ko lang ang mga nagkalat na tauhan sa paligid habang masuring nagmamatyag. May kaniya-kaniya silang oras ng pagbabantay upang masiguro na walang makakapuslit na kalaban sa loob ng mansyon, o hindi naman kaya ay maagapan agad ang anumang klase ng karahasan na maaaring maganap. Kahit ang security room ay hindi puwedeng mabakante. Kailangan ay palaging mayroong naka-monitor sa mga CCTV cameras buong araw. Nang masiguro kong maayos naman ang ginagawa nilang pagbabantay at wala namang kakaiba sa mga ikinikilos nila ay bumalik na ako sa loob ng mansyon at umakyat ng hagdan. Tinatahak ko ngayon ang daan patungo sa kuwarto ni Kylie nang biglang tumunog ang phone ko. Tumigil muna ako sa balkonahe bago kinu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD