Kylie Nanulis ang nguso ko habang nakapila. Kanina pa kasi ako nangangalay sa pagtayo at gustong-gusto ko na talagang bumalik sa classroom namin. Isa pa ay rinding-rindi na rin ako sa kaliwa’t kanang tsismisan na naririnig ko sa paligid. But it’s the fact that Caleb is standing just a few inches away that’s stopping me. Hindi ko naman ugali na dumalo sa flag ceremony kahit pa tuwing Lunes lang naman ito ginaganap. Ngunit mapilit si Caleb. And what I hate the most is that my strength is nothing compared to his. Kaya naman ay hindi na lang ako umangal pa. Nakakaubos kasi ng enerhiya ang makipag-usap sa kanya. “Sino kaya ang bagong Student Council President natin, no? I’m really excited!” Parang mga bata na napabungisngis ang dalawang kaklase kong babae na nakapila sa harap ko. I rolled

