“They’re just lurking around and waiting for their time to attack. Baka nga nakakasalubong mo na ang ilan sa kanila. You’re not just aware.” Matiim ko siyang tiningnan. “Baka nga ang iba ay kaklase mo pa,” makahulugan kong sambit sa kanya.
Napaawang naman ang kanyang bibig kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata.
“Well, aside from the bullet itself, it’s really hard to target a vampire using a gun because of our fast reflexes too,” I added as she remained silent.
Napakurap naman siya bago tila wala sa loob na binasa ng dila ang kanyang mga labi.
I looked away. This woman can do things so naturally without even thinking that there’s someone out there getting affected by her simple actions.
“Do you want to try?” tanong niya na ikinabigla ko. Mukhang ugali na talaga niya ang hindi magpatalo.
Sa pagkakataong ’yon ay hindi ko napigilan ang mapangisi nang muli ko siyang balingan. “Sure.”
Tinaasan naman niya ako ng kilay. “Wag mo akong sisisihin kapag napuruhan ka at mangailangan ka na naman ng dugo, hah,” taas noo niyang banta sa ’kin.
“Let’s see, then.” Itinuro ko ang kagubatan na nasa kalayuan. “Doon tayo para walang ibang madamay na inosente.”
Bigla naman siyang napangiwi nang sundan niya ng tingin ang itinuro ko. Kung lalakarin nga naman kasi ay paniguradong hingal na hingal na siya pagdating namin sa tuktok nito.
“Are you joking with me? Strategy mo ata na pagurin muna ako bago pa tayo magsimula, eh,” pagtataray pa niya.
I gave her a skeptical look. “Mukha ba na paglalakarin kita papunta roon? Baka bago pa tayo makarating sa tuktok ng gubat ay gabi na.” Iniluhod ko ang kabilang tuhod ko bago tumalikod sa harap niya. “Hop in.”
“What? No way!”
Humalumbaba ako. “Ikaw ang bahala kung gusto mong mapagod sa paglalakad at abutin ng ilang oras. I’m already giving you a favor here.” I tapped my finger as I waited for her response.
Muli ay namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hanggang sa marinig ko ang malakas niyang pagpadyak na tila nagmamaktol.
“Fine! I’ll just load my gun and bring some bullets.”
Ilang sandali rin akong naghintay bago ko siya naramdamang sumakay sa likod ko. Hindi pa man siya tuluyang nakakaayos ay agad akong tumakbo dahilan para mapatili siya nang malakas.
“I’ll definitely kill you once we get there!” sigaw niya mismo sa tainga ko. Pero tila tinangay lang ng hangin ang mga salitang binitiwan niya nang dahil sa bilis ng pagtakbo ko.
“Saka ka na magsalita ng ganyan kapag nagawa mo na,” walang gana kong wika sa kanya.
Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakakapit sa ’kin nang makapasok na kami sa gubat at tahakin ang daan paakyat. Nang sa wakas ay marating namin ang tuktok ay dahan-dahan ko na siyang ibinaba.
Ngunit maliksi ang naging pagkilos ko at mabilis akong nakaiwas sa biglaan niyang pagbaril. Ni hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon para makahuma at sunod-sunod na siyang nagpakawala ng bala.
Inilagay ko ang dalawang kamay sa loob ng bulsa ko at balewalang iniwasan ang mga tira niya.
“Try harder,” bulong ko sa likod ng tainga niya. Mabilis naman siyang lumingon at agad akong binaril.
Pero bago pa ito tuluyang tumama sa ’kin ay mabilis akong lumipat sa bandang kanan niya.
“Nandito ako,” pang-aasar ko pa.
Ngunit sa muli niyang pagbaling sa direksyon ko ay nakalipat na ako sa bandang likod niya.
Hanggang sa maubusan na siya ng bala ay ni hindi man lang niya ako nagawang patamaan ni isang beses kahit daplis lang.
“Is that all you have? If it is, I already told you that what you’re doing is useless. Balewala ang bala laban sa ’ming mga bampira lalo pa at maliliksi kaming kumilos.” Inayos ko ang suot na coat dahil bahagya itong nagusot at pinagpag ang ilang dumi na kumapit dito.
Sinamaan naman niya ako ng tingin habang hinihingal. “Hindi ako titigil. Mapapatumba rin kita.” Nanlisik ang kanyang mga mata na nakatuon sa ’kin.
I gave her a bored look. “Then, I guess, I need to keep on waiting until that day comes.”
“I hate you!” she shouted before she slumped herself on the grass.
Napaupo naman ako sa isa sa malalaking bato rito at seryoso siyang tiningnan. “I wish I could read what’s on your mind. So that I’ll have an idea of what’s running with that head of yours,” I said out of the blue.
Salubong ang kilay na napalingon siya sa ’kin. “You can read minds?”
“Yeah.”
Napanguso naman siya. “Do all vampires can?”
“No.”
Nagdududa naman niya akong tiningnan. “How come you can?”
“Because I’m special,” I answered bluntly.
Napairap naman siya. “Whatever. It’s useless to talk to you as well. Wala ka namang sinasabing matino.” Natigilan siya at bumakas ang pagtataka sa kanyang mga mata.
“You said that you can read minds, but how come you can’t read mine?”
Matapang kong sinalubong ang kanyang tingin. “Because you’re special too.”
Nahigit niya ang hininga bago ibinaling ang atensyon sa kalangitan. Tila may kung anong klase ng tensyon ang pumagitna sa ’ming dalawa.
Ilang minuto ring walang umimik sa ’min. Nakuntento na lang kami sa panonood ng paglubog ng araw.
Pero kanina pa mayroong bumabagabag sa ’kin at hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko ito nagagawang itanong sa kanya.
“Why did you do that?”
“Do what?” She asked back without even looking at me.
“Why did you offer your blood to me? Don’t you know that what you did was too risky?”
Kinagat niya ang ibabang labi. “I-I don’t know either. Maging ako ay hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ko ginawa ’yon.” She glared at me. “Still, don’t assume anything.”
I chuckled. “No. I’m not.”
Muli siyang napatingala sa kalangitan at iniangat ang kanang kamay na tila ba mayroong inaabot mula roon. “If my best friend is only here,” she whispered.
Napakuyom ako ng kamao nang dahil sa sinabi niya. Pilit na pinigilan ko ang sarili na sabihin sa kanya ang totoo. There’s always perfect timing for everything.
But one thing’s for sure. This time, I’m not going to lose her anymore.