Caleb
Kinuha ko ang tissue na iniabot sa ’kin ni Brent upang punasan ang aking bibig na puno ng dugo. Basta-basta na lang talaga kung sumulpot ang lalaking ’to.
“Dispose of them properly.” Turo ko sa tatlong kambing na nakahandusay sa lupa at wala ng buhay. Kahit papaano ay muli namang nanumbalik ang lakas ko.
“Sigurado ka ba na sapat na ang nainom mong dugo sa mga ’yan? Puwede ko namang kontakin ang tauhan natin na nagtatrabaho sa blood bank para mabigyan ka ng dugo ng tao,” suhestiyon niya.
Walang emosyon ko siyang nilingon dahilan para mapatikhim siya.
“Ilang beses ko bang sasabihin sa ’yo na hangga’t maaari ay ayoko uminom ng dugo ng tao?” pagpapaalala ko sa kanya.
Marahan siyang napailing. “I know. Pero baka manghina ka naman ng tuluyan kung aasa ka lang sa dugo ng hayop o kaya sa blood tablet.” Napaayos siya ng tayo. “Hindi ka katulad ng mga ordinaryong bampira, Caleb. The power you have needs a strong support system as well.”
Itinapon ko sa isang tabi ang tissue bago namulsa. “You have nothing to worry about because I can manage. Wala kang ibang kailangang intindihin kung hindi ang mga bagay na iniutos ko sa ’yo.”
Itinaas niya ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. “Okay.”
“Kumusta na pala si Caitlin?” tanong ko nang maalala ang magaling kong kapatid. I haven’t heard anything from her these past few weeks. I wonder what she’s up to right now.
Bigla namang bumusangot ang kanyang mukha.
“Ayun. Nasa kabilang panig na naman ng mundo.” Napakamot pa siya sa batok.
Napahilot na lang ako sa sentido ko. “We can’t blame her. She really loves traveling. Pero sana ay isinantabi na lang muna niya ang mga gusto niyang gawin sa buhay lalo pa at sa kanya ko pansamantalang iniwan ang isang malaking responsibilidad.”
“Well, she’s actually in Venice right now. Mayroon lang daw siyang dadalawin na kaibigan doon,” imporma pa niya.
Kahit wala siyang binanggit na pangalan ay kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya.
“Alright. Sundan mo na lang muna siya roon. Tutal ang isang bagay naman na iniutos ko sa ’yo ay ang bantayan mo ang kapatid ko.”
Hindi makapaniwalang napatitig siya sa ’kin. “Are you sure?”
“Yeah. I can handle it here.”
May ilang bagay pa akong inihabilin sa kanya bago siya tuluyang umalis. Bumaba naman ang tingin ko sa suot na relo bago kinuha ang phone ko mula sa bulsa at mayroong tinawagan. Unang ring pa lang nito ay mayroon na agad sumagot.
“Let’s start.”
***
Hapon na ng maisipan kong bumalik sa mansyon. Ngunit napakunot noo ako nang marinig ang sunod-sunod na pagputok ng baril mula sa hindi kalayuan. Kaya naman ay dumiretso ako sa likurang bahagi ng mansyon at lumabas doon.
Ipinagkrus ko ang braso sa harap ng aking dibdib nang mapansin ko si Kylie na nasa shooting range. Kaya naman pala hindi ko siya gaanong maamoy sa loob. Habang nagkalat naman sa tabi ang ilan sa mga tauhan din nila.
Ilang minuto ko pa siyang pinagmasdan bago ko napagpasyahan na lumapit. Wala pang ilang segundo ay nagawa ko agad na makarating sa tabi niya. Nang dahil sa gulat ay bigla niyang naiputok ang hawak na baril at hindi niya nagawang matamaan ang target.
“What the hell? Wag ka nga bigla-biglang nanggugulat diyan!” Pinandilatan niya ako ng mga mata.
“Akala ko ay magpapahinga ka lang buong maghapon. Anong ginagawa mo rito?”
“Wala ako sa mood matulog ngayon. Saka magmula nang malaman ko kung anong klase ng mga kalaban mayroon kami ay napag-isip ko na kailangan kong maging mas handa,” sagot niya bago muling pinosisyon ang sarili at iniumang ang hawak na baril sa target mula sa hindi kalayuan at ipinutok ito. “Akala ko pa naman ay matatahimik na ang mundo ko dahil hindi ka agad nakabalik magmula noong umalis ka kanina,” bulong pa niya na rinig ko naman.
Ilang sandali pa ay muli siyang nagpakawala ng sunod-sunod na putok. Mula sa gilid ng aking mata ay napansin ko ang pagngisi niya dahil na-hit niya sa gitna ang lahat ng target. Nagawa pa niyang ihipan ang dulo ng hawak niyang baril.
Napailing na lang ako. “Wag ka muna maging masyadong bilib sa sarili mo. Kung tutuusin ay balewala lang ang training na ginagawa mo ngayon. Kung sa normal na tao lang ay uubra naman ang kakayahan na mayroon ka. But it’s a different case when you come face-to-face with a vampire. Normal bullets are not even enough to take one down.”
Tila nakuha ko ang interes niya dahil tuluyan niyang inalis ang suot na ear muffs at shooting glasses bago lumingon sa direksyon ko. “What do you mean?”
Napahimas naman ako sa baba ko. “What I mean is that there’s a certain bullet that can actually harm a vampire for good.” Bumaling ako sa kanya. “Those are what we called the silver bullets.”
Lumalim naman ang gatla sa kanyang noo. Bakas ang kuryosidad sa kanyang mukha. “Saan naman ako makakakita ng ganoon?”
I shrugged. “Those bullets are rare nowadays. Bukod doon ay tanging ang mga vampire hunters lang ang kadalasan na mayroong ganoong klase ng bala,” paliwanag ko pa.
“Vampire hunters?” Napaisip naman siya. “Ayon kay Papa ay galing kami sa pamilya ng vampire hunters. So, there’s a big possibility that we have that kind of bullet,” she said more to herself.
“Yeah. Pero ayon din sa papa mo ay matagal na niyang binitiwan ang pagiging vampire hunter. So we can never tell, unless you ask him.”
Natahimik siya. Habang ako naman ay alerto na inilibot ang tingin sa paligid.
“Pero nasaan na kaya ang iba pang vampire hunters ngayon?”
Pinigilan ko ang pagtaas ng sulok ng aking mga labi. Hindi ko akalain na darating ang araw na makakapag-usap kami ng ganito.
But just like before, this kind of conversation really piqued her interest.