Kahit puyat ako nang dahil sa sunod-sunod na kaganapan at rebelasyon kagabi ay maaga akong nagising kinabukasan dahil naisipan kong mag-jogging. Gusto ko sanang mapag-isa, pero wala na akong nagawa pa nang pasamahin ni Papa si Caleb sa ’kin.
“It seems that you’re not affected at all,” he said out of the blue. Maging siya ay nakisabay na rin sa ehersisyo na ginagawa ko na akala mo ay may maitutulong din ’yon sa pangangatawan niya.
But I know better. He can even transport from one place to another without shedding a single drop of sweat.
Kahit nakasuot ako ng earphone dahil nakikinig ako ng musika ay hindi naman ito kalakasan. Kaya naman ay nagagawa ko pa rin na marinig ang anumang sasabihin niya.
“About what?” I asked. Wala kasi akong ideya sa kung ano ang ibig niyang sabihin.
“My presence.”
Napataas ako ng kilay habang nananatili pa rin sa harap ang atensyon ko.
“Why would I?”
“Because I’m a vampire,” walang kagatol-gatol niyang sagot.
Sa totoo lang ay nakaramdam talaga ako ng takot noong una kong nakita ang kakaiba niyang kakayahan noon. Pero pagkatapos ng naging rebelasyon nila kagabi ay wala na akong makapa na pag-aalinlangan pa. I’m surprisingly at ease right now.
“I admit that I got shocked. Because who would have thought that vampires do exist in this modern era? But that’s it. What I’m more curious about right now is the king’s identity. That’s why I need to know more about him as soon as possible.” I shrugged.
“And why is that? Katulad ng sinabi ng papa mo ay makikilala mo rin naman siya balang araw.”
Napaismid ako. “Pero hindi ko na mahihintay pa ang panahon na ’yon. Ni wala akong ideya kung ilang taon pa ang kailangan kong bilangin bago dumating ang araw na ’yon.” Mas lalo kong binilisan ang pag-jogging na animo’y tumatakbo na ako.
“Isa pa ay hindi ko pa nga siya nakikilala ng personal pero mainit na ang dugo ko sa kanya. Siya ang rason kung bakit sa ’min nakatuon ang atensyon ng mga kalaban. Kung bakit namatay ang mama ko maging ang matalik kong kaibigan at ang ama niya.”
Napakuyom ako ng kamao nang muli kong maalala ang mga karahasan na pinagdaanan ng mga mahal ko sa buhay nang dahil lang sa taong ’yon.
Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa namalayan ko na lang na hindi ko na siya kasabay pa. Out of curiosity, I looked back. Natigilan ako bago napameywang nang mapansin na nakaupo na siya sa isang bench dito.
Pambihira rin itong bampira na bodyguard ko. May oras pa talaga siya para magpahinga. Akala mo naman ay nakakaramdam siya ng pagod.
“What is it? May problema ba?” tanong ko nang makalapit.
Napailing naman siya bago napatitig sa magkabila niyang palad. “Nothing. It’s just that it’s been a while since I last drank blood. Kaya medyo nanghihina lang ang pakiramdam ko ngayon.”
Wala sa loob na bigla akong napaatras. “Kailan ka ba huling nakainom ng dugo?” marahan kong tanong sa kanya.
Sa pagkakataong ’yon ay tuluyan na siyang napatingin sa ’kin. “It’s been three months.”
Napakurap ako. Hindi makapaniwala sa narinig. “Ganoon na katagal?”
“Yeah. May mga ilang importanteng bagay kasi ako na kinailangan asikasuhin nitong mga nakaraang buwan. Kaya hindi pa ako nakakapag-hunting ulit.” Tumayo na siya. “I guess it’s time for me to go for a hunt again. Pero ihahatid na muna kita sa mansyon.”
“Pero kung hindi ako nagkakamali ay hindi rin sapat ang dugo ng hayop para mabigyan kayo ng lakas at mapawi ang uhaw na nararamdaman n’yo,” ani ko nang magsimula na siyang maglakad kaya mabilis akong sumunod.
“That’s true. Pero mas maigi na rin ’yon kaysa naman sa mga tao kami umasa, ’di ba? Isa pa ay may blood tablet din naman kaming tinutunaw at iniinom na puwede naming dalhin saan man kami pumunta. Kahit papaano ay nakakatulong din ito para mapawi ang pagkauhaw namin sa dugo ng mga tao,” paliwanag niya.
Hindi ko nagawang umimik. Bukod sa ngayon ko lang ata siya narinig na nagsalita ng mahaba at isa ito sa mga bibihirang pagkakataon na nakapag-usap kami ng hindi nagtatalo ay hindi ko rin lubos akalain ang pagpipigil na kanyang ginagawa upang iwasan na makapanakit ng mga tao.
Hanggang sa makarating kami sa mansyon ay wala ng nagtangka sa pagitan naming dalawa na magsalita pa. Nang makasalubong namin si Manang Gloria sa sala ay ipinaalam niya sa ’min na kaaalis lang ni Papa.
“Parang mas abala pa si Papa sa pamumuno sa organisasyon at pagiging miyembro ng society kumpara sa pagpapatakbo ng negosyo namin,” komento ko nang paakyat na kami sa hagdan.
“Well, your family business can actually survive even without the full supervision of Mr. Aragon, though,” wika naman ni Caleb.
Napatango naman ako. Sabagay ay may punto naman siya roon.
“Which you will inherit someday,” he added.
Kumibot ang mga labi ko. Hangga’t maaari ay ayoko munang isipin ang tungkol sa bagay na ’yon. Ang dami ko ng isipin at may mga bagay na mas kailangan ko munang unahing gawin sa ngayon.
Nang makarating kami sa tapat ng kuwarto ko ay nagpaalam na si Caleb. Papatalikod na siya nang mabilis ko siyang nahawakan sa braso.
“Wait.”
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ko noong mga oras na ’yon. Pero walang pagdadalawang isip na binuksan ko ang pinto sa kuwarto ko at agad na hinila siya papasok.
“What are you doing?” Bakas sa kanyang mukha ang kalituhan bago marahan na inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa kanya.
Pinigilan ko naman ang mapaatras nang dahil sa lamig ng kanyang kamay na dumantay sa balat ko. Napalunok ako bago dahan-dahang hinawi ang buhok ko at itinapat sa kanya ang leeg ko.
“I’m giving you the privilege to drink my blood. Basta wag ka lang mag-iiwan ng marka, hah. O kaya uubusan ako ng dugo. Dahil sinisiguro ko sa ’yo na mumultuhin kita.” I chuckled to ease the tension that I’m feeling right now.
Ngunit muntikan na akong mapatalon sa gulat nang bigla na lang akong nakarinig ng kung ano na gumalabog. Agad na inilinga ko ang tingin sa paligid.
But the door is already closed, and Caleb is no longer here.