Kylie
Halos pigil ko ang hininga habang matiim na nakatingin kay Caleb na prente lang na nakasandal sa pader at nakapamulsa. Mabuti na lang din at kahit papaano ay nakasuot na siya ng disenteng damit ngayon. Hindi kasi nakatutulong sa sitwasyon ang tila balewala niyang pagbabalandra ng kanyang matipunong katawan. Nagbubuhol-buhol kasi ang braincells ko.
Pero ni hindi ko rin magawang kumurap man lang. Dahil baka sa isang iglap ay may kakaibang kaganapan na naman na biglang mangyari sa paligid namin at hindi ko na ito puwedeng palampasin pa.
“Magsasalita ba kayo at magpapaliwanag, o magtitinginan lang tayo rito?” basag ko sa nakabibinging katahimikan. Tanging kaming tatlo lang nina Papa at Caleb ang nandito sa loob ng opisina ngayon.
“But I’m not even looking at the two of you,” Caleb answered defensively.
Napasimangot ako. Kahit kasi nadiskubre ko na ang tungkol sa lihim ng kanyang pagkatao ay ang lakas pa rin ng loob niya para barahin ako.
Ngunit biglang nabaling ang atensyon ko kay Papa nang marahas siyang mapabuga ng hangin bago sumandal sa kinauupuan niyang swivel chair.
“Just like you said earlier, Caleb is indeed a vampire. So do our enemies who attacked the mansion,” he finally confirmed.
Napahalumbaba ako sa ibabaw ng mesa. Muling nabuhay ang nararamdaman kong kuryosidad. “How? I mean, how did you even have a connection with the likes of them?” Hindi kaya may lahi rin kaming bampira?
Pakiramdam ko ay nanginig ang kalamnan ko nang dahil sa naisip.
Nagbaba siya ng tingin bago niya ipinatong ang baba sa magkadaop niyang palad na para bang mayroong sinasariwang alaala.
“Because we came from a family of vampire hunters,” sagot niya sa mababang boses.
Napaawang ang bibig ko. Now, that’s another revelation.
“I’m sorry. W-what?” hindi makapaniwala kong tanong dahil baka nagkamali lamang ako ng dinig.
Malalim siyang napabuntonghininga habang mababanaag naman ang lungkot sa kanyang mga mata.
“Pasensya na at hindi ko agad nasabi ang tungkol sa bagay na ’yon sa ’yo, anak. Pakiramdam ko kasi ay hindi mo na kailangan pang malaman. Isa pa ay matagal ko na ring binitiwan ang pagiging vampire hunter at itinuon na lang ang buong atensyon ko sa organisasyon.”
Napaayos naman ako ng upo bago napailing dala ng kalituhan.
“Still, isn’t it your job to kill vampires? Then why hire one as my bodyguard? To think that you’re even friends with his family?” I glanced at Caleb. He’s currently browsing through the bookshelf, and it seems that he doesn’t mind us at all.
“I don’t have any other choice. Dahil tumalikod na ako sa asosasyon ng mga vampire hunters ay hindi na ako makakuha pa ng sapat na tulong at proteksyon mula sa kanila. And the enemies are playing dirty. They hired low-class vampires just to get rid of me.” This time he looked at me. “Just to get rid of you. Kaya kailangan nating tapatan ang klase ng mga tauhan na mayroon sila. They have vampires on their side. That’s why we need one on ours too,” he explained.
Magsasalita pa sana ako nang biglang sumabat si Caleb.
“I hate to interrupt, but one of those vampires who are sent to kill you is Arc and Vien.”
Marahas akong napabaling sa direksyon ni Caleb. Kung ganoon ay tama nga ang hinala ko na magkauri sila.
“That’s the main reason why I finally seek help from Caleb, since I have been friends with his family for a long time already. Hindi naman lahat ng mga bampira ay masama dahil may iilan din sa kanila na mabubuti ang loob. Katulad na lang nating mga tao. Mayroon din sa kanila na walang ibang hangad kung hindi ang makapamuhay ng mapayapa kasama tayo rito sa mundo,” dagdag pa ni Papa.
Napangiwi ako at walang gana na sumandal sa kinauupuan ko. “But it won’t change the fact that they’re still drinking our blood. They’re feeding on us, Pa.”
“Not us. Dahil nabubuhay kami sa pamamagitan ng pag-inom ng dugo ng hayop,” kontra naman ni Caleb.
I crossed my arms. “Fine!” Muli kong itinuon ang atensyon kay Papa. “Pero bakit po ba kayo ang pinupuntirya ng mga kalaban? Sa dinami-rami n’yo po na miyembro ng underground society ay bakit parang kayo lang ang pinag-iinitan nila?”
Akala ko pa naman ay tuluyan ng magiging malinaw ang lahat sa ’kin sa oras na marinig ko ang mga paliwanag nila. Pero habang tumatagal ang pag-uusap namin ay mas lalo lang nadadagdagan ang mga tanong sa isip ko.
Biglang sumeryoso ang mukha ni Papa. Ngunit mababakasan din ito ng determinasyon. “Because I’m the only one amongst those in society who knows the real identity of King.”
Napakurap ako. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa bagay na ’yon.
“Ibig sabihin sa tuwing may pagpupulong kayo ay hindi siya nagpapakita man lang sa inyong lahat?” Napakunot noo ako. Kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng interes sa tao na tinatawag nilang King sa underground society. Ngayon pa lang.
He nodded. “Yes. We can only talk to him via phone or the intercom. Pero sa buong miyembro ng society ay sa ’kin pa lang siya nagpakita. Kaya naman ay ako pa lang ang bukod tangi na nakakakilala at nakakita na sa totoo niyang hitsura.” Napatiim bagang siya. “Ito ang dahilan kaya pinupuntirya nila ako. Sa tingin kasi nila ay may makukuha silang impormasyon sa ’kin.”
Napalunok ako. Sa hindi ko maintindihan na kadahilanan ay napukaw ng impormasyon na ’yon ang aking interes.
“Bilang ako naman ang nag-iisa mong tagapagmana, ibig po bang sabihin ay makikilala ko rin siya balang araw?” I asked hopefully.
Bumakas ang gulat sa kanyang mukha. Tila ba hindi niya inaasahan ang binato kong tanong sa kanya. Ngunit mabilis itong napalitan ng blangko na ekspresyon. “Of course, you will.”
Pilit na pinigilan ko ang pagsilay ng ngiti sa ’king mga labi. Ngayong alam ko na ang tungkol sa katauhan ni Caleb ay ang katauhan naman ng king na ’yon ang kailangan kong alamin. Walang sikreto na dapat makalampas sa ’kin.
“But the question is, when that time comes, will you be ready?” Naninimbang ang tingin na ipinukol sa ’kin ni Papa.
Nahigit ko ang hininga kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon pa lang.
“I always am.”
Napatango naman siya. May kung anong emosyon ang dumaan sa kanyang mga mata na hindi ko magawang pangalanan dahil agad siyang nagbaba ng tingin.
Ngunit alerto kong inilibot ang tingin sa paligid nang may narinig ako na kung anong bumagsak. Wala na si Caleb sa loob ng opisina at tanging ang hawak niyang libro na nasa sahig na lang ang nandoon sa kinapupuwestuhan niya kanina.
Malalim akong napahugot ng hininga bago napailing. Mukhang wala na akong iba pang magagawa kung hindi ang masanay sa kakaibang klase ng pagkatao at abilidad na mayroon siya.