bc

[BGS2: A Battlefield With Cinderella]

book_age16+
290
FOLLOW
1K
READ
playboy
arrogant
goodgirl
drama
humorous
heavy
serious
like
intro-logo
Blurb

[Bloodshed Gang Series #2]

"Akala ni Jasper, sa papalit palit niya ng babae umiikot ang lahat. Akala niya, sa itsura at maalindog na babae lang siya pwedeng maakit. Akala niya, sa malinis at maayos na babae lang siya didikit.

Ang hindi niya inakala, sa isang babaeng yagit pala mahuhulog ang kanyang loob. Yagit para sa kanya ang babaeng fashionless at magnanakaw ng identity ng isang kilalang prinsesa. Si Cinderella Maglangit Wagas na hindi niya inasahang yayanig sa kanyang mundo simula nang habulin siya nito ng tinidor."

(c) missflorendo 2020

chap-preview
Free preview
Simula
Simula Katulad ng mga karaniwang bidang babae sa TV, hindi ako kagandahan, laking probinsya, mahirap.  Simple lang. Nang magkasakit ang aking Inay ay kinailangan kong huminto sa pag-aaral pagkatapos ng high school para makatulong. Siya lang kasi ang bumubuhay sa amin simula nang abandonahin kami ng walang kwenta kong ama.  Naku! Huwag lang talagang magpapakita sa akin 'yon at siguradong ihahagis ko siya pabalik sa pinanggalingan niya. Hindi man ako sexy, malakas naman ako. Ang dami ko kayang kumain ng rice! Kasama ang amega kong si Roxanne, nagpasya kaming dalawa na tumungo ng Maynila para sa inirekomendang trabaho ni Auntie Beth. Hindi na kami nagpakipot pa dahil kailangan na namin pareho ng mapagkakakitaan. Isa pa, sinabi ni Auntie na mabait daw 'yong pamilya na papasukan namin kaya go agad kami ni amega.  Lumipad agad kami papuntang Maynila! Pakiramdam ko'y ganap na tao na kami dahil nakatungtong na kami sa wakas sa tinatawag nilang lungsod. Pagkababa namin sa eroplano at paglabas pa lamang ng airport, namangha na agad kami! Napakaraming mga sasakyan at tao! Hindi katulad sa probinsya na mga bisikleta at minsan ay tricycle lang ang makikita mo.  Sa totoo lang ay sa TV lang talaga namin ito napapanood. Pero dahil black and white 'yong TV namin, mas maganda pala talaga kapag personal na. Kasi colored! Inilabas ko ang mapa kong dala. Oo--may mapa ako. Mahirap nang maligaw noh! Iginuhit ko pa ito ng mabilis nang tumawag si Auntie sa katabing tindahan namin para ilarawan ang daan dapat naming tahakin pagdating ng Maynila. Sa awa ng maykapal ay hindi naman kami nawala! Sumakay kami ng taxi at saktong sakto ang natitira naming pamasahe sa siningil nung drayber. Jusko! Mas mahal pa itong pinamasahe namin sa pinanggastos namin sa bahay noong nakaraang dalawang buwan! Pero 'di bale, makakaipon naman daw kami dito sabi ni Auntie. Pinakatitigan pa namin ni amega ang bahay na pinaghintuan ng taxi. Hindi yata ito bahay eh. Palasyo! Isang palasyo ito! Mabuti na lamang ay lumabas si Auntie Beth at nakita niya kaming nakanganga sa tapat. Dito namin nakilala ni amega ang napakaganda naming amo.  Si Yuka. Siya lang pala ang makakasama namin dito sa parang palasyo nilang bahay! Napakaganda niya at napakabait pa! Bibihira na lang ngayon sa mga mayayaman ang ganito. Karamihan kasi sa kanila ay mga matatapobre. Ipinakilala niya kami pati sa mga kaibigan niya. Akala ko noong una ay sa langit naman kami napadpad. Mahabaging bathala! Ang gu-gwapo uy! Para silang mga anghel. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagaganda at katitikas na mga nilalang! Subalit datapwa't may isang satanas na naligaw. Kung ano'ng ikinabait sa akin ni Yuka at nang iba ay siya namang ikinasama ng budhi niya sa akin. Pagbintangan daw ba akong impostor?! Kahit i-check niya pa ang birth certificate ko sa simbahan at munisipyo namin ay ako talaga si Cinderella! Nakakahiya man pero hindi ko maiwasang hindi makasagutan ang hunghang na lalakeng iyon sa tuwing magkikita kami. Lumipas ang mga buwan at naging super close talaga kami kay Yuka. Ito pang si amega ay mukhang pinopormahan nung isa sa mga guwapo niyang kaibigan. Natutuwa ako dahil nakikita kong unti unti ng nawawala ang kalumahan ni amega Roxanne. Ngunit kahit gano'n ay hindi pa rin syempre nagbabago ang prayoridad niya sa pagpunta rito.  Ang pamilya.  Buti pa siya ay lumalablayp na! Samantalang ako ay poreber konsimisyon na lang yata ang mararanasan ko rito. Sa sobrang close na namin sa kanila ay inimbitahan pa kami ni Yuka sa birthday ng boypren niyang si King Daryl. Oh jusko patawarin niyo 'ko, pero guwapong guwapo talaga ako rito!  Kapag nakikita ko silang dalawa na magkasama ay parang nanonood ako ng pelikula. Sa party na iyon ay may partner partner pa pala. Kilig na kilig si amega nang ayain siya ni Dennis. At ako naman ay halos lumuwa ang mata nang hatakin ako ng aking mortal enemy na si Jasper. Oo siya nga! Hindi man lang ako niyaya at basta na lang akong kinaladkad! Bruho talaga! At dahil wala rin naman akong partner, hindi na ako umangal. Akala ko magkakasundo kami kahit sa gabi lang na ito, pero 'di rin namin naiwasan ang magkaron ng bakbakan. Fork Battle! Hinabol ko ng tinidor ang damuhong 'yon! Sumosobra na siya sa pamimintas! Porket maputi lang siya ay grabe na siyang makapanlait sa kulay ng balat ko! Buti napigilan nila ako dahil kung hindi ay sinunog ko na siya para maging magkakulay na kami! Hindi naman ako kaitiman at kapangitan para ipamukha sa akin na impostor ako nung sikat na prinsesang si Cinderella. Hmpf! Sa mga sumunod na araw, nasanay na lang ako sa pamimintas niya. Hindi lang sa mga panlalait niya kung hindi pati na rin sa presensya niya. Kinabahan ako bigla. Lalo na noong may ibang namintas sa akin at talagang inaway ni Jasper. Sinabihan niya 'yong lalaki na wala itong karapatan na pagsalitaan ako ng gano'n. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa panlalambot ng mga panahong 'yon. Babae rin naman ako, marunong kiligin. Kaso biglang bawi rin niya na siya lang daw ang pwedeng mamintas sa akin at wala ng iba! Walanghiya talaga! Hindi man lang pinatagal ang kilig ko! Tapos... tapos biglang dumating na lang 'yong moment na parang nag-iba na ang tingin ko sa kanya. Kinabahan ako lalo nang biglang nagbabago ang t***k sa bandang dibdib ko. Napa oh no! agad ako! Huwag niyong sabihing crush ko na siya? Hindi pupwede! Cannot be! Kung noon na kapag nakikita ko ang pagmumukha niya ay kusang tumutubo ang mga sungay sa ulo niya, ngayon hindi na. Parang biglang nagbago ang lahat. Nag-niningning na ang buong paligid niya. Iyong aura niya ay parang may sparkling lights pa.  Assorted color! Hindi p'wede 'to. Masyado siyang matayog para sa isang katulad ko. Kapag nagpatuloy itong nararamdaman ko ay alam kong ako lang din ang masasaktan sa bandang huli. Isa lamang akong tuldok sa napakalawak niyang mundo. Kaya habang maaga pa, kailangan nang mawala ng tuldok na 'yon. Magandang pagkakataon na rin siguro ang biglaang pagtawag ng isang Auntie ko sa Canada. Ito ang nag-iisang may kayang kapatid ni Inay. Sinabihan ako nito na kung gusto ko raw pumunta doon ay aasikasuhin nito lahat ng kailangan kong papeles. May offer daw kasi na scholarship iyong kumpanya na pinagta-trabauhan niya para sa kanilang lahat. At dahil wala naman itong anak ay ako ang kinontak niya para mag-benefit. At saka para mas makakatulong daw ako ng maayos kay Inay pagdating ng araw. Hindi ako nag-atubiling tinanggap iyon! Nagpaalam agad ako kina Yuka, Amega, at sa iba pa. Maliban kay Jasper.  Nasa ibang bansa kasi siya dahil may inutos yata ang kanyang Daddy. Okay na rin sigurong hindi ako nagpaalam sa kanya. Wala namang kaso 'yon. Baka nga magpa-party pa' yon sa pag-alis ko. Gusto kong magsimula ulit. Gusto kong habang maaga pa ay mawala na itong tinik sa dibdib ko. Paulit-ulit kong pinaalalahanan ang sarili ko na si Jasper ay para lang sa totoong Cinderella.  At hindi sa isang Cinderella Maglangit Wagas. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook