Kabanata 19

3060 Words
Kabanata 19 Nagising ako sa matinding sinag ng araw na tumatagos mula sa salamin na bintana ng kwarto. Napatingin ako sa napakalapit na mukha ni Jasper sa gilid ko na nasisinagan rin ng sikat ng araw. Maingat kong hinugot ang kamay kong nakadagan sa pagkakayakap niya sa 'kin at iniharang ang palad ko roon sa tapat ng kanyang mukha. Hinarangan ko ang sinag para hindi siya masilaw. My goodness. Pumasok isa isa sa ulo ko iyong mga pangyayari kagabi. Parang isang pelikula itong nag-flashback sa utak ko at hindi ko mapigilang mapakagat labi sa hiyang ngayon lang tumalab sa katawan ko. Jusko hindi ako makapaniwalang nagawa ko iyon with Jasper. At mas ikinakabahala ko ngayon ay ang katakot takot niyang pang-aasar. Sa oras na gawin niya iyon ay sinisigurado kong malalagot siya sa 'kin! Nag-panic ako nang gumalaw na iyong mga mata niya. Nagigising na siya! Madali kong ibinaba ang kamay ko at bumalik sa pagtulog. "Good morning, My Majesty. Wag ka ng magpanggap na tulog d'yan." At narinig ko na naman ang mapang-asar niyang tawa! Hinigpitan niya lalo ang pagkakayakap. No'n ko lang napansin na nasa iisang kumot kami at yakap niya 'ko nang wala akong suot na kahit na ano! Oh jusko. "T-Tumayo ka na at magbihis." "Hmm. Maya ng konti. Pahinga ka muna. Alam kong pagod ka." "M-Magbihis muna tayo. Tapos matulog ka na lang ulit." "Bakit pa? Nahihiya ka ba? Ayos lang 'yan, My Majesty." Pasalamat ko na lang at hindi nakakaasar ang naging paraan ng pagsagot niya kaya hindi na 'ko nagpumiilt pa. Hinayaan ko siyang matulog muna at halos isang oras din ang lumipas bago siya pumayag na bumangon. Patayo na siya nang napahinto siya dahil nasa 'kin ang kumot at iisa lang ito. Nagkatinginan kaming dalawa. "Sige, My Majesty. Iyo na 'yan. Kaya kong maglakad ng wala niyan." At bago pa siya makawala sa kumot ay mabilis kong ipinikit ang mga mata ko para hindi siya makita. Bigla siyang tumawa sa ginawa ko habang naririnig ko ang paglakad lakad niya sa paligid. "Sabihin mo 'pag tapos ka ng magbihis!" "Eto tapos na." Magkasalubong ang kilay ko na nagmulat at mabilis ulit akong napapikit nang makita brief lang ang isinuot niya at nakapamaywang siya sa harapan ko! "Walangya ka! Sabi mo tapos ka ng magbihis?!" "Hahahaha! Tapos naman na ah? Natakpan ko naman 'yung bagong friend mo dahil alam kong nahihiya ka pa sa kanya. Di bale friendly naman 'to at magiging super close rin kayo in the future." "Gago! Lumabas ka na nga!" "Hala gusto mong makita nina Marites ang hubad kong katawan?" "Sira sa sala ka lang! Bilisan mo!" Narinig ko ang papalayo niyang mga halakhak at nagmulat agad ako nang marinig ko na ang pagsara niya sa pinto ng kwarto. Naging abala kaming dalawa sa mga sumunod na araw. Ako sa Green Pepper at siya naman ay sa mga sideline niyang trabaho sa Paniman. Pana'y ang paalala niyang sabihan ko siya kung kailangan ko ng tulong kaya naman sa kanya agad ako tumatakbo kapag minsang may mga bagay akong hindi maintindihan. Bilang isa siya sa mga matataas na namamahala sa kanilang kumpanya, napakarami niyang naituro sa 'kin about management. Do'n niya ako lalong napapahanga sa kanya. Parang ang galing niya sa lahat ng bagay. Kahit sa mga hindi niya nakasanayang gawin ay mabilis siyang matuto. Sobrang flexible niyang tao. Kaya't hindi na 'ko magtataka kung marahil ay galit na galit na naman sa 'kin ang mama niya dahil sa pagsama ng anak nito sa 'kin. Siguradong malaking kawalan sa kanilang kumpanya si Jasper. Busy din ngayon ang mga tao rito sa Paniman dahil sa paparating na fiesta. Abala ang mga taga barangay sa pagkakabit ng mga banderitas at hindi naman maitago ang pananabik sa mukha ng mga tao rito sa mga aktibidad na inihanda ng mga opisyales. "Balita ko si Fatima raw ang mag-re-reyna elena ng sagala!" chika ni Marites. Narito sila ngayon sa bahay para makinood ng TV. Lumabo raw kasi iyong TV nila dahil sa nagdaang pag-ulan. "Sino pa ba kung hindi siya?" ininom ni Merling ang juice sa baso niya. "At ang balita ko naman ay balak imbitahin ni kapitana si Jasper para maging kapareha ni Fatima!" Muntik kong maibuga ang iniinom ko. Umuubo ubo akong napatingin sa kanila. "Totoo ba 'yan?" "Oo! Dati kasi ay walang ganitong sagala dahil wala namang nababagay sumali. Pero ngayon biglang ibinalik nila at bukas pa para sa lahat ng gustong magsagala!" "Nagpalista na nga 'yung si Pinky at Maricar! Kaya mamayang pagdating ni Jojo ay aayain ko rin siyang magpalista!" "Ay sige ako rin! Sasabihin ko kay Danilo na gusto ko ring magsuot ng gown! Sagot naman daw ng barangay ang gastusin!" Excited nilang pinag-usapan kung saan sila magpapa-ayos ng buhok at makeup. Tahimik lang akong nakinig sa kanila at inisip kung papayag ba si Jasper kung sakaling alukin nga siyang sumali ro'n. Feeling ko papayag naman siya kapag kinausap siya ni Kapitana. Pero siguradong susunod sa 'kin 'yon kung sasabihin kong ayokong sumali siya dahil maraming na namang makakakitang mga babae sa kanya. Lalo na't kung si Fatima ang kanyang magiging kapareha. Hindi ko yata kakayaning manood kung sakali. "May tao yata. Teka ako na magbubukas." Tumayo si Marites at tinignan kung sino ang kumakatok. "Cindy, narito sina Kapitana at Kagawad!" Napatayo ako at tinungo agad sila sa labas. "Magandang araw sa 'yo, Cindy!" anang babaeng Kapitana. Nakasumbrero ito at nakapayong pa dahil sa matinding sikat ng araw. "Magandang araw din ho, Kapitana! Tuloy ho kayo!" pinapasok ko sila at hindi na silang tumuloy pa sa loob. Hanggang sa silong lang sila ng aming balkonahe. "Naparito ho kayo, Kap?" "Ah oo. Ano kase, nabalitaan niyo na siguro ang tungkol sa pagdiriwang natin ng Fiestang barangay." "Ah opo, Kap." "Imbitahan sana namin si Jasper na sumali sa sagala bago ang bisperas ng Fiesta natin. Sagot naman namin ang kasuotan niya. Wala kasi kaming mahanap na kapareha para kay Fatima. Ayos lang ba sa 'yo?" Haay jusko eto na nga ba ang sinasabi ko. Bakit sa akin sila nagpapaalam? Hindi naman ako si Jasper. "A-Ah ano ho...mabuti ho siguro kung si Jasper na lang mismo ang tanungin ninyo. Hindi ko kasi sigurado kung g-gusto niya." "Oo nga sana. Nariyan ba siya ngayon?" tumanaw ito sa likod ko at sinilip kung nando'n si Jasper. "Nasa palengke pa po sila ngayon, pero makakabalik na siya rito ng bago magdilim." "Ay gano'n ba sige kakausapin ko siya ng personal." Nahihiyang ngumiti sa 'kin si Kap. "Pero pwede mo ba kaming matulungan na kumbinsihin ang nobyo mo? Baka kasi ayaw niya sa gan'to kaya sana matulungan mo kaming mapakiusapan siya." Hinawakan nito ang kamay ko at nakikiusap ang mga mata nitong tumingin sa 'kin. Haay. Ano pa bang magagawa ko kung ganito makiusap si Kap. Nakakahiyang tanggihan ang request niya. "Sige ho, Kap. Kukumbinsihin ko siya." "Naku maraming salamnat, Cindy! Actually may darating din tayong bisitang artista sa sagala. Kaso ayaw niyang may kapareha at nakakahiya naman kay Fatima kung maglalakad siya ng mag-isa." "Talaga, Kap?!" singit ni Marites. "May artistang darating?!" "Sino, Kap?! Sinong artista?!" pati si Merling ay hindi naitago ang excitement. Napakamot na lang ako ng ulo. Ang arte naman ng artista na 'yon. Magsasagala pero ayaw ng kapareha? Kaya naman pala nadawit tuloy bigla si Jasper. Napainom ako ng juice ko at bigla akong na-stress. "Iyong bida sa bagong teleserye sa hapon. Si Calyx Lozano." "Pfftt..." naibuga ko ang iniinom ko sa sinambit na pangalan ni Kap. "Naku sorry sorry!" mabilis akong kumuha ng basahang pamunas. Jusko mabuti na lang at hindi ko sa mukha nila ito naibuga. "Bakit mukhang gulat na gulat ka, Cindy?" mapanuksong tanong ni Marites. "Siguro gusto mo si Calyx Lozano, ano?" "Oo nga. Ibang klase ang pagkabigla mo pangalan pa lang!" nagtawanan sila ni Merling at pati si Kap ay nakisali sa kanila. "Sinusubaybayan mo rin ba iyong palabas niya?" "A-Ah hindi. S-Syempre sikat 'yon kaya nabigla lang ako." Palusot ko sa kanila. "Mabuti at siya ho ang naimbitahan ninyo, Kap?" "Pahirapan nga kami sa pag-iimbita sa kanya dahil ayaw pumayag ng kanyang manager. Pero buti ay naparaanan namin." Napatango tango na lang ako. Ilang buwan na rin nang huli kaming magkita ni Calyx. 6 months na rin yata. Actually noong hinatid pa nga niya 'ko sa condo ang huling kita namin. Simula no'n ay hindi na rin ako nakabalik sa bahay ampunan at wala rin akong napagsabihan sa kanila ng tungkol sa pag-alis ko. Kahit kay sister Sylvia ay hindi ako nakapagpaalam. Siguro ay tadhana na ring magkita kami rito para siya na mismo ang magpaliwanag sa mga bata sa ampunan kung bakit hindi muna ako makakadalaw. Pagdating ni Jasper kinahapunan ay binanggit ko agad sa kanya ang paanyaya ni Kapitana. "Ayoko. Bakit si Fatima ang kapareha ko? Ikaw dapat." "Eh syempre siya ang reyna elena at saka hindi ako mahilig sa ganyan." "Ayaw. Ayokong mag-selos ka tapos masasaktan ka. No no no." Napangiti ako sa rason niya. "Nakakahiya kay Kapitana, Jasper. Personal pa siyang pumunta rito para pakiusapan ka." kaya kahit ayaw ko talaga ay kinukumbinse ko siya. "Gusto mo ba 'kong nakikitang may kasamang ibang babae?" medyo naiinis na siya. "Syempre hindi! Eh para naman sa fiesta iyon dito. Pakikisama lang natin gano'n." napabuntong hininga ako dahil hindi ko yata talaga siya kayang kumbinsihin. "O sige kung ayaw mo talaga, sasabihin ko na lang kay Kap." Tumayo na ako at naglakad papasok ng kwarto. Nauna na kong humiga, pero sumunod din naman agad siya at tumabi sa 'kin. Pagkahiga niya ay hinawi niya ang buhok ko sa batok at marahan akong hinalikan doon. Napapikit ako sa tila kuryenteng nagmula sa labi niya na dumaloy sa mga ugat ko. "Sige na payag na 'ko. Wag ka ng malungkot, My Majesty." Napangiti agad ako at humarap sa kanya. "Talaga?" "Haay. Matitiis ba kita? Yakapin mo na nga lang ako nang mawala ang inis ko." Kinabig niya 'ko palapit sa dibdib niya at magkayakap kaming natulog. Ang sarap sarap lagi ng tulog ko kapag gan'tong nasa mga bisig niya 'ko. "Go, Jasper! Whooo!!" "I-shoot mo pang isa!" "Lampasuhin niyo 'yan!" "Ang pogi pogi mo Perez!!" Halos mabingi ako sa tilian at sigawan ng mga manonood sa pa-basketball ni Kapitana. Nasa covered court kaming lahat para sa unang araw ng aktibidad ng barangay. May tatlong araw kasi silang naka-sched na mga activities bago ang mismong araw ng Fiesta. Kaya naman sobrang saya ngayon dito sa Paniman. Naghiyawan at nagsitayuan ang lahat nang manalo ang team nina Jasper. Ang kalaban kasi nila ay mga pambato raw na mula pa sa kabilang barangay. Nagkaroon ng awarding sina Kap at may picture taking na naman silang sigurado na lalabas sa page nila. Ang daming nagpasingit ng picture kay Jasper. Para siyang artistang pinagkaguluhan ng mga babae. 26 years old pa lang naman siya kaya mabentang mabenta rin sa mga kabataang mukhang dumayo pa rito para manood. At syempre bilang stage girlfriend, kinuhanan ko siya ng mga remembrance niyang pictures kahit stolen lang. "May pakain na hapunan daw sina Fatima rito sa barangay 'wag muna tayong umalis!" ani Marites na nagpaalam kaninang mag-c-cr lang, pero may hatid na balita agad pagbalik. "Hindi naman tayo naglaro," sabi ko. "Kahit na. Naglaro naman ang mga asawa natin," ani Merling. Ka-team kasi ni Jasper sina Danilo, Jojo, at Jonel. Hindi na sana talaga ako sasama sa pakain, pero tumatakbong lumapit sa 'kin si Jasper. Inabutan ko agad siya ng bottled water at habang umiinom siya ay pinunasan ko ang pawisan niyang likod. Mahirap na at baka matuyuan siya. Nilagyan ko siya ng bagong twalya sa kanyang likuran at pagkatapos ay iginiya niya ako sa mga kasamang taga barangay. Pumasok kami sa loob ng barangay hall at sa ikalawang palapag nito ay naroon ang isang mahabang lamesa na puno ng pagkain. Naroon na ang mga staff ng barangay kasama si Fatima at pati si Aling Tonyang ay naroon din. "Maupo na kayong lahat!" Pinanghila ako ng upuan ni Jasper sa tabi niya. Para akong bisita na pinagsilbihan niyang ikuha ng pagkain at kulang na lang yata ay subuan niya 'ko sa harapan ng lahat. "Napaka-sweet naman ni Jasper nakakainis!" pagmamaktol ni Marites at pinapanood kami. "Napaka-swerte nga ni Cindy." Bati rin ni Kapitana. "Gwapo na, sobrang maginoo pa." Ngumiti lang ako at lalo tuloy akong nahiya. "Mas swerte ako kay Cinderella." Napuno tuloy kami ng tuksuhan sa tugon niya. "A-Ako na lang." kinuha ko sa kamay ni Jasper ang kutsara at natatawa siyang pinagsalin ako ng juice. "Eat well, My Majesty. Napagod ka sigurado kaka-cheer sa 'kin kanina." "Hindi ako makakakain ng maayos kung titigan mo ako hanggang mamaya." Parang wala kasi siyang balak na kumain. Umingay ang aming lamesa dahil napagkwentuhan nila iyong mga nakalaban nila kanina. Syempre, puro kayabangan ang lumabas sa bibig ng team at nangunguna d'yan si Jasper. "Naawa lang kami sa kanila kaya hinayaan namin silang makapuntos ng kahit dalawa man lang." hambog na wika niya. Nagtawanan tuloy pati ang mga kagawad na narito. Napapailing na lang ako sa pakikinig sa kanila. "Jasper, what time ka pwede bukas?" tanong ni Fatima na nasa kabilang side ni Jasper. "Kailangan kasi nating pumunta sa boutique sa bayan para magpasukat ng isusuot sa sagala." "Ay oo nga pala!" ani Kap na napakumpas pa dahil mukhang muntik na niyang makalimutan ito. "Bukas sana ng bagong mag-tanghalian ay makapili na kayo ro'n ng isusuot." Tumingin bigla sa 'kin si Jasper. "Pwede ka bukas?" "Nasa resto ako e. Kasama mo naman si Fatima ayos lang 'yan. Tutulungan ka niyang pumili." "Tama si Cindy, Jasper. Don't worry I'll help you choose!" "Don't worry I can manage." medyo masungit na tugon niya. Bahagya ko siyang sinipa dahil sa paraan ng pagsagot niya. Kunot noo niya 'kong tinignan. "Ihahatid muna kita bukas saka ako dideretso sa boutique." "O-Okay." Tumingin ako kay Fatima na medyo awkward ang ngiti. "Mga 10am na lang kayo magkita sa boutique." "Oh, sure!" Pinag-usapan din nila iyong iba pang mga aktibidad na magaganap. Pagkatapos ay may nabanggit pa silang reality show daw na gagawin dito sa Paniman sa susunod na buwan. "Naku edi maraming artista pala ang darating niyan dito sa barangay natin?!" "Uulan ng maraming Jasper! Hahahaha!" Nag-apir sina Marites at Merling. Sobrang kilig na kilig sila sa ibinalitang ito ni Kap. "Excuse me, guys. Nag-iisa lang ang mukhang 'to kahit na sino pa ang dumating dito sa atin." Napasapo ako ng noo ko habang nagsitawanan naman sila sa hagupit ng bagyong Jasper. Heto na nagsisimula na nilang maranasan ang bugso ng hanging dala nito. Kaming tatlo yata nina Marites at Merling ang pinakahuling natapos sa pagkain. Napasubo ako sa sarap ng mga seafoods na inihanda nila. Hehehe. Nag-excuse muna ako para maghugas ng kamay kasama iyong dalawa. "Parang pinagsisisihan ko yatang nag-asawa agad ako!" bulalas ni Marites habang nagsasabon kami ng kamay sa isang mahabang lababo. "Ako din jusko po. Paano tayo makakapagsaya ng maayos pagdating ng mga naggugwapuhang nilalang dito sa barangay natin kapag nalaman nilang may asawa na tayo?!" Kung makapagsalita sila ay parang seryoso ang pagsisisi nilang nag-asawa sila ng maaga. "Maraming bantay sigurado ang mga 'yon kaya hindi rin kayo makakalapit. At hindi rin nila malalamang may asawa na kayo." Unless ay sobrang friendly ng mga artistang darating. Basta ang alam ko ay mga masusungit at maiinitin ang ulo ng mga artista sa personal. Well, maliban na lang siguro kay Calyx. Hehe. Excited na 'kong makita siya! Siguradong masusurpresa siyang makita ako rito. Pagbalik namin ay naabutan naming magkausap sina Fatima at Jasper at nagtatawanan. Uy ang saya yata nila ah. Hehe. Nakita namin na may inabot na paper bag si Fatima sa kanya tapos nagpasalamat siya. Habang pauwi kami ay hinihintay kong i-chika niya sa 'kin ang laman ng dala niyang paper bag, pero nakarating kami sa bahay nang wala siyang sinasabi. Edi wow. As if namang curious ako sa kung anong binigay sa kanya ni Fatima. Hmp. Naupo ako sa sala at binuksan ang TV. Sakto ay ang commercial ni Calyx ang bumungad sa screen. Napangiti agad ako. "Wow kinikilig ka d'yan? Mukhang bading." inirapan ako ni Jasper at umupo siya sa tabi ko. "Saan ako kikiligin?" "Edi d'yan sa artista na mukhang bading pero nangiti ka agad pagkakita sa commercial niya." Nagme-make face siya habang sinasabi iyon. Ako naman ang umirap sa kanya ngayon. "Syempre kasama niya 'kong nag-shoot sa commercial na 'yan. Bawal mapangiti?" Tinaasan niya 'ko ng kilay. "Bakit naman kasama ka niya? Sino ba—ahh 'yan ba 'yung friend mong bakla?!" "Hindi bakla si Calyx." "Uuuy pinagtatanggol." "Ang korni mo." "Sus mas pogi ako sa Calyx mo." "Hindi ko Calyx 'yon!" tinulak ko siya palayo sa 'kin sa inis ko. "Maligo ka na nga do'n! Kadiri ka ang lagkit ng pawis mo." "Okay? Alam mo ba kung gaano karami 'yung nanghihingi ng pawis ko kanina? Pero ni isa wala akong binigyan dahil gusto kong iyo lang lahat. Tapos itutulak mo lang ako? Huh!" "Wow, poon ka ba? Kailangan na ba kitang sambahin?" sarcastic na tanong ko. Tumayo siya sa harapan ko. "Kapag sinamba mo 'ko, kailangan mo akong luhuran—or pwede rin namang ikaw ang sambahin ko? Dahil kayang kaya kitang luhuran ngayon din. Oramismo, My Majesty." Nginisian niya 'ko sa tila may ibang kahulugang wika niya. Binasa niya ang kanyang labi ng kanyang dila. Nalaglag ang aking panga sa ginawa niyang iyon. Parang dahan dahang umakyat ang dugo ko sa ulo, pero pinigilan kong sigawan siya dahil baka kung ano pa ang lumabas sa kanyang bibig at masipa ko siya palabas ng bahay. Bigla siyang tumawa at napailing iling. "Napaka-maalamat talaga ng mga reaksyon mo, My Majesty. Kaya ako nababaliw sa 'yo e." Kinuha niya iyong paperbag na binigay sa kanya kanina ni Fatima. "Oh. Paborito mo 'yan." Nakataas ang kilay kong kinuha ito. Napaawang ang labi ko nang makitang mga pagkain ito. "Bakit mo binibigay sa 'kin, 'to? Sa 'yo ito binigay ni Fatima." "Kinuha ko lang naman 'yan dahil sa 'yo. Tsaka sabi mo nga pakikisama." Ginaya niya pa iyong tono ng pagkakasabi ko sa kanya nito. Baliw talaga. "Hehe. Akala ko kung ano na ito na hindi mo masabi sabi sa 'kin." Kukuha sana ako ng isa para tikman ang mga ito, pero binawi niya iyong paperbag sa kamay ko at itinabi. "Mamaya ka na kumain. Ligo muna tayo. Sabay." Lakad takbo niya akong hinatak patungong banyo. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD