Kabanata 22 Naglahong parang bula ang pangarap kong tumataginting na isang milyon. Huhu. Simula nang magalit si Jasper sa plano kong pagsali sa reality show na iyon ay hindi ko na muling binanggit pa ito sa takot ko na baka magalit na naman siya. Pinanood ko siyang pabalik balik ng lakad doon sa may balkonahe. Kanina pa kasi siya may kausap sa cellphone at mukhang may kinokonsulta sa kanya tungkol sa kanilang kumpanya. "You fix it on your own. I can give you my last report, but stop bothering me on what to do next. I'm not handling the project anymore." Hinihilot niya ang kanyang ulo habang paroo't parito pa rin ang lakad niya. Nang pumasok siya sa sala ay hindi ko maipinta ang sama ng kanyang itsura. Kinuha niya ang kanyang laptop sa kwarto at saka siya tumabi sa 'kin sa mahabang upua
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


