Kabanata 2

2036 Words
[2] Nakatipon ngayon ang mga empleyado ng Green Pepper, dahil sa anunsyong pagdating ng kanilang bagong manager which is me. May ilang naiinis dahil imbes na tinatapos nila ang kanilang mga gawain ay narito sila ngayon at hinihintay ang beauty ko. Baka akala nila ay papahirapan ko sila katulad nung mga boss sa mga TV at libro. Jusko daaaaay. Never kong gagawin 'yon dahil nagtrabahao rin naman ako dati at ayoko kaya ng laging sinisigawan. "Let us all welcome, Ms. Cinderella Wagas! Let's give her a big round of applause!" Pinalakpakan nila ako. Nag-smile lang ako to everyone. "Thank you, Ms. Tolentino." Sabi ko at humarap sa mga staff. "Hello everyone! For the meantime ako muna ang makakasama niyo habang wala pa si Auntie." Nakangiting pumalakpak ang mga empleyadong nakatipon sa staff room. Nagkaroon sila ng mga mumunting usapan at napalagay naman kaagad ang loob nila sa akin dahil hindi naman daw pala ako nakakatakot katulad ng karakter na iniisip nila. Sinasabi ko na nga ba kaya mukha silang mga matatae kanina pa e! May ibang bumalik na sa trabaho pagkatapos magbigay ng kanilang maligayang pagbati sa lola niyo. Ang ilan naman ay nanatili at nakipag-chikahan pa sa akin. O see? Close na kami. "Welcome po talaga dito, Ms. Wagas. Akala namin mas nakakatakot kayo kay Ms. Tolentino dahil mas mataas ang posisyon niyo sa kanya," medyo nahihiya pang ani Bella. Isa sa mga main chef ng resto. "Ay ganun agad agad? Porket mas mataas ang posiyon ay mas mataas din ang level ng kasungitan?" humalakhak ako para mas lalong gumaan ang loob ng mga empleyado sa akin. "Wag kayong matakot. Maging friends tayong lahat dito basta 'wag niyo lang kakalimutang gawin ng maayos ang trabaho niyo," "Opo, Ms. Wagas! Tatandaan po namin 'yan." alistong sagot ni Alfred. Ang in charge sa ingredients araw araw na nobyo pala ni Bella. "Atsaka nga pala, pwede 'wag ng Ms. Wagas? Kahit Ma'am Cindy na lang okay na. Masyadong kayong formal kinikilabutan ako," napahampas pa ko sa binti habang tumatawa. Kinikilabutan kasi ako kapag tinatawag na Ms. Wagas. Hindi nila lubusang akalain na sobrang kalog at happy girl ko. So imbes na tamarin at matakot sila sa pagpasok ay mukhang sisipagin na sila araw araw dahil hindi na katulad ni Ms. Tolentino ang sasalubong sa kanila. Isa ng dyosang katulad ko na ang bubungad sa kanila! "Mukhang mabait naman si Ms. Tolentino. Baka hindi niyo lang alam kung paano siya kausapin ng tama kaya nagsusungit. Charm lang katapat niyan," pangungumbinsi ko pa rin sa kanila. "Ay nako, Ma'am. Mukhang kayo ang nagkakamali. Pagpasok pa lang namin ay mistulang nag-evolve na dragon na agad siya. Wala pa kaming ginagawang pagkakamali nun ah. Actually 30 minutes advance pa kaming pumapasok kasi nga ayaw ng late pero gano'n pa rin. Mainitin ang ulo," tuloy tuloy na sagot pa ng isang empleyado. "Nung kausap ko siya sa phone tsaka kanina, she sounds sweet and kind naman. Siguro pa-iba iba lang ang mood niya. Intindihan niyo na lang." sabi ko pa. Ang sweet sweet kaya ng voice niya noong magka-call kami sa phone. "Natatakot lang po 'yon na magsungit. Auntie niyo kaya nagpapasweldo sa kanya," halata sa mukha nila na ilang beses na silang nasungitan kaya labis kung makapaglabas ng hinanaing sa 'kin. "Baka wrong timing lang kayo palagi kapag nakikita siya. Let us all be positive thinkers. Isipin natin 'yong mga positibong posibilidad kung bakit gano'n ang isang tao. Let us enjoy the company of each other! Okay, let's go back to work!" Tumungo ako sa designated office ko. Napaka-artistic ng pagkaka-disenyo dito dahil sa kabila ng ka-simplehan nito ay iba pa rin ang mararamdaman mo pagkapasok. May ambiance itong talagang makakapagpagaan ng pakiramdam ng sino mang pupunta. Dahil na rin siguro sa mga paintings na puro nature inspired na nakasabit sa pader. Maging ang mga furniture kasi rito ay yari sa matataas na uri ng punong kahoy. Umupo ako sa aking beautiful table at sinimulang basahin ang mga papers na kailangan ng autograph ko. Nalukot ng bahagya ang aking noo nang mabasa ang isang letter mula sa isang manufacturer na nagsasabing hindi na ito maaaring magbigay ng supply ng kailangan naming spices starting next month which is ang spices na 'yon mula sa kanila ang pinaka-main ingredient ng Green Pepper. OMG. Cannot be! Ibinaba ko ang mga papel at agad na idinial ang numero ng telepono sa office ni Ms. Shayne Tolentino. "Hello, Shayne." [Yes po, Ma'am Cindy?] "May nabasa kasi akong letter dito about do'n sa isang supplier natin na nag-decline ng mag-supply. Ano'ng nangyari at biglang nagbago ang isip nila? Sa pagkakaalam ko matagal na tayong connected sa kanila." [Ah. Yun na nga po ang isa sa main problem natin ngayon dahil bigla na lang silang nag-pull out last month. Na-konsulta ko na rin po 'yan sa dati naming manager at ang sabi ay pilitin naming makapag supply ulit sila. Pero ilang beses ko na ring nakausap 'yong head nila at mukhang wala na talagang makakapagpabago ng isip nila. Ni ayaw na nga po nilang tumanggap ng appointment mula sa 'tin.] "Wala na ba talagang ibang way para ma-persuade natin sila?" [Hindi ko po sigurado pero kung kayo po siguro ang mag-se-set ng appointment sa kanila ay baka pumayag pa silang makipag-usap. ] "Then let's not waste our time. Set me an appointment to whoever their head is." [Okay, Ma'am!] 5 years ago pa simula nang itayo ni Auntie itong restaurant mula sa naipon niya habang nasa ibang bansa. Madali niyang napondohan itong negosyo niya dahil wala naman siyang family na sinusuportahan. Hindi siya nakapag-asawa dahil busy much sa work. Lonely tuloy ang lovelife niya like me. Huhuhu. Dito yata ako nagmana eh. Noong nasa Canada pa ako ay unti unti na ring lumalaki ang pangalan ng resto na 'to. Ngayong nakabalik na 'ko ng Pinas, ang Green Pepper ay nakikipagsabayan na rin sa mga malalaki at mamahaling resto sa bansa. Balita ko nga ay sampung branches na nito ang nakakalat sa iba't ibang part ng Philippines. And since ako nga ang General Manager, hawak ko rin ang mga 'yon at kailangan kong bisitahin one by one. Nakakalurkey diba? Akala ko magiging manager lang ako ng isang branch. Si Auntie talaga ngayon gumaganti sa akin. Kunwari pa. Hehehe. 3PM na nang matapos kong i-review lahat ng papel na nilagay ni Shayne sa table ko. Grabe ang dami no'n sumakit ang ulo ko. I think gusto ko ng ice cream. Tumayo ako at kinuha ang susi ng kotse ko sa ibabaw ng table. O diba sosyal ko? Si Auntie kasi ang kulit. Sinabi ko na sa kanyang okay lang na mag-jeep ako pag pumapasok dahil makakadagdag lang sa polusyon 'tong kotseng binigay niya. Pero wala na 'kong nagawa nang ipagpilitan. Sayang naman daw 'yong natutunan ko sa driving school kung 'di ko gagamitin. Sabi nga nila kapag pinagpipilitan na ang blessing, 'wag ng tanggihan. Malas daw 'yon. Dumiretso ako sa restroom pagdating ko ng mall. Di pa nga ako nakakakain nawiwi agad. Nang lumabas ako ng cubicle ay napaharap ko sa isang malaking salamin. Napahinto ako at pinagmasdan ang reflection ko. Dyosa na nga talaga ako. Joke! Pero ang laki na nga ng pinagbago ko kumpara sa dati. Pero syempre sa panlabas na anyo lang. Ako pa rin 'yong dating Cinderella na nakilala ng lahat. Kailanman hindi magbabago 'yon. Short straight hair, lighter skin color kaysa dati and nag-me-make up na rin ako at maayos ng manamit. Mga bagay na nabago sa 'kin since nagpunta ako ng Canada. Nothing more, nothing else. Favorite ko pa rin ang rice lalo na kung sexy ang shapes nito at mapuputi. Jusko nagutom ako bigla. Mag-fu-foodtrip ba ako mag-isa? Loner much. Naglakad lakad ako at nagtitingin ng mga pagkain sa mga stall. Ayokong pumasok sa mga resto. Mas masarap pa ring kumain sa tabi tabi. Kung meron nga lang isaw dito ay hindi ko uurungan. "Kung gano'n ay maghiwalay na lang tayo. Doon ka na lang sa chinita mo. Mas singkit at mas maputi sa 'kin. Higit na mas maganda at mayaman pa!" Napatigil ako sa malumanay at humihikbing boses sa likuran ko. Nilingon ko ang isang babaeng morena na naka-ponytail. Taas baba ang mga balikat nito dahil sa paghikbi. Ngunit ano mang ayos at itsura nito ay hindi kailanman mawawala sa utak ko kung sino siya. "Amega!!" sa sobrang tuwa ko ay nahampas ko siya sa kanang balikat. Napalakas nga yata dahil medyo tumilapon siya sa sahig. Puno ng uhog at luha ang kanyang mukha nang mag-angat siya ng ulo. Hinihimas himas pa niya ang pwet na tumama sa malamig at matigas na marmol ng mall. "Jusko mahabaging bathala!" inayos niya ang kanyang suot na salamin at dahan dahang tumayo mula sa pagkakabagsak. Tinulungan ko naman siya para medyo makabawi man lang. "Ikaw nga Amega Cindy!! Ahhhhhh!!' Itinapon niya ang kanyang sarili sa akin at mahigpit na mahigpit akong sinakal! Oo literal na sinasakal niya 'ko sa higpit ng yakap niya! Feel na feel ko ang pagkamiss niya sa 'kin ng 4 years! "Aray ko Amega wait lang! Wag mo muna akong i-deadbol uy!" tinapik tapik ko ang kanyang mga braso para humiwalay sa akin. "Grabe ka naman Amega ano bang mga kinakain mo at naging super strong mo!" napaubo pa ako sa pagkakaipit niya sa leeg ko. "I just missed you so much Amega!" at ang bruha ay tinampal tampal ako sa mukha habang tumatawa! Magkabilang cheeks pa! Tignan mo 'tong babaeng 'to, kanina kala mo nasa isang soap opera sa sobrang drama ngayon naman overwhelmed much! Iba talaga karisma ko forever. "Bakit ka naman tila walking drama queen dito sa mall, Amega? May nangyari ba sa buhay pag-ibig mo? Heartbroken ba?" tanong ko agad. "Huwag nga muna nating pag-usapan 'yan! Mabuti naman at naisipan mo pang bumalik? Wala ka man lang iniwang contact para makausap ka namin doon! Ni wala man lang kaming clue kung mabuti ba ang iyong kalagayan sa Canada o kung inaabuso ka na ba!" pagalit niyang sabi. Inakbayan ko isya. "Mahabang istoya Amega! Mabuti pa at humanap muna tayo ng lugar para makapag-kwentuhan man lang tayo. Madami kang kailangan i-chika sa akin," Pumunta kami sa isang Korean restaurant kung saan may kanya kanyang private room ang bawat customers. Dito ako binomba ng mga tanong ni Amega. Daig ko pa ang ini-imbestiga sa dami ng kanyang mga questions! Ibang klase talaga 'tong kaibigan 'ko. After niyang mag-stalk ng mga nangyari sa 'kin from the past 4 years, ako naman ang nagsimulang magtanong ng mga latest happenings sa life niya. Kaya heto at kanina pa siya ngumangawa nang mabanggit ko kung anyare sa kanya kanina. Tatlong rolyo na ng tissue ang naubos niya kakangawa, pero hindi pa rin niya nasasagot ang tanong ko. Pinapanood ko lang siyang humahagulgol sa harapan ko at inaabutan ng tissue paper kada maubusan siya. "Amega, sige na ayos lang kung hindi mo kering ikwento. Basta tumahan ka na diyan oh. Please?" pinagulong ko ulit ang one roll of tissue. "Uwaaaaaa!!" Napangiwi na naman ako sa lakas ng iyak niya. Jusko Lord baka akalain ng mga nasa labas ay na-dedo ako at iniiyakan ng babaeng 'to. After almost 2 hours, sa wakas ay sumisinok sinok na lang siya. "Si Dennis kasi. Huhuhu. May shinare siyang post sa sss. Ang nakalagay, Ang Chinese ay para sa Chinese. So anong gusto niyang iparating?? Uwaaaaa! Bahala siya! Ayoko na siyang masilayan pa!" nagpapadyak siya at withmatching untog untog ng ulo sa wall. Nababaliw na si Amega! "Uy grabi ka naman Amega! Malay mo naman eh natuwa lang 'yong tao sa post kaya shinare niya," sabi ko pampalubag loob man lang sa kanya. "Natuwa? Ano'ng nakakatuwa do'n?! Di ba niya naisip na pwede kong mabasa 'yon at alam naman niyang made in China ang dugong nasa katawan niyang macho ngayon?! Huhuhuhuhu." "Woah! Woah! Woah! Si Dennis ay macho na?!" di makapaniwalang tanong ko. "Oo, Amega. Nakakaakit na kaya ang body no'n kaya baka ipagpalit na talaga niya 'ko sa babaeng made in China! Waaaaaa!" nagpagulong gulong na siya sa sahig habang umiiyak. Hinuli ko ang kanyang mga binti at pinahinto siya sa paggulong, "Tumigil ka na nga uy! Tandaan mo, mas unique pa rin ang made in The Philippines!" ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD