MARAHAS NI JAXON NA HINILA ANG BRASO NI SAMANTHA. Napanganga ito kasabay ng panlalaki ng mga mata ng babae. “Jaxon?!” “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” Lalo pa niyang idiniin ang mga daliri sa paghawak kay Samantha. “What kind of question is that? Did I do anything wrong?” tanong na pilit inaalis ang braso. “Sumama ka sa akin ngayon din!” “At saan mo ako dadalhin?” “Kung saan ka nararapat,” aniya at hinila na ang babae papasok sa kanyang kotse. Marahas niyang itinulak ito at hindi pinansin ang pagtama ng kamay nito sa upuan. Walang siyang pakialam kung masaktan pa ang babaeng naging dahilan ng pagkawala ng kanyang asawa. Ipalalasap niya ang sakit at hirap na pinagdaanan niya dahil sa ginawa nito. “Sa tingin mo matutuwa ang Mommy at Daddy mo kapag nalaman nila ang ginagawa mo sa

