Chapter 4: Tricked

1677 Words
Iginiya siya ng bellboy papunta sa sarili niyang cabin. Hindi niya maiwasang mamangha ng makapasok siya sa loob. Hindi niya inaasahan na ganito kalaki at kagara cabin na uukupahin niya. Malawak ang salas at maging ang silid. Maihahalintulad niya iyon sa mga five star hotels na nakikita niya sa magazines. "The intercom is inside your room, Madam. You can call me anytime whenever you need anything. I will be right at your service," magalang na ani ng bellboy na kumuha ng kanyang atensyon. Tipid siyang ngumiti bago tumango. "Maraming salamat po." Ngumiti din ito pabalik sa kanya. "Enjoy your stay inside the Tempted Cruise, Madam Paige," huling sabi nito bago nagpaalam sa kanya. Nang mapag-isa nalang siya ay agad siyang nakaramdam ng kahungkagan at pag-aalala. Ito ang unang beses na umalis siya ng bahay at sumuway sa mga magulang niya. It doesn't really felt good at all. Parang gusto na yata niyang umuwi. At malamang kapag nalaman na ng mga magulang niya na nawawala siya ay sigurado siyang magkakagulo ang mga ito. Huminga siya ng malalim bago pumasok sa kanyang silid. Wala pa siyang ideya kung ano ang gagawin niya habang nasa loob siya sa cruise kaya't napagpasyahan nalang niya na magpahinga. Mahimbing siyang nakatulog at hapon na ng magising. Napagpasyahan niyang maligo muna bago kumain at maglibot sa loob ng cruise. Suot ang kanyang roba, lumabas siya ng banyo at pinuntahan ang suitcase na naiwan sa salas saka iyon binuksan para maghanap ng damit na masusuot pero laking gulat niya nang makita kung anong klaseng mga damit ang ipinadala ni Therese sa kanya. "Diyos ko! Damit pa ba ito?" Nakangiwi niyang tanong habang hawak ang ilang piraso ng damit na parang kinulang sa tela. Napatitig siya sa kanyang dibdib. Kapag sinuot niya ay luluwa na ang kanyang kaluluwa. Nanghalungkat pa siya ng iba pero laking panlulumo niya nang makitang pare-pareho lahat ng mga iyon. Tiningnan din niya ang mga pang-ibaba niyang suot at nakitang puro sexy shorts at skirts ang mga nakapaloob doon. Nang sipatin naman niya ang mga underwear ay mas lalo siyang nagimbal dahil puro iyon t-back at mga see-through panties! "Ano bang nakain ni Therese at ito ang ipinadala niya? Ganito ba ang mga sinusuot ni Therese at Psyche?" Kausap niya sa kanyang sarili. Problemado siyang sumalampak sa sahig. Ano nalang ang isusuot niya ngayon? Konserbatibo siya sa mga suot niyang damit dahil iyon naman ang binibili ng mga magulang niya. Sandali siyang natulala subalit ilang saglit lang ay napaisip siya. Kung nais niyang maranasan ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa noon, bakit hindi niya simulan sa mga damit? Kung tutuusin ay maganda naman ang kutis niya at walang kahit ni isang peklat ang kanyang balat. Maganda rin ang hubog ng kanyang katawan. Huminga siya ng malalim bago dinampot ang isang kulay pulang croptop at kulay itim at maikling skirt. Mabilis niya iyong isinukat at agad na sinipat ng tingin ang kanyang sarili sa salamin. Kapansin-pansin ang medyo may kalakihan niyang dibdib at pang-upo pati na amg mahaba niyang mga binti. Unti-unti siyang napangiti nang pagmasdan niya ang kanyang sarili. Hindi naman pala pangit tingnan. Mas lalo pa ngang tumingkad ang kanyang kutis. Dumampot siya ng isang flat sandals bago lumabas ng cabin at hinanap kung nasaan ang restaurant. Pumasok siya sa isang Spanish cuisine at nag-order. Sakto at gabi na. Namangha pa siya nang mapagtantong libre ang pagkain sa loob ng cruise. Kaunti lang ang tao sa restaurant at karaniwan ay mukhang mga magkasintahan pa. Plano niyang maglibot maya-mayang konti pagkatapos niyang kumain. Tahimik siyang lumabas ng restaurant at naglakad-lakad hanggang sa maisipan niyang sumakay ng elevator papunta sa roof deck kung saan naroon ang club. Hindi pa siya kailanman nakapasok doon kaya't nais niyang iyon ang una niyang susubukan. Sumalubong sa kanya ang maharot na musika sa bungad palang ng pinto. Dahan-dahan siyang naglakad papasok habang abala ang kanyang mga mata sa pagtingin-tingin sa paligid. Ganito pala ang itsura sa loob ng club. May maraming nag-iinuman sa bawat mesa pati na sa counter. Madami ding sumasayaw sa dancefloor. Pinili niyang pumunta sa bar counter para umorder ng inumin. "Hello... Pwede ba akong umorder ng inumin na konti lang ang alcohol content?" Aniya sa bartender. Sandali siya nitong tinitigan bago ngumiti. "Sure. You can try our Martini Vibrante, pretty," magiliw nitong wika. Tipid naman siyang ngumiti. "Sige, iyan nalang." "Give me a minute," anito at tinalikuran na siya. Mataman siyang naghintay sa kanyang order habang inaaliw niya ang sarili sa pagmamasid sa paligid hanggang sa dumako ang kanyang tingin sa isang kapareha na naghahalikan na sa dancefloor. Mabilis niyang iniwas ang kanyang tingin at ibinalik sa bar counter. Hindi niya aakalaing pwede palang gawin iyon. Akala niya ay pribado ang mga bagay katulad ng paghahalikan. Mukhang mali yata ang inaakala niya. "Here's your Martini Vibrante. Enjoy your drink pretty," nakangiting ani ng bartender. Agad niyang inamoy ang inorder niyang inumin. Napangiti siyang nang mapagtantong mabango naman pala iyon kaya't sinubukan na niyang tikman. Agad siyang napaubo nang malasahan ang kaunting pait mula sa alak. Ganito pala ang lasa ng isang martini? "Hey sexy... Are you alone?" Napalingon siya sa kabilang gawi nang may marinig siyang boses. Bumungad sa kanya ang isang lalaking may hawak na baso ng alak sa kanan nitong kamay. "A—ako ba ang kinakausap mo?" Alanganin niyang tanong. Ngumiti ito sa kanya. "The one and only..." Hilaw siyang napangiti. Dahil hindi siya nakakalabas sa kanila, hindi siya sanay na makipag-usap sa mga estranghero. Pakiramdam niya nininerbyos siya tuwing may mga pagkakataong ganito. "Yes, I'm alone," tipid niyang sagot. "I can keep you company if you don't mind. We can be friends, I'm Jake," anito at naglahad ng kamay. Sandali niyang tinitigan ang nakalahad nitong kamay. Wala naman sigurong masama kung makikipagkaibigan siya, hindi ba? Mukha naman itong mabait at palakaibigan. This is her chance to find new friends too. "I'm Paige," aniya at tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Friends?" Nakangiti nitong turan. "Friends..." Masaya niyang tugon. "So, Paige, do you have a boyfriend?" Napakurap-kurap naman siya bago umiling. "Wala. Hindi pa ako nagkaboyfriend kahit kailan." Bakas ang bahagyang pagkagulat sa mga mata nito. "Talaga? Sa ganda mong iyan?" Tipid siyang ngumiti bago tumango. "Wala talaga. Ayaw kasi ng parents ko." "Napatango-tango naman ito. "Ah, I see. Your boyfriend will be so lucky to have a virgin woman like you then." Sandali siyang natigilan sa sinabi nito. Why is he talking about her virginity? Hindi ba't private matter iyon? Nang makita nito ang kanyang reaksyon ay bahagya itong natawa. "I'm just kidding. I'm sorry if I offended you." Alanganin naman siyang ngumiti. "O—okay lang." "No, it's not okay. I'll buy you a drink para naman makabawi ako sayo," Jake apologetically said. Mabilis siyang umiling. "Hindi na. May inumin namana ako," aniya at itinaas ang baso ng martini na hawak niya. "Nah, I'll buy you a new one. Yung mas masarap pa diyan—" "Wag na. Hindi kasi talaga ako umiinom kaya ito lang ang inorder ko," muli niyang awat sa lalaki. Napatitig naman ito sa kanya bago muling ngumiti. "Then I'll buy you another non-alcoholic drink as an apology. Hindi mo naman ako tatangihan, diba? We are new friends after all." Ilang saglit siyang nanatiling tahimik bago marahang tumango. "O—okay. Thank you," mahina niyang sambit. Lumapit si Jake sa bartender at may binulong. Napasulyap naman sa gawi niya ang bartender bago nakipag-usap ulit kay Jake. Inabala nalang niya ang kanyang sarili sa paglalaro ng kanyang baso habang hinihintay si Jake na bumalik. Lumipas ang ilang minuto, nakangiti na itong naglakad pabalik sa kinauupuan niya habang may dalang panibagong inumin. "Here, try this..." anito sabay lapag ng panibagong baso na dala nito. Tiningnan niya ang alak na nasa kanyang harapan bago nilingon si Jake. "Sigurado ka bang hindi talaga nakakalasing 'to?" Paninigurado niya. "Yup! Subukan mo lang. Mapait lang yan sa una pero maya-maya lang ay magugustuhan mo yan. You'll surely enjoy it," nakangiti nitong turan. Ilang sandali pa niyang tinitigan ang baso bago dahan-dahan iyong dinala sa kanyang bibig at tinikman. Mabilis siyang napangiwi nang manuot ang mainit at mapait nitong lasa sa kanyang lalamunan pababa sa kanyang tiyan. "How was it?" "Ang pait!" Nakanguso niyang turan. Muli itong natawa. "You're so cute, Paige. Inumin mo pa yan para masanay ka. Later on, you won't feel any bitterness in it," pang-eengganyo pa nito. Sinunod niya ang gusto ng lalaki. Tama nga ito. Ilang shots lang ay mukhang nasanay na ang lalamunan niya. Makalipas ang pang-apat na shot, nakaramdam na siya ng pamimigat ng kanyang ulo. Nilingon niya si Jake na nakatitig sa kanya. "A—akala ko ba hindi 'to nakakalasing... Bakit parang... Bakit parang—" "It's because you're not yet used to alcohol. Ang mabuti pa ay lumabas na tayo dito para makapagpahinga ka na," suhestyon nito. Napatango naman siya. Mukhang kailangan nga niyang matulog para mawala ang kakaibang nararamdaman niya. Inalalayan siya nitong makababa sa stool hanggang makalabas sila ng club. Hindi namana siya nagreklamo nang inilibot nito ang sariling braso sa kanyang bewang para alalayan siya. "Sa sarili kong cabin ako matutulog," nahihilo niyang wika habang nasa elevator sila. "No need. Sa cabin ko nalang. I'll take care of you," bulong nito sa kanyang tenga. Nanayo ang balahibo niya sa buo niyanh katawan nang maramdaman ang mainit nitong hiniga sa kanyang tenga. Hindi lang iyon, mas lalo pa siyang nataranta nang halik-halikan nito ang kanyang pisngi. Pilit niyang itinutulak si Jake pero hindi siya nito hinayaang makawala. "Stop moving, Paige. Pinapangako kong masasarapan ka sa gagawin natin ngayong gabi," anito sa naghihibong boses. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib. Inosente man siya pero ngayon napagtanto na niya kung ano ang nais nito sa kanya. "H—hindi... Ayoko..." "Too late for that. Akin ka ngayong gabi." Akmang hahalikan siya nito nang biglang bumukas ang elevator. Sa nanlalabo niyang mga mata, isang pamilyar na pigura ang naaninag niyang papasok sa loob. Mabilis niyang inabot at mariin na hinawakan ang braso nito para humingi ng saklolo. "H—help... me… Please…"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD