Napakurap-kurap siya at inilibot ang tingin sa paligid. May iilan pang mga tao ang nakatingin sa gawi nila kabilang na si Manong na naghihintay sa kanya. Napahawak siya sa kanyang dibdib kasabay ng pagbundol ng kaba sa kanyang puso.
"The next time you'll cross the street, look left and right first," muli nitong wika.
Dahan-dahan siyang lumingong muli sa lalaking nagligtas sa kanya at bahagyang yumuko. "Maraming salamat sa pagliligtas mo sakin at pasensya ka na."
Huminga ito ng malalim bago hinawakan ang kanyang kamay. Bahagya siyang napapitlag. Iyon ang unang beses na may humawak sa kanyang kamay na isang lalaki. Pakiramdam niya nakukuryente siya pero nang tingnan niya ang estranghero ay tila wala naman itong reaksyon ng katulad ng sa kanya.
"Luckily you left this at nahabol kita dahil kung hindi, baka sa ospital na ang bagsak mo or worst, you could've died," pagpapatuloy nito sabay lapag ng mga libro na inilagay niya sa counter ng cafe kanina sa kanyang palad.
"Ayos lang po ba kayo, Ma'am?"
Napalingon siya sa kanyang driver na naroon na pala sa kinaroroonan niya. Hilaw siyang ngumiti bago tumango. "Ayos lang po ako Manong."
Tila nakahinga naman ito ng maluwag sa narinig. "Akala ko malilintikan na ako nina Madam Penny at Sir Tyson," kamot ulo nitong sambit bago ibinaling ang atensyon sa lalaking nagligtas sa kanya. "Maraming salamat po, Sir."
Tinaguan naman nito ang kanyang driver bago sumulyap sa kanya. "Mag-ingat ka na sa susunod," anito at tinalikuran na sila.
Hinatid tanaw niya ang lalaki hanggang sa makasakay ito sa kotse. Nakaramdam siya ng panghihinayang. Ni hindi man lang niya natanong kung ano ang pangalan nito.
Inaya na siya ng driver pabalik sa sasakyan nila. Tahimik siya buong byahe habang naglalaro parin sa isipan niya ang mukha ng lalaking nagligtas sa kanya at kahit hanggang makarating siya sa condo. Pagkapasok niya sa salas ay isang sampal sa pisngi ang sumalubong sa kanya.
Napahawak siya sa kanyang pisngi at nagtatakang nag-angat ng tingin sa kanyang ina. "B—bakit niyo po ako sinampal, Mommy?"
"Ang sabi ko sayo isang oras kalang pwedeng lumabas pero lumampas ka ng kalahating oras. Hindi ba't sinabi ko sayo noon paman na kung anong oras ang ibibigay sayo, dapat iyon ang sundin mo!" Bulyaw nito sa kanya.
"S—sorry po," aniya sa mababang tono.
Pagak namang natawa ang kanyang Mommy Penny. "Sorry? Dahil diyan sa katigasan ng ulo mo, muntik ka ng masagasaan! Sa bookstore lang ang paalam mo! Bakit pumunta ka pa sa cafe?! You could've died! Alam mo namang magpapakasal ka pa! Saka ka na mamatay kapag nakasal ka na para may makuha naman kaming yaman ng daddy mo mula sa asawa mo at magkaroon ka naman ng silbi!"
Mas lalo lang siyang napaiyak. The fact that her mother is mad at her for almost getting hit not because she was concerned about her well-being but she's concerned about the wealth she'll generate for them.
"Pasensya na po. Gusto ko lang naman po kasing bumili ng espresso—"
Hindi na niya natapos pa ang iba pa niyang sasabihin nang hablutin nito ang dala niyang espresso at cake tsaka walang pag-aalinlangan iyong hinagis sa sahig. Nagkalat sa sahig ang inumin at cake na nabili niya. Parang pinipiga ang puso niya sa labis na sama ng loob. She could almost got hit just so she could buy those things pero ngayon ay nawala parin sa kanya nang hindi man lang niya natitikman.
"Iyan ang dahilan kaya muntik ka ng mapahamak? Dahil lang diyan? Bakit ka pa bumili ng ganyan? Wala bang pagkain dito sa bahay?"
Imbes na sumagot ay mariin siyang napapikit at yumuko. Talking back to your parents is a bad thing kaya kahit nais niyang sumagot at ipaliwanag ang sarili niya ay hindi niya magawa.
"Clean that mess at huwag na huwag ka na ulit lalabas ng bahay kung ayaw mong mas higit pa diyan ang aabutin mo sakin," anito at iniwan na siya sa salas.
Ilang saglit siyang nanatiling nakatayo at nagpatuloy sa pag-iyak bago niya nilinisan ang nagkalat na espresso sa sahig. Nang makita niyang pwede pang kainin ang cake ay itinabi niya iyon at dinala sa ginagamit niyang silid.
Habang kumakain siya ng cake ay patuloy naman sa pagpatak ang kanyang mga luha. Kinuha niya mula sa kanyang bag ang invitation na ibinigay ni Therese sa kanya at pinakatitigan iyong maigi. Ilang saglit pa'y marahas niyang pinahid ang basa niyang pisngi at hinanap ang kanyang cellphone saka tinawagan si Therese.
"Hello, my dear cousin… Did you call me for a good news?" Magiliw nitong tanong sa kabilang linya.
Humugot siya ng hangin bago sumagot. "Nasa Maynila ako Therese. P—pwede pa ba akong makasampa sa Tempted Cruise ngayon?" Lakas loob niyang tanong.
She doesn't wanna do this but she realized that even if she will become the most obedient daughter in the whole world, they would still hurt and punish her. Bahala na kung parusahan siya ng mga magulang pagbalik niya, but right now, she wanted to spread her wings and do the things she wanted to do for so long and eat the food she wanted to eat even just for a week. Just for a week. Maranasan man lang niya na maging malaya siya.
"Hmm, tomorrow afternoon, Paige. Magkita nalang tayo sa address na ibibigay ko. I will provide everything you need from, dresses, money, etc. All you need to bring is the invitation card and passport."
"O—okay, sige. Maraming salamat, Therese…"
"Nah, anything for your happiness my dear cousin…"
Kinabukasan ay buong araw siyang nagkulong sa kanyang silid. Alas dos ng hapon nang pumasok ang kanyang ina sa kanyang kwarto.
"Fix yourself and get out. Nandito na ang designer na gagawa ng wedding gown mo," malamig nitong turan bago lumabas ng kanyang silid.
Huminga siya ng malalim bago tumayo sa kama at sumunod sa kanyang ina. Hindi na siya nag-abala pang ayusin ang sarili niya at humarap na sa sinasabing designer ng kanyang mommy.
Mabilis lang naman nitong kinuha ang kanyang sizes bago inilapag sa harapan niya ang iilang larawang disenyo ng wedding gown sa catalogue. "Pili ka na kung anong style ang gusto mo," magiliw na wika ng babae.
Agad na lumapit ang kanyang ina at kinuha ang catalogue mula sa kanila. "I will choose the style for her."
Tahimik namang tumango ang designer habang siya ay nanatiling nakaupo sa sofa at matamang naghihintay na matapos ang mommy niya sa pagpili.
"I want this one," turo ng mommy niya sa catalogue na hawak nito.
"Oh, it's a good choice, Madam. Why don't we show it to our bride-to-be kung magugustuhan ba niya," tugon ng designer.
But her mother brushed it off. "Hindi na. She likes whatever my choice is. Hindi magrereklamo iyan."
Matapos makapag-usap ng dalawa ay magkasama itong umalis at muli siyang iniwang mag-isa sa condo. Subalit ang ikinapanlumo niya ay ang tatlong bodyguards na iniwan ng kanyang ina para magbantay sa kanya. Agad siyang bumalik sa kanyang silid at tinawagan si Therese para ipaalam dito na mukhang hindi siya makakatakas dahil may mga bodyguards siyang kasama.
"Asus, don't worry. My husband said he will take care of them for you so you can get out. Hintayin mo lang siya, okay?" Kalmanteng sambit ni Therese.
"Sigurado ka ba? Baka mapahamak ang asawa mo," nag-aalala niyang sambit.
"He's bringing professionals with him. I will wait for the two of you at the dock," anito bago pinatay ang tawag.
Kumuha siya ng isang pirasong papel at nagbilin ng maikling sulat na babalik siya. Kabado siyang naghintay sa sinasabi ni Therese sa kanya. Ilang saglit pa'y may narinig na siyang kalabog sa loob ng condo unit na kinaroroonan niya.
Maya maya lang ay may kumatok na sa kanyang silid. Dahan-dahan siyang lumapit at maingat iyong binuksan. Bumungad sa kanya ang mukha ng asawa ni Therese kaya't niluwangan na niya ang pagkakabukas ng pinto.
"Are you ready?"
Sunod-sunod ang naging pagtango niya.
"Let's go," anito at nagpatiuna na sa paglalakad.
Agad siyang sumunod sa lalaki subalit hindi niya mapigilan ang sarili na mapasinghap nang nadaanan niyang nakabulagta na sa sahig ang mga bodyguards na iniwan ng mommy niya.
"Buhay pa ba sila?" Nag-aalala niyang tanong.
"Yes. They're just asleep."
Though she felt sorry for them, hindi na siya nag-abala pang mag-aksaya ng panahon para sa mga ito dahil baka maabutan pa siya ng kanyang mommy at hindi na siya makakaalis pa.
Naging mabilis lang ang lahat. Natagpuan nalang niya ang sarili sa pantalan kung saan naghihintay si Therese sa kanya. Malawak ang ngiti sa labi nito at sinalubong siya ng yakap.
"Kinakabahan ako, Therese," pagtatapat niya.
Mahina naman itong natawa. "That's normal. This is the first time na sumuway ka sa Mommy at Daddy mo."
Kabado siyang ngumiti bago napasulyap sa malaking suitcase nasa tabi nito. Nang binitawan siya ni Therese ay hinawakan nito ang kanyang kamay at mariiin na pinisil.
"Welcome to the outside world, Paige. I hope you'll enjoy this trip," anito bago inabot sa kanya ang isang puting rosas.
Pinukol niya ito ng nagtatakang titig.
"It's your passage so you can enter the cruise with your invitation," turo nito sa barko na animo matatabunan na ang buong dock dahil sa laki.
Ngumiti siya bago niyakap si Therese. "Thank you so much for helping me, Therese…"
Tinapik nito ang kanyang likuran bago siya binitawan. "Go now. Kwentuhan mo ako pagbalik mo ha."
Nakangiti siyang tumango dito at nagsimula ng maglakad paalis. Nang malapit na siya sa entrance ay muli niyang nilingon si Therese at Pierre. Kumaway sa kanya ang kanyang pinsan kaya't kumaway din siya pabalik bago nagpatuloy sa paglalakad papasok. Agad na kinuha ng nasa entrance ang kanyang invitation card at puting rosas. Naglakad siya papunta sa main atrium kung saan may mga nakangiting crew ang nadatnan niya.
"Welcome to the Tempted Cruise, Ma'am…"