"T—tempted Cruise?" Mahina niyang sambit habang titig na titig sa kulay gold na envelope.
"Yup! It was a gift for us noong kasal namin ni Pierre but you know, I'm pregnant kaya hindi ako pwede diyan. Si Psyche talaga ang first choice ko diyan kaso mukhang maagawan na yata siya ng tuluyan doon sa greatest love niya," may halong pang-iinis na sambit ni Therese.
"Just shut up Therese!" Psyche hissed.
"Totoo naman ah! Ano bang nagustuhan mo doon kay Zeus eh mukhang sinto-sinto iyon. He looks like an idiot with his corny face," pairap nitong sabi.
Hinayaan na niyang magbangayan ang dalawa habang ang atensyon niya ay nasa imbitasyon na ibinigay ni Therese sa kanya. Dahan-dahan niyang binuksan ang envelope kung saan tumambad sa kanya ang kulay itim na card. Marahan niyang hinaplos ang nakaukit na kulay gold na mga letra.
"You are invited to Tempted Cruise…"
"Kapag nag-asawa ka na, marami ka ng hindi magagawa. Give yourself a break Paige. Hindi mo naman tatakasan sina Tito, mag-eenjoy ka lang sandali," ani Therese na pumukaw sa lumilipad niyang diwa.
Ilang sandali pa niyang tinitigan ang imbitasyon bago maingat na ibinalik sa loob ng envelope ang laman at ibinalik kay Therese. "Hindi na Therese. Hindi rin naman papayag sina Mommy at Daddy."
Inirapan siya ng babae bago padabog na ibinalik sa kanya ang invitation. "Sinabi ko bang magpaalam ka. Bakit ba napakamasunurin mo? Wala parin namang bunga ang pagiging mabait mo sa kanila. Pasayahin mo naman ang sarili mo."
"Pero masusundan parin nila ako doon," buntong hininga niyang sagot.
Therese gave her a no hand sign bago ito ngumiti. "Tempted Cruise has a very tight security, my dear and from the name itself, it's a cruise. Maglalayag ka sa malayo kaya malabo kang mahabol nina Tito..."
"I am not up for this Therese. Baka mas lalo lang kagalitan nina Tita at Tito si Paige at parusahan siya," nag-aalalang sabat ni Psyche.
"She's too old for that damn punishment. Twenty-eight na yang si Paige. Mas matanda pa nga sakin yan," nakasimangot nitong ani bago bumaling sa kanya. "Basta ako na ang bahala sa mga gamit mo at sasakyan. All you have to do is get out of the house unnoticed. Kapag nagawa mo yun, makakapag-getaway ka na for the first time," napapalakpak nitong ani.
Huminga siya ng malalim bago tumango. "Sige pag-iisipan ko."
Excited naman siyang niyugyog ni Therese na ikinatawa niya. "Who knows you might find true love in the ocean, Paige.".
"Tsss… Baka sireno ang makita niya doon o di kaya shokoy," sabat ni Psyche na ikinatawa niya.
Ininugusan naman ito ng pinsan niya. "Ang corny mo. Nahahawa ka na sa greatest love mo. Tsk."
Ilang oras pang nanatili sina Therese at Psyche sa loob ng kanyang silid bago ito nagpaalam na babalik na sa mansion nina Tita Luisa. Sakto namang pag-alis ng dalawa ay siyang pagdating ng mga magulang niya galing sa lakad.
"Anong pinag-usapan ninyo kanina ng mga pinsan mo, Paige?" Tanong ng kanyang ina habang kumakain sila ng hapunan.
Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at nakitang mataman na nakatitig sa kanya ang Mommy niya. Tumikhim siya bago sumagot. "Ah, nagkwentuhan lang po kami tungkol sa buhay may-asawa ni Therese tsaka nasabi ko narin po sa kanila na ikakasal na ako," malumanay niyang wika.
Nanatiling nakatitig sa kanya ang kanyang ina na para bang alam nito na may hindi siya sinasabi. Humigpit ang kapit niya sa kubyertos. Kung sakali man na pauunlakan niya ang imbitasyon na ibinigay ni Therese, hindi siya sigurado kung kakayanin ba niyang tumakas. Hindi pa niya iyon nagagawa kahit kailan.
"Sigurado ka bang wala kang tinatago sakin?" Malamig nitong tanong.
Napalunok siya bago tumango. "W—wala po Mommy."
Huminga ito ng malalim bago sumandal sa upuan. "Mabuti kung ganun. Sleep early tonight dahil luluwas tayo ng Maynila bukas."
Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. "M—maynila po?"
"Yes. Kailangan mo ng masukatan ng wedding gown na susuotin mo sa kasal mo. Though it's only an arranged marriage, engrandeng kasal ang magaganap kaya kailangan elegante din ang susuotin mo. It should be more grand than Therese and Terrence wedding," tukoy nito sa dalawa niyang pinsan.
Marahan siyang tumango habang pilit na itinatago ang kanyang excitement. "Okay po, Mommy."
Iyon ang unang beses niyang makakatapak ng Maynila. Dahil kapag may family gathering ang buong angkan nila at sa Maynila ginaganap, hindi siya isinasama ng kanyang mga magulang.
"Doon ka narin pansamantalang titira para masanay ka sa buhay Maynila. You will be living in a condo for the meantime habang hinihintay nating dumating ang araw ng kasal mo," singit naman ng kanyang ama.
"Sa Maynila kayo ikakasal ng mapapangasawa mo at doon ka narin titira pagkatapos. You will become a Borromeo kaya may karapatan ka narin sa kumpanyang mamanahin ng magiging asawa mo. It will be a good asset for us since their company is very big and influential. Mas mahihigitan pa natin sina Thiago at Luisa kapag nagkataon," tukoy nito sa mga magulang ni Therese.
Muli na naman siyang tumango. Natapos ang kanilang hapunan na halos hindi niya nagagalaw ang pagkain niya. Masyadong abala ang isipan niya kaya't hanggang sa nakahiga na siya sa kama, ang offer parin ni Therese ang gumugulo sa isipan niya.
Napatingin siya sa wall clock na nakasabit sa dingding ng kanyang silid. Malapit ng mag-alauna ng madaling araw. Napalingon siya sa invitation card na nasa bedside table. Kinuha niya iyon at muling pinagmasdan. Ilang saglit pa'y bumangon siya at sumilip sa bintana subalit may mga tauhang nakabantay sa paligid ng kanilang mansion kaya nanlulumo siyang bumalik sa kanyang kama.
Kinabukasan ay maaga parin siyang nagising. Agad naman siyang naghanda para sa pag-alis nilang dalawa ng kanyang Mommy Penny. Mahuhuli naman sa pagluwas ang daddy niya dahil abala pa ito sa farm. Hindi niya kinalimutan ang invitation na ibinigay ni Therese sa kanya at maingat iyong itinago para hindi makita ng mommy niya.
Pagkarating nila ng Maynila ay diretso sila sa condo unit na sinabi ng kanyang ama. Agad namang umalis ang kanyang ina dahil may mahalaga pa daw itong aasikasuhin kaya't naiwan siyang mag-isa sa condo. Pinili nalang niyang magpahinga dahil wala naman siyang naiisip na gawin.
"Mommy, pwede po ba akong pumunta ng bookstore bukas?"
Mula sa kinakain nito ay nag-angat ng tingin ang kanyang Mommy Penny. "You are not familiar with this place. Baka maligaw ka lang."
"Pwede naman po akong magpahatid sa driver natin."
"Sigurado ka bang sa bookstore ka talaga pupunta? Baka naman nagbabalak ka ng tumakas. Sinasabi ko sayo Paige, malilintikan ka talaga sa daddy mo," anito at pinukol siya ng nag-aakusang titig.
Mabilis naman siyang umiling. "Hindi po, Mommy. Hindi po ako tatakas."
Sandali siya nitong tinitigan bago tumango. "Okay. You can have an hour. Just don't tell your Dad na lumabas kang mag-isa."
Pagkatapos nilang kumain ay nagpahatid siya sa driver sa isang national bookstore. Sandali lang siyang namili ng librong babasahin bago lumabas at bumalik sa kinaroroonan ng driver na naghihintay sa kanya nang dumako ang kanyang tingin sa isang cute na coffee shop na nasa kabilang kalye.
Daydream Cafe…
Agad siyang napangiti. May coffee shop naman sa bayan nila pero hindi pa siya nakakapasok doon dahil hindi naman siya nakakalabas masyado sa mansion nila.
"Manong, pwede po ba akong pumasok doon kahit sandali lang? Bibili lang ako ng maiinom."
Tumingin naman ang driver sa kabilang kalye bago sumagot. "Bilisan niyo lang po, Ma'am ha. Baka pagalitan po tayo ni Madam Penny."
"Opo. Maraming salamat po Manong," aniya bago mabilis na tumakbo papunta sa coffee shop.
Agad niyang sinipat ang menu na nasa taas ng counter. Sakto naman at agad niyang nakita ang orange espresso na madalas na dalhin ni Therese sa kanya noon kaya napagpasyahan niyang iyon ang oorderin niya. Tumayo siya sa pila para hintayin ang ibang nauna na matapos sa order mga ito. Napakamot pa siya ng noo dahil mukhang medyo matatagalan siya.
Lumipas ang limampung minuto bago siya nakarating sa tapat ng counter. "Dalawang orange espresso po at isang moist orange cake," aniya sa crew.
"Three hundred fifty po lahat, Ma'am…"
Kinapa niya ang kanyang bag kung saan nakalagay ang kanyang wallet. Inilapag niya ang bagong bili niyang libro sa counter at hinanap ang kanyang wallet. Matagal pa bago niya iyon nakita dahil magulo ang loob ng kanyang bag. Agad niyang iniabot sa crew ang perang pambayad nang tumunog ang kanyang cellphone at nakitang si Manong ang tumatawag.
"Ma'am, matagal pa po ba kayo? Tumawag na po si Madam Penny at hinahanap na tayo…"
"Sandali lang po, Manong. Palabas na po ako," aniya at tinanggap na ang kanyang order saka tumakbo palabas ng cafe.
Akmang tatawid siya sa kalsada nang bigla nalang may marahas na humablot sa braso niya dahilan para mapasubsob siya sa matigas nitong dibdib. Mabilis na nanuot sa kanyang ilong ang mamahalin at panlalaki nitong cologne. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at agad na sumalubong sa kanya ang isang hindi pamilyar at gwapong mukha.
He was a drop dead gorgeous fine man with his captivating dark blue eyes!
"Muntik ka ng masagasaan. Hindi ka ba marunong tumawid sa kalsada?" His voice sound deep and husky.
Hindi niya mapigilan ang sarili na mapatulala habang kaharap ito. Ngayon lang siya nakakita ng ganito kagwapong lalaki bukod sa mga pinsan niyang nakatira sa Santa Catalina. He had a very prominent jawline with a pointed high nose bridge nose and a thin kissable lips. He looks like someone who went out straight from a romance novel.
"I know I'm handsome so quit drooling, woman…"