"Two weeks from now, you will be getting married to the son of our business partner, Paige..."
Marahas siyang napalingon sa kanyang Daddy Tyson na siyang nagsalita. "C—come again Dad?" Halos hindi makapaniwala niyang tanong.
"Have you gone deaf, Paige? You will be getting married to the eldest of the Borromeo family at wala kang karapatang tumanggi. Yan, klaro na ba?" Mataray na sabat ng kanyang Mommy Penny.
Hindi niya napigilan ang pagpatak ng mga luha mula sa kanyang mga mata. All her life, she grew up following what her parents want for her dahil iyon ang nakatatak sa isipan niya. Magmula sa kanyang pananamit, laruan, istilo ng buhok, paaralan, kurso at iba pa, ang mga magulang niya ang nasusunod. Sa buong angkan nila, palihim nga siyang binasagan ng the Puppet of the Saavedra.
"P—pero Mommy..." Humihikbi niyang sambit.
NBSB siya. Dahil masyadong istrikto ang mga magulang niya, hindi pa niya kailanman naranasan na magkaboyfriend ni magkaroon ng crush. She was homeschooled during her primary and secondary years. Noong nagcollege naman siya sa mismong probinsya nila sa Santa Catalina ay bantay sarado siya ng mga ito.
"What? Aayaw ka? Bakit? Kaya mo bang pamahalaan ang negosyo natin? Isang lalaki ang dapat na tumayo at mangunguna sa aking negosyo pero dahil namatay ang kapatid mo, walang mamamahala sa buong plantation natin," her father uttered coldly.
Napalunok siya para mawala ang bikig sa kanyang lalamunan. They own the biggest cacao plantation in the Philippines at ang kanyang ama ang kasalukuyang namamahala nun. Dapat ay may kapatid siyang lalaki dahil kambal silang ipinanganak but her brother unfortunately died after their mother give birth to them dahil may butas ito sa puso. At dahil nawala ang lalaking anak ng mga ito at nagkaroon ng secondary infertility ang kanilang ina, hindi na ito kailanman nabuntis ulit.
She was considered as the jinx in their family. Simula ng magkamalay siya, malamig na ang pakikitungo ng mga magulang niya sa kanya. Noong una ay nagtataka siya, pero kalaunan, natanggap narin niya na siya ang sinisi ng mga ito sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Madalas niyang marinig sa dalawa na sana ang kapatid niya ang nakasurvive at hindi siya.
"K—kaya ko naman sigurong pamahalaan ang plantation, Dad. Nag-aral naman po akong mabuti at magsisikap po ako," aniya sa puno ng pagsusumamong boses.
Sarkastiko namang natawa ang kanyang ama. "Really? What do you know about the plantation? Ni hindi ka nga makakuha ng magandang marka noon sa kursong napili namin para sayo. You are not just born weak, Paige, but you're also stupid! Kung hindi lang sana namatay ang kapatid mo, may mamahala sana ng plantation ngayon at hindi mo na kailangan pang magpakasal. Kahit na wala ka ay ayos lang sana."
Hindi na siya sumagot pa at pinili nalang niyang umiyak ng tahimik. Kahit anong paliwanag pa ang sasabihin niya, hindi rin naman siya pakikinggan ng mga ito.
"So it's final then. Tatawagan ko na si Winona para makapaghanda narin sila sa iba pang detalye," ani ng kanyang ina at nauna ng tumayo mula sa sofa.
Hindi man lang ito nag-abalang sulyapan siya at nauna ng lumabas ng opisina ng kanyang ama. Her father also stood up when her mother left.
"Huwag kang magkakamaling takasan kami at ipahiya, Paige. Malawak ang koneksyon ng pamilya natin. Kahit saan kaman magtago, mahahanap at mahahanap ka parin namin. Kapag sinuway mo kami ngayon, ikukulong kita at hindi ka na makakalabas pa kahit kailan," may diin nitong bigkas.
Napasulyap siya sa malaking shelf na nasa loob ng studyroom ng kanyang ama. Sa likod niyon ay isang madilim na silid kung saan siya nananatili noon tuwing nagkakamali siya. Nakakatakot ang kadiliman ng loob. Ayaw na niyang bumalik doon kahit kailan.
Napapitlag siya nang hawakan ng kanyang ama ang kanyang balikat at mariin na pinisil. "Follow us like you always do nang sa ganun makabayad ka sa pagbuhay namin sayo," anito bago siya iniwang mag-isa sa loob.
Pinahid niya ang kanyang luha at inayos ang sarili bago siya lumabas ng opisina ng kanyang ama. Nakasalubong niya ang mayordoma nilang si Manang Dalisay sa labas. Hindi ito nagsalita nang makita siya pero bakas sa mga mata nito ang awa para sa kanya. Nakarinig siya ng ibis ng sasakyan, tanda na umalis na ng mansion ang mga magulang niya.
"Kakain ka na ba? Ipaghahanda kita," untag ni Manang Dalisay nang tumapat ito sa gawi niya.
Huminga siya ng malalim bago umiling. "Hindi na po, Manang. Bababa nalang po ulit ako mamaya," tanggi niya.
Tumango naman ang matanda at nilampasan na siya. Napagpasyhan nalang niyang umakyat sa kanyang silid at nagkulong sa kanyang kwarto. Dumungaw siya sa malaking bintana kung saan natatanaw niya ang napakalawak nilang lupain na puno ng cacao. Napabuntong hininga nalang siya. Hindi niya lubos na akalaing ikakasal na siya sa susunod na mga linggo. Ni hindi nga niya kilala ang mapapangasawa niya.
Pagpihit niya paharap sa kanyang kama ay siya namang pagbukas ng pintuan ng kanyang silid. Nagulat pa siya nang makita ang pinsan niyang si Psyche at Therese na parehong namamalagi sa Maynila.
"Paige!" Malakas na tili ni Therese at patakbong yumakap sa kanya.
"Nandito pala kayo?" Natutuwa niyang tanong.
"Binisita ko sina Mommy Luisa kasama si Psyche kaya sumaglit na ako dito," masigla nitong tugon.
Lumapit narin si Psyche sa kanya at yumakap. "Long time no see Paige."
Malungkot siyang napangiti. Taliwas sa kalagayan niya ang dalawa niyang pinsan. Pareho itong mahal na mahal ng sariling mga magulang at suportado sa kung anong gusto ng mga ito.
"Pasensya na kayo. Alam niyo naman na ayaw nina Mommy na naglalabas ako."
Agad na napairap si Therese sa sinabi niya. "Tito Tyson and Tita Penny are so evil!"
Marahan naman itong pinalo ni Psyche. "Tumigil ka nga. Tito at Tita parin natin ang mga yan."
Muli na naman itong umirap. "Kahit na. Ang evil parin nila!"
Napailing nalang siya bago humugot ng hangin para sabihin sa mga ito ang sitwasyon niya. "May sasabihin ako sa inyo..."
Agad na tumitig sa kanya ang dalawa.
"What is it? Bakit pakiramdam ko masamang balita yan?" Nakataas ang kilay na tanong ni Therese bago pabagsak na naupo sa kanyang kama.
Napabuntong hininga siya. "Ikakasal na ako dalawang linggo mula ngayon..."
Literal na nanlaki ang mga mata ng dalawa niyang pinsan sa naging pahayag niya.
"Are you damn serious, Paige? Paano ka naman ikakasal gayong halos hindi ka nga makalabas ng bahay ninyo?" Nagtatakang tanong ni Psyche.
Muli siyang bumuntong-hininga. "Sa anak ng kaibigan ni Mommy."
"OMG! Seryoso? Arrange marriage like my brother?"
Malungkot siyang tumango bago muling ibinaling ang tingin sa bintana. Ayaw niyang magpakasal pero alam niyang wala siyang magagawa kundi sundin ang gusto ng mga magulang niya.
"Isn't that too cruel—I mean, hindi ka na nga nila hinayaan na magawa ang kahit na anong gusto mo tapos pati sa pagpapakasal mo ganun din?" Frustrated na wika ni Psyche.
Pilit siyang ngumiti nang humarap sa dalawa niyang pinsan para hindi ito labis na mag-alala sa kanya. "Pero ayos lang din naman. Malay ninyo mabait ang mapapangasawa ko, diba?"
"Sino daw ba ang lalaki?" Usisa ni Therese.
"I don't know. Sabi nina Mommy, eldest daw ng mga Borromeo."
Mabilis na natutop ni Therese ang bibig nito. "Oh my, I knew that guy if I'm not mistaken. He was handsome but I don't know if he's nice," naiiling nitong wika bago bumuntong-hininga. "Bakit ba kasi kailangan ka pa nilang ipakasal sa lalaking hindi mo naman kilala at hindi mo mahal."
"It's about the damn business," Psyche interrupted. "Borromeo owns the biggest chocolate manufacturer and distributor company in the country at sakto iyon para sa plantation nila Paige."
Buntong hiningang napailing si Therese sa ikalawang pagkakataon. "Ugh! That's too frustrating! Tumakas ka nalang kaya."
Marahas siyang napalingon sa pinsan niya. It was very tempting pero muli niyang naalala ang banta ng kanyang ama kaya imbes na sang-ayunan ito ay umiling siya.
"You know what will happen kapag tumakas siya," pairap na sabi ni Psyche bago tumabi sa kanya sa may bintana.
"Then if she really wants to get married, we can have a bridal shower then."
"Do you think Tita Penny will allow it?" Sarkastikong ani ng kanyang katabi.
Mabilis na napasimangot si Therese. "Ugh! Tita Penny is so annoying!"
"Huwag niyo na nga akong alalahanin. Ayos lang talaga ako," natatawa niyang tugon.
Ilang segundong katahimikan ang dumaan sa pagitan nilang tatlo subalit maya-maya lang ay bigla nalang pumitik sa ere ang daliri ni Therese.
"Alam ko na!"
"Kung ano man yang naiisip mo, itigil mo yan Therese. Ipapahamak mo lang si Paige sa gagawin mo," saway ni Psyche dito.
"Duh! This is only once in a lifetime. Tulungan naman natin si Paige na maranasan niya ang buhay dalaga. Ikakasal na siya kaya deserve niyang maging malaya kahit ilang days lang," kontra nito.
"And what are you planning to do?" Nakataas ang kilay na tanong ni Psyche.
A sly smile appear on Therese lips bago nito inilabas ang isang envelope mula sa dala nitong bag at agad na iniabot sa kanya. Pinukol niya ito ng nagtatakang tingin bago napasulyap sa animo isang invitation letter.
"What is this?"
"It's an exclusive invitation to Tempted Cruise—a place where you can make your wild and extraordinary desire come true to life..."