Clementine POV Agad na tumulo ang luha ko. Hinawakan ko si Fin sa braso at tumingin kay Vixie na nasa harap namin. "Maawa ka samin please."umiiyak kong sabi. "Hindi naman ako nananakit, wala akong balak manakit. Pakawalan mo nalang kami." Sabi ko kay Vixie. Tanging tawa lamang ang nagawa ni Vixie. Isang tawa na para bang ang mga sinabi ko ay isang joke. "Hindi nananakit?"tanong ni Vixie. "Eh isa ka ngang halimaw. Ikaw ang papatay sa aming lahat!" Sigaw ni Vixie. "Bawiin mo yan!" Galit na sabi ni Fin kay Vixie. Mas lalong nang hina si Fin ng ilapit ni Vixie ang bato sa kanya. "Vixie... Maawa ka please hayaan mo nalang ako, wala naman akong ginagawang masama." "Wala pa kasi gagawin mo palang." Sabi ni Vixie at tumingin sa akin ng nakakaloko. "Vixie please..." "Kunin siya."utos ni V

