Clementine POV "I'm sorry.... I'm sorry my princess I'm sorry." Tumulo ang luha ko ng hawakan ni Fin ang pisngi ko. Ngumiti ako sa kanya para ipakitang ayus lang ako kahit na ang totoo ay sobrang sakit ng katawan ko. "I'm sorry." Muli niyang sabi. May naramdaman akong pumuputol ng tali sa kamay ko. "Ilalayo ka namin dito Clemente."hindi ako pwedeng mag kamali. Si Van ito, ang bampirang tumatawag sakin ng Clemente. "Ang mga Vaughn." "Anong ginagawa nila?" "Hindi ba't sila ang mag kakapatid na Vaughn?" "Bakit nila pinapakawalan ang salot?" Napa tingin ako sa nag salita non ng bigla siyang umangat sa ere. Saka ko lang napag tanto na si Fin ang kumokontrol sa kanya. "Wag na wag mong tatawaging Salot ang prinsesa ko." Galit na sabi ni Fin. "Clemente, sumama ka kay Fin. Kami na ang ba

