bc

A Second Chance To Love

book_age16+
581
FOLLOW
2.1K
READ
second chance
independent
single mother
comedy
sweet
bxg
office/work place
enimies to lovers
love at the first sight
professor
like
intro-logo
Blurb

Got pregnant, married, become a mother and widowed all at a young age. After the death of her husband, Sunshine promised herself that she will never love again.

Pero nagbago ang takbo ng kaniyang buhay nang makilala ang koreanong delivery rider na pilit ipinare-receive sa kaniya ang isang parcel na naglalaman ng vibrator.

Isang pagkakamali lang kaya ang nangyari? O tadhana ang may pakana ng pagkakamali?

Will Sunshine give herself A Second Chance To Love?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“KRISTOF. . .” Napasabunot ako sa buhok niya at napaliyad nang sakupin ng kaniyang bibig ang ituktok ng aking kaliwang dibdib, habang ang kabila naman niyang kamay ay abala sa paglalaro sa isa. Hinayaan ko siyang sipsipin nang salitan ang mga dunggot nito kasabay nang marahan niyang paglamas. Ramdam na ramdam ko ang pinagsamang kiliti at hapdi na dulot ng kaniyang pagdila at bahagyang pagkagat sa mga dunggot nito kaya hindi ko mapigilang magpakawala ng mga mumunting ungol. Kakaiba ang mga haplos at galaw ni Kristof ngayon na pati ako ay nadadala na. Ramdam ko ang gigil sa bawat pagsipsip niya sa n*pples ko. Hanggang sa ang kamay niyang nasa dibdib ko ay napunta na sa bandang puson. Bumaba pa iyon nang bumaba hanggang sa narating ang pagitan ng aking mga hita, kung saan bigla nalang niyang pinaraanan ng daliri ang sentro ng aking p********e na natatabingan pa ng manipis na tela. Bago pa man tuluyang mawala ako sa sarili dahil sa masarap na pakiramdam na kaniyang ipinararanas ay mabilis ko siyang itinulak sa dibdib. Nanlaki ang mga mata ko at parang binuhusan nang malamig na tubig dahil sa kabiglaan. Nawala ang init na kanina ay alipin ang aking buong katawan. At ngayon, tuluyan na akong nabalik sa huwisyo. “Kristof, ano ba?!” Napalunok ako nang ilang beses habang hinahabol ang aking paghinga. Siya naman ay parang lasing pa mula sa kaniyang ginawa sa akin dahil namumungay ang kaniyang mga mata. Basa rin ang kaniyang mga labi na pinasadahan pa niya ng kaniyang dila saka kinagat ang ibaba no’n. “Kristof, lumampas ka na!” asik ko sa kaniya habang inaayos ang pagkakabutones ng aking blusa. Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya ngunit dinig ko ang malakas niyang pagpapakawala ng buntonghininga, saka pabagsak na sumandal sa backrest ng upuan. Matapos kong ayusin ang sarili ay humalukipkip ako’t ibinaling ang aking tingin sa labas ng sasakyan kung saan puro mga sasakyan ang nakikita. Nasa parking lot kami ng isang mall at nawala sa isip ko na baka may makakita sa amin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay napunta lahat ng dugo ko sa aking mukha. Muntik na kaming lumampas sa hindi dapat mangyari, at naiinis ako sa sarili ko na nagustuhan ko ang ginawa niya. “Sorry,” maya-maya pa’y rinig kong turan ni Kristof. Unti-unti ko siyang nilingon. Ilang sandali kaming nagkatitigan lang. Walang imikan at tila mga mata lang namin ang nag-uusap. Una siyang nagbawi ng tingin at ibinaling sa harap ang mga mata. Muli siyang nagpakawala ng marahas na buntonghininga na tila ba ang bigat-bigat ng dalahin niya sa dibdib. Dinala niya ang dalawang kamay sa manibela ng kotse bago muling nagsalita. “Wala ka bang tiwala sa akin, Mahal? Natatakot ka ba na kapag nakuha kita, magbabago na ang lahat? Na baka iwan kita dahil lang sa nakuha ko na ang virginity mo?” Nagsalubong ang mga kilay ko’t napakunot ang noo ko. “Ano ba’ng sinasabi mo, Kristof! Siyempre meron akong tiwala sa ’yo,” sagot ko at tumagilid paharap sa kaniya. Inabot ko ang isa niyang kamay na nasa manibela parin at pinisil iyon kaya napatingin din siya sa akin at muling nagtama ang aming mga mata. “Pero hindi pa panahon para gawin natin ang gano’n. May oras para doon at hindi pa ngayon. Saka, sa ’yong-sa ’yo lang naman ako—” “Alam ko naman iyon pero mas mabuti na iyong sigurado ako. Gusto kitang markahan para wala nang ibang makaagaw sa iyo sa akin. Kaya kung talagang mahal mo ako, patunayan mo, Sunshine,” maagap niyang putol sa akin. Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kaniya. Tinawag niya lang ako sa pangalan ko at hindi na sa endearment namin. Hindi naman ako kahapon lang ipinanganak para hindi maunawaan ang ibig niyang iparating. “Kung talagang mahal mo rin ako at may tiwala ka sa pagmamahal ko sa ’yo, kakayanin mong maghintay,” sumbat ko bago iniwas ang paningin at tumingin sa labas. Hindi naman dahil sa wala akong tiwala sa pagmamahal niya at baka iwanan niya ako matapos makuha ang gusto. Sigurado ako sa pagmamahal niya sa akin. Natatakot lang ako na baka magbunga ang kapusukan namin, tapos hindi pa kami tapos sa pag-aaral. May isang taon pa siya sa kolehiyo. Ako naman ay dalawa pa. Ayokong dumating ang araw na pati ang panggatas ng mga anak namin ay iasa pa namin sa aming mga magulang. Naniniwala kasi ako na kapag pinasok mo ang isang bagay o sitwasiyon, dapat panindigan mo iyon. Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Hindi na siya nagsalita pa, bagkus ay binuhay na niya ang makina at matuling pinaharurot paalis ang sasakyan. * * * KUNG TALAGANG mahal mo ako, patunayan mo. Marahas kong ipinilig ang aking ulo, saka napapikit ng mga mata. Halos mapasabunot ako sa sariling buhok dahil ginugulo ako ng mga sinabi ni Kristof bago niya ako ihatid sa bahay noong nakaraang araw. Dalawang gabi na akong puyat kakaisip. Nangangalumata na ako nang dahil doon. Kailangan ba talagang patunayan ko ang pagmamahal sa kaniya sa pamamagitan ng pagpapapunit ko ng hymen? Ang bigat sa loob. Naging malamig ang pakikitungo niya sa akin matapos ang tagpong iyon. Ni hindi na kami nagsasabay kumain na kagaya ng nakagawian namin simula nang maging kami. Matapos ang huli kong klase, agad kong hinugot ang cell phone mula sa bulsa ng aking uniporme para i-text si Kristof. Nasaan ka? Hintayin mo ako, Mahal. Mag-usap tayo. Happy anniversary. Mariin akong lumunok at ilang beses pang binasa ang tinipa kong mensahe bago pikit-matang pinindot ang send button. Nang maipadala ay tila bumilis ang pagtibok ng puso ko. Halos hindi masabayan ng paghinga ko ang tila nagririgodon na pintig nito. “Saan kayo pupunta ni Kristof?” Napaigtad ako nang magsalita si Monina sa aking tabi. Sa sobrang focused ko sa cell phone ay hindi ko man lang namalayan ang paglapit niya at nakikibasa na pala. Agad kong ibinulsa ang phone ko at baka agawin pa niya. “Si-Siyempre magdi-date! Anniversary nga, ’di ba? Ka-kakain kami sa labas, ano pa nga ba?” “Saan nga?” maagap niyang tanong. Napakamot ako sa pisngi. Pinakatitigan niya ako sa mata kaya mabilis kong ibinaling sa ibang direksiyon ang aking tingin at baka mabisto pa niya ako. “Ewan ko kay Kristof. Surprise daw, eh.” “Sure ka, ha? Date lang? Baka mamaya niyan kung saan kayo pumunta at kayo na ang magkainan—” “Hoy, ano ka ba! Iyang bibig mo talaga kahit kailan. Mamaya may makarinig sa ’yo, ma-tsismis pa ako,” mabilis kong putol sa gusto niyang sabihin. Napairap ako para pagtakpan ang tensiyon na nararamdaman ko. “Nagpapaalala lang!” Sinundot niya ako sa tagiliran na ikinaigtad ko. “Ewan ko sa ’yo. Diyan ka na nga,” ani ko bago siya tinalikuran. Naglakad ako palayo bago pa ako ipagkanulo ng sarili kong bibig. Halos mataranta ako nang makitang nag-reply si Kristof. Huminga muna ako nang malalim bago binuksan ang mensahe at basahin iyon. Happy anniversary too, Mahal. Kanina pa kita inaabangan dito sa labas ng gate. Tumunog pa ulit ang phone ko. May isa pang mensahe. I’m sorry, Mahal. I Love you. Napangiti ako. Sabi na nga ba’t hindi rin niya ako matitiis. Matapos mabasa ang reply niya ay agad kong tinahak ang daan palabas ng university. Magkahalo ang nararamdaman ko habang naglalakad, lalo na nang matanaw ko si Kristof sa labas. Nakaupo siya sa kaniyang motorsiklo habang nakatingin sa aking gawi. Nakaangat ang visor ng kaniyang helmet. Sa kanang kamay ay hawak naman niya ang kulay pink na helmet na siyang ginagamit ko kapag ang motor niya ang gamit niyang service. Mas humigpit ang pagkakayakap ko sa aking kipkip na libro. Isang tipid na ngiti ang inihandog ko sa kaniya na sinuklian naman niya nang mas malapad na ngiti. Lalong bumibilis ang pagpintig ng puso ko. Hindi dahil sa ngiti niya kung ’di dahil sa kaba. Pinuno ko ng maraming hangin ang aking dibdib. Nakapagdesisyon na ako. Sana lang ay hindi ako magsisi at worth it siya para pag-alayan ng aking sarili . . .

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook