Masakit ang ulo ko nang maamlimpungatan ako dahil sa ingay galing sa speaker ng sinasakyan kong eroplano. Boses iyon ng piloto na nagsasabing malapit na ang pagbaba namin sa airport ng Germany. Kinusot ko ang aking mata, saka ko naman tinanaw ang labas mula sa bintana. Umaga noong umalis ako ng Pilipinas, pero ngayon sa Germany ay papaumaga pa lamang din. Papasikat pa lamang ang araw sa ganap na alas sais ng kanilang oras. Umayos ako sa pagkakaupo ko, kaagad na nalukot ang mukha ko nang maramdaman ang pangangalay ng buong katawan ko, partikular ang pwet ko. Lalo ko lang naramdaman ang pagod sa halos higit isang araw na nakaupo ako. Nag-inat ako ng mga kamay, kasabay nang paghikab ko. Hindi nagtagal nang tuluyang mag-landing ang eroplano sa isang airport. Isa-isa nang tumayo ang mga sak

