Ewan ko kung paano pa ako magre-react sa harapan ni Paul Shin. Iyong tipong nagugustuhan ko iyong pag-aalala niya sa akin, pero hindi ko magawang matuwa. Hindi ko alam kung paano ko ie-express ang sariling emosyon. Tila ba nagkaroon na ng harang sa pagitan naming dalawa. Hindi ko na kaya pang dumikit kay Paul Shin. Hindi ko na kaya na kausapin siya ng normal. O gawin iyong mga bagay na nakasanayan namin noon. Boundaries— that's what I'm doing right now. Hindi na pwede iyong mga bagay na nakagawian namin noon. Kahit mahirap para sa akin ay kailangan ko rin itong gawin. Bilang respeto na lang din kay Raquel. Nauna akong bumaba ng van, since una naming nadaanan ang A&D Restaurant. Deretso akong lumabas ng van at naglakad. Hindi ko na nagawa pang lingunin si Paul Shin kahit dinig ko ang pam

