Chapter 15

2101 Words

"I have never heard of him," paanas na sinabi ni Paul Shin habang nananatiling nakabusangot ang kaniyang mukha. Ang noo niya ay nakakunot. Ang mga kilay ay halos hindi na mapaghilaway. Ang kaniyang mata naman ay nanlilisik. Mariin siyang nakatitig sa akin, tila ba ano mang maling gawin o sabihin ko ay para niya akong hahatulan ng parusa. Naalala kong ginabi na ako, inabot ng alas otso. Kaya marahil ay ganito siya. Malamang ay sa kaniya na naman nagagalit sina Tita Carmina at Tito Paulo. Kapag kasi wala pa ako sa tamang oras ay awtomatiko na akong hinahanap ng dalawa. Mas nagmukhang ako pa ang anak nina Tito at Tita kumpara kay Paul Shin na kahit gabihin siya sa daan ay wala silang pakialam. Kahit pa nga siguro na hindi siya umuwi sa bahay ay hindi siya hahanapin. Kaya hindi na bago sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD