Ngayon na naamin ko na sa sarili ko na gusto ko nga si Paul Shin ay mas lalong hindi ko na malaman kung paano pa siya pakikitunguhan. Hindi ko na mawari kung paano ko pa siya haharapin. Hindi naman niya iyon alam, pero fvck! Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Feeling ko ay ang laking pagkakamali na nagustuhan ko siya. Oo at hindi malabo na pwede ko siyang magustuhan. Sino ba namang hindi? Gwapo siya, may binatbat ang kakisigan ng katawan niya sa mga kaedaran niya. May abs! Mayaman! Tagapagmana. Sige, isali na rin ang pagiging mabait at may mabuting puso. Pero alam niyo 'yon? Pwedeng-pwede sana, kaso hindi nga pwede. Sa mata ng ibang tao ay para na kaming magkapatid. What more kina Tita Carmina at Tito Paulo 'di ba? Itinuring na akong anak ng mag-asawa. Ibig sabihin, para sa kanila ay kuya-ku

