Chapter 48 - SPG

2167 Words

Kuyom pa rin ang dalawang kamao ko habang hinahatak ako palabas ni Paul Shin. Panay ang pag-irap ko sa kawalan, iritang-irita ako dahil nasira ang gabi ko. Sayang itong outfit ko, 'no! Marahas kong hinawi ang kamay ni Paul Shin nang tuluyan kaming makalabas ng bar. Dinungaw niya ako. Nasa mukha pa rin nito ang galit, pero mas nangingibabaw ang labis niyang pag-aalala. Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan ko. Alam kong magulo ang buhok ko, ganoon din ang damit ko at wala na sa ayos. Pati mood ko ay hindi na rin maayos pa. Kung 'di rin naman kalahating tanga si Raquel at Emy, pati sa bar ay nag-eeskandalo. "Okay ka lang? May masakit ba sa 'yo?" malumanay na tanong ni Paul Shin. Saglit kong pinakiramdaman ang sarili. Wala namang masakit sa katawan ko bukod sa anit kong parang binabanat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD