Chapter 19

2095 Words

"What's your order, Vanessa?" tanong ni Jake habang binabasa niya ang menu. "Gusto mo ng Kare-kare?" "Allergic siya sa peanut," ani Paul Shin na siya ring nakatingin sa menu. "Oh! Hindi ko alam, sorry." Saglit na natawa si Jake at nagkamot ulit ng batok. "What about this Spicy Grilled Shrimp?" "Sa seafood din, allergic siya." Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Pasalit-salit ang tingin ko sa dalawa. Hindi ko ba alam kung nang-uuyam lang itong si Paul Shin, pero lahat naman ng sinabi niya ay totoo. Talagang may allergy ako sa ano mang uri ng mani at mga seafood. "Itong Creamy Herbed Pork Chops na lang Vanessa. Favorite mo ito 'di ba?" ani Paul Shin at saka niya ako nilingon. Napalingon din sa akin si Jake, animo'y gustong matunghayan ang pagsang-ayon ko kay Paul Shin. Ang kaniyang labi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD