"Huwag na huwag ka nang matutulog dito, Paul Shin, lintik ka!" singhal ko rito nang maabutan pa rin siyang naroon sa sala, nakaupo sa sofa. Nakaligo na ako't lahat. Nakapagbihis na rin ng panibagong damit pambahay. Huling habilin ko ay umuwi na siya bago magtanghali. Aba, kita mo at parang wala nang balak na umuwi pa sa kanila. Pagkakaalam ko ay ako lang iyong pinalayas. Pero heto siya at gusto na yata talagang mapalayas nina Tita Carmina at Tito Paulo kapag nalaman nilang dito siya natutulog sa ilang gabi na wala siya sa kanilang bahay. Tumawa lang si Paul Shin. Nagpilantikan naman ang mga kilay ko. Tangkang susugurin ko siya nang bigla kong maalala na iika-ika nga pala akong maglakad. Oo at masakit ang parteng gitna ko. Sino ba naman ang hindi 'di ba? Nagmistulang open 24/7 ang kiffy

