Isang malakas na katok ang bumulabog sa amin dahilan para mapahinto kami ni Paul Shin. Kaagad ko siyang naitulak sa kaniyang dibdib, kapagkuwan ay umahon sa pagkakahiga ko sa kutson. Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan si Paul Shin. "Nag-order ka ng pagkain?" Kumunot ang noo ni Paul Shin. Bakas sa mukha niya ang pagiging iritable, para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Literal na hindi maipinta ang kaniyang itsura. "Bakit pa ako mag-o-order, ikaw na nga itong kinakain ko?" palatak niya na naging mitsa para mamula ang pisngi ko. "Eh, ma—malay ko ba! Baka siraulo ka na naman at nag-order online!" "Hindi ako." Akmang gagapang siya ulit palapit sa akin upang ipagpatuloy ang naudlot nang madali kong sinipa ang mukha niya. Ilang katok ulit ang narinig namin mula sa labas. Sa kadahi

