Chapter 3

2026 Words
"Hoy! Vanessa!" sigaw na gaano man kalayo ang agwat sa pwesto ko ay dinig na dinig ko iyon. Nangunot ang noo ko, lalo nang maging pamilyar sa tainga ko ang nakaririnding boses na iyon. Matinis na animo'y nakalunok ng megaphone, o 'di kaya ay parang nasa loob ng kweba kung umalingawngaw iyon sa buong paligid ng campus. Uwian na kung kaya ay karamihan sa mga estudyante na kanina lang ay kasabayan kong maglakad papalabas, ngayon ay pare-pareho ring napahinto. Marahil ay alam na nila ang susunod na mangyayari at ngayon ay iyon ang inaabangan nila. Mayamaya lang nang makarinig ako nang mabibigat na mga yabag sa likod ko, hindi pa man din ako nakalilingon sa pinanggalingan ng boses na iyon ay mabilis pa sa alas kwatrong sumubsob ako sa patag na damuhan. Nanlaki ang mga mata ko at saka dali-daling nilingon ang may sala ngunit kaagad din akong napapikit nang hilain nito ang buhok ko pataas, rason para wala sa sarili nang mapatayo ako sa pagkakasalampak ko. "A—aray!" hiyaw ko nang maramdamang tila nababanat ang anit ko. Damang-dama ko ang kirot doon, para akong binabalatan na gaano ko man pigilan ang mga kamay niya ay lalo lang ding humihigpit ang pagkakakapit nito sa akin. Mas sumigaw ako, siya namang hila niya sa akin pakanan. "Bwisit ka! Ikaw ang dahilan kung bakit ako hiniwalayan ni Paul Shin! Masyado mo siyang binubuyo na hiwalayan ako dahil lang sa ayaw mo sa akin! Bwisit ka, Vanessa!" singhal nito sa mas malakas na boses, kasabay nang muli niyang paghila sa buhok ko. "Tama na, ano ba!" balik bulyaw ko rito, saka pa siya itinutulak ngunit ayaw niyang magpatinag. Hindi na rin ako magugulat kung palibutan man kami ng mga tao, rinig ko ang bawat bulungan nila. May iba pa na lalo kaming pinag-aaway habang nagpupustahan at hinahayaan nilang saktan ako ng babaeng ito. Sino ba naman kasi ang magtatangka at anak lang naman siya ng isa sa mga professor dito. Siya si Emy Rose, isa ring stupidyante na gaano man kaganda ang mukha niya ay iyon din ang ikinapangit ng ugali nito. Palibhasa ay walang rason para matakot siya, pero syempre, hindi siya special kung kaya ay wala akong pakialam sa kaniya. Siguro ay pwede ko pa siyang ituring na special child o 'di kaya ay baliw na nakawala sa Mental Hospital. At totoong ayoko siya para kay Paul Shin dahil bukod sa masama ang ugali nito ay siya rin ang number one na kaaway ko rito sa university. Hindi ko ba alam kung bakit galit na galit ito sa akin. Well, hindi na rin ako magugulat dahil alam ko namang mas maganda ako. Hindi lang iyon dahil mas matalino rin ako kumpara sa kaniya at higit sa lahat, nasa akin si Paul Shin. I mean, nasa panig ko na siyang labis nitong kinaiinisan. Patay na patay kasi ito kay Paul, akala mo ay siya na lang iyong natitirang lalaki sa buong mundo na grabe kung ipagpilitan niya ang sarili. Kung tutuusin, kaya lang naman siya niligawan noon ay dahil sa papabagsak na grade ni Paul Shin mula sa professor na ama ni Emy. Although, may mali si Paul Shin ngunit sa tingin ko ay deserve niyang matauhan at masaktan. Si Paul Shin ang karma niya at ako ang kinalaban nito. "Hindi ko ba alam kung bakit ka nanghihimasok sa relasyon naming dalawa. Like, sino ka ba? Ano bang karapatan mo? Hindi ba ay ampon ka lang naman ng pamilyang Shin?" Sa narinig ay para akong nabingi, sandali akong natigilan kung kaya ay mas marami ang pagkakataon na malaya niya akong nasasabunutan. Wala pa sa sariling napatitig ako sa mga paa ko habang nakaawang ang labi. Gaano ko man itanggi at ipagtanggol ang sarili ay wala akong laban dahil totoo iyon— tama na inampon ako ng magulang ni Paul Shin sa kadahilanang hindi na raw nila magawang magkaanak pa ulit. Galing ako sa isang orphanage, namatay ang mga magulang ko sa car accident na kinabibilangan ng pamilya ni Paul Shin. Nakakatawa nga na hindi ko maisip kung paano ko nagawang tanggapin ang lahat. Kung paano ko tinanggap na makisama sa pamilya na pumatay sa mga magulang ko, pero kung sabagay at may katotohanan naman iyong katagang ‘time will heal’ na sa tinagal-tagal ng panahon ay unti-unti ko ring natanggap, pero hindi sa lahat ng pagkakataon. May mga araw pa rin na aalala ko iyon at kapag dumadating ako sa puntong ganoon ay hindi ko maiwasan na hindi magalit. Well, hindi rin naman kasi mahirap tanggapin, ginawa nina Tita Carmina at Tito Paulo ang lahat para mapalaki ako nang maayos. Minahal nila ako katulad ng pagmamahal nila kay Paul Shin, inalagaan at sinuportahan na parang totoong anak. Wala naman akong choice dahil sila ang rason kung bakit din ako nagpapatuloy sa buhay na mayroon ako. Sabi nila na bilang kabayaran na raw sa nagawa nilang kasalanan sa magulang ko ang kabutihang ginagawa nila sa akin. Anak na nga ang turing nila sa akin at ganoon din ako, itinuring ko silang pangawalang magulang ko. Kasi sa puso ko ay iisa lang kung sino ang mga magulang ko, I respected them so much and I really missed them. Sa naramdamang tila may kumurot sa puso ko ay namasa ang parehong mata ko, hudyat nang nagbabadya kong luha. Sa inungkat pa nitong topic ay tila umakyat lahat ng dugo sa ulo ko na nagawa ko siyang masabunutan, kapagkuwan ay ilang beses na pinagsasampal na tipong sa kaniya ko ibinuhos ang galit na nararamdaman ko ngayon. "Vanny!" Gaano man ako nabingi sa ilang minutong nagdaan ay isang boses ang nangibabaw sa pandinig ko. Rason iyon para tumingala ako, pareho pa kaming nagulat ni Emy Rose sa pagdating ng presensya ni Paul Shin. Mula pa sa mga kumpulan ay nahati iyon sa dalawa at doon ay iniluwa si Paul Shin. Mabibigat ang mga yabag nito, kita ko pa ang nakakuyom niyang mga kamao at ang mga mata nito ay nakatuon sa akin habang nanlilisik. Nakakunot ang noo nito at hindi maipag-aakila sa itsura niya ang galit. Mayamaya lang nang malapitab niya kami, sunod nitong ginawa ay hinatak niya si Emy palayo sa akin na nananatiling gulat at mas nagulat pa sa nangyari. Bulgar na lumuwa ang dalawang mata nito habang tinititigan ang mukha ni Paul Shin. "P—Paul Shin," tila nagsusumamong boses ni Emy Rose. "Si—siya ang nauna... kita mo naman na pinagsasampal niya ako." Hindi siya pinansin ni Paul bagkus ay hinawakan nito ang dalawang braso niya at saka inilagay sa bandang likuran nito na para bang isa siyang kriminal na nahuli kung kaya ay walang naging palag si Emy. Ipinaharap din sa akin siya ni Paul, sabay ngisi na animo'y may ipinaparating at dahil sa tinagal ko nang namuhay na kasama siya ay naging iisa na lang ang takbo ng utak namin, madali ko lang nakuha ang gusto niyang ipahiwatig. Bago pa man din ako mahuli ay dali-dali at walang pag-aalinlangan na pinalagapak ko ang kanang palad ko sa pisngi ni Emy Rose bilang huling sampal na ibibigay ko sa kaniya na naging mitsa nang malakas niyang paghiyaw. Kasunod nang 'di makapaniwalang pagsinghap ng mga estudyante. Akmang iisa pa ako nang matigilan din ako nang marinig ang pagpito nang paparating na guard. Nakita ko rin na kasama sa papalapit si Prof. Emilio na siyang ama ni Emy Rose kung kaya ay mabilis pa sa kidlat na hinatak ako ni Paul Shin. Dala ng aldrenaline rush ay nasabayan ko ang malalaking hakbang ni Paul at sa malawak na school ground na iyon ay hinabol kami ng ilang guard. Samantala ay panay naman ang pagtawa ni Paul Shin sa gilid ko. Isang beses ko siyang nilingon, kita ko ang kasiyahan sa mukha nito dahilan para umalpas ang maliit na ngiti sa labi ko. Tama, simula bata hanggang sa lumaki ako ay siya na ang kasama ko kung kaya ay na-adapt ko ang ugaling mayroon siya. Wala na iyong Vanessa na tahimik, mahiyain at palaging mag-isa. Si Paul Shin iyong nagturo sa akin kung paano umalis sa comfort zone ko, kung paano i-explore ang mga bagay-bagay at gawing makulay ang buhay. Sa kaniya ko natutunan maging mapanakit, maging madaldal at maging palaban. Hindi niya hinahayaan na kawawain ako, kung minsan pa na hindi ko kayang lumaban ay siya mismo ang gagawan ng paraan para bumawi. Bully si Paul Shin, malakas mang-asar at palaging nanti-trip, pero hindi iyon dahilan para ayawan ko siya. Mas lamang pa rin iyong rason para mag-stay ako sa tabi niya at ipagtanggol din siya, lalo sa mga babaeng sasaktan lang din ito bandang huli. "Vanny, bilisan mo!" Dinig kong sigaw ni Paul kung kaya ay nabalik ako sa reyalidad. Doon ko napansin na ilang dangkal na ang layo namin sa isa't-isa, namalayan ko na lang din na nakarating na pala kami sa pinakadulo ng university kung saan sumuot pa kami sa likod ng isang building. Nakita kong dead end na iyon at walang ibang daan kung 'di ang matayog na pader. Huminto si Paul Shin sa tabi nito at saka ako nilingon upang hintayin, inihanda rin niya ang kaniyang likod at katulad ng parating nakagawian ay deretso akong tumungtong sa likod nito. Kaagad akong sumampa sa taas ng pader, ni hindi naging sagabal sa akin ang skirt ko na siyang uniporme ko. Mabigat na lumagapak ang suot kong rubber shoes sa gilid ng kalsada, mayamaya lang nang sumunod din si Paul Shin sa tabi ko. Dagli niyang pinunasan ang noo nito gamit ang likod ng kaniyang palad, kasunod nang paghawi niya sa buhok nito. Nang malingunan pa ako ay ibinigat niya sa akin ang panyong kalalabas lang nito sa bulsa ng pants niya. Maagap ko iyong kinuha upang punasan din ang pawis sa noo at leeg ko. Nakatitig lang din siya sa akin kung kaya ay dahan-dahan akong yumuko upang punasan naman ang batok ko, nang matapos ay napahinga ako nang malalim. "Huwag mo nang patulan iyon si Emy, ayokong pati ikaw ay pag-initan ni Sir Emilio," aniya sa mababang boses. "Huwag ka rin kasing pumapatol kung kani-kanino—" "Naiintindihan mo ba?" mabilis niyang sabi na pinuputol kung ano man ang gusto kong sabihin dahilan para mapairap ako. "Bahala ka nga riyan," palatak ko, kapagkuwan ay nauna nang maglakad papalayo. Hindi rin naman nagtagal nang mapahinto ulit ako nang may tumigil na van sa tapat ko, bumukas ang pinto nito mula sa back's seat at saka bumungad sa akin ang mukha nina Kris, Leo, Melvin, Gabriel at Brandon. Sila ang mga kaibigan ni Paul Shin at ang nakalakihan ko na ring parang mga kuya, sadyang hindi ko lang din magawang maituring na kuya si Paul Shin. Okay na sa akin na casual lang ang tingin ko sa kaniya at hindi kapatid. "Tangina niyo!" bungad ni Leo nang makapasok kami sa loob ni Paul Shin. "Ewan ko na lang talaga at kung 'di pa kayo ma-expell." "Baka bukas ay sa ibang planeta na kayo pulutin, aba at pasensya— hindi na namin kayo susundan pa roon," dagdag ni Gabriel. Sa bandang likod ako pumwesto, kaya tanaw na tanaw ko sila sa harapan ko. Nasa bandang gitna si Paul Shin at Leo, nasa unahang pwesto naman si Kris at Brandon. Samantala ay nasa passenger's seat si Gabriel. Katabi niya ang the best driver na si Melvin dahil sa pagiging kalmado nito. Napahinga ako nang malalim bago ibinalik ang atensyon kay Paul Shin, tahimik lang ito na nakikinig sa pangangaral ng mga kaibigan. "Sama-sama tayong ma-expell." Malakas na tumawa si Brandon na kaagad namang sinapok ni Kris. "Ikaw talaga 'yung bad influence rito, lumayas ka na nga!" asik ni Kris na halata namang inuudyo lang ito. "Uy, kapag ako umalis ay baka ma-miss mo lang ako," balik pang-aasar nito. "My ass." "So, ito na nga— may bago akong irereto sa 'yo Paul Shin, Raquel ang pangalan," segunda ni Leo na naging sanhi nang pagputok ng mga ugat sa leeg ko. "Hoy, shutangina ka, Leo! Tumigil-tigil ka at baka mawalan ka ng hininga riyan!" giit ko na siyang ikinatawa nilang lahat. "Sinasabi ko sa 'yo..." Gago amporkchop, siya talaga ang number one bugaw kay Paul Shin. Babaero, tch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD