Chapter 7

2095 Words

"Vanessa!" malakas na sigaw ni Paul Shin na halos lumbas ang esophagus nito sa kaniyang lalamunan, umalingawngaw din iyon sa apat na sulok ng kwarto. Sa kadahilanan pang nasa labas kami ng balcony ay hindi malabong umabot pa ang echo ng kaniyang boses sa kabilang villa o barangay. Rason naman din para mabilis pa sa kidlat na tumakbo ako palayo rito. Ura-urada kong binuksan ang pinto sa kwarto at lumabas doon. Kaagad din niya akong hinabol kung kaya ang mabibigat naming mga yabag ay dinig na dinig sa kabuuan ng bahay. Bukod sa takot na baka maabutan ako nito ay hindi rin papipigil ang malakas kong pagtawa sa katotohanang nangyari. Samantala ay puro usok na ang lumalabas sa ilong at dalawang tainga ni Paul Shin sa sobrang galit. Mas lalo ko iyong ikinatawa na bukang-buka ngayon ang bunga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD