Kaagad kong pinalis ang mga luhang namamalisbis sa pisngi ko. Kahit nanlalabo pa ang mga mata ay nagawa kong makatawid sa kabilang kalsada. Kung saan ako patungo ay hindi ko rin alam. Hindi ko na pwedeng siputin si Jake sa kadahilanang ayokong malaman niya ang nangyari. Ayokong humingi ng tulong sa kaniya, o kahit kay Paul Shin mismo. Natatakot na ako sa salitang ‘utang na loob’— para bang lahat na lang ng tulong na ibibigay sa akin, kailangan ay palaging may kapalit, kung hindi man ay may kondisyon. Bandang huli ay bigla na lang ipapamukha sa akin lahat ng naitulong, na hindi rin ako pwedeng magrebelde, o suwayin ang utos nila dahil nga sila ang nagpalaki sa akin, sila ang umaruga at nagpaaral sa akin. Walanghiya? Walang respeto? Doon ako mas lalong nagalit kaya hindi ko na rin napi

