Ya, nandito na tayo ayos ka lang ba?
Ah, pupunta na ko sa silid ko, wag kang pupunta!
Bakit?
Basta, masama ang pakilasa ko! (Gabi-gabing palihim na pumupunta ito sa kwarto ng reyna)
Nang gabing yaon palihim itong bumisita muli sa reyna... narinig nitong humahagulgol ito.
Kapatid ko, kapatid ko bakit mo kinain yung persimmon na bigay sa akin ng iniirog kong kawal... ha, bakit? Alam mo bang sa tuwing nakikita ko ang iyong anak at ang iyong asawa ay parang sumasabog na bulkan ang puso ko?
Bakit kaya nya yaon naturan, di kaya...?~sabi sa sarili na may panlalaki ng mata.
Ngunit di inaasahan ng hari ang kanyang maririnig...
Humagulgol... Ya Geum kapatid ko! Mahal na mahal kita!
Kung gayon si... Ya Rung ang ngayong nakaupo sa tabi ko hindi si Ya Geum, ngunit paanong naging anak ni Ya Geum si Hae Seung?
Ang nakaraan...
Ina may iniibig po akong babae!
Sino iyon aking anak?
Nakatira sa Manor ng pamilya Dae!
Sino sa kanila?
Di ko alam basta magandang babae... Dae Ya ang tawag sa kanya yon lang tanging narinig ko!
Yunuko Jang papuntahin mo ang mga anak ni Ministro Dae!
Opo!
Nung gabi ring iyon pinapunta ng inang reyna ang mga anak ni Ministro Dae...
Sino sa dalawang ito?
Si Dae Ya Geum at Dae Ya Rung?
Namangha ang hari ng makita ang dalawa dahil magkamukha talaga sila at parang tumitingin lamang sa salamin saktong ng pananong iyon ay lasing ito dahil nakipaginuman ito sa mga kaibigan nito sa labas ng palasyo.