Reyna: Totoo ba ang kanilang mga tinuran, na magaling ka na at tsaka...di ka raw magising bale dalwang araw ka daw nacomatose!?
Ah... marahil sa sobrang pagod lang yon, natulog po kasi ako ng gutom, ni pagkagising di man lang ako kumakain pa kaya nagpahanda ako sa mga katulong ng maraming pagkain. Para sa akin at para sa inyo!
Hari: Ah, sige kung yan ang nais mo!
Inihanda na ang pagkain...
Nang susubo na ang dalawa...
Eh, saglit ina, ama! Tayo munang manalangin!
Reyna: Kailan pa naging mapanalangin ang prinsipe?
Hari: Kailan pa nahilig sya sa isda, naaalala ko simula nung bata pa sya sabi nya ang pinaka ayaw kong pagkain ay isda ngunit bakit tila...parang may mali sa kanya!
(Nagkatinginan ang magasawa na parang may matang nagtatanong)
Reyna: Dahan-dahan lang sa pagkain wala sa iyong humahagad!~pabalat sibuyas na ngiti ng reyna!
Ah, opo!~ano ba naman, nakakahiya sa reyna at sa hari...gutom na gutom kasi ako!
After an hour...!
Ubos ang isda, ang linis ng tinik, halos walang makitang laman!
Anak aalis na kami marami pa kaming gagawin ng hari...!
Oo nga anak!
Sige po, ingat po kayo!
Sa Daan...
Kamahalan, wala ba ikaw napupuna sa iyong anak?
Kung ika'y makapagsalita akala mo'y di mo sya anak!
Di ko naman talaga sya anak... kay ate(Dae Ya Rung), si ate(Dae Ya Geum~tunay na reyna, ina ni Hae Seung at asawa ni Haring Yi Saeng Kwon) naman talaga ang mahal mo at di ako! Kung di lang namatay si ate, marahil... (isa kayong maligayang pamilya).
Ang tanga, tanga ko talaga tanggap lang ako ng tanggap ng pagkain sa mga nagbibigay sa akin di ko man lang inisip ang kaligtasan ko! (tumutulo ang luha sa mata)