Reyna: Anong kaguluhan yang aming nauulinigan sa labas?
Hari: Sinong pasimuno nyan? Pag di kayo tumugon bukas rin ng umaga ay papupugutan ko kayo ng ulo, nauunawaan ba?
Ah... kamahalan sinasabi kasi ng binibining ito na sya daw po si Prinsipe Hae Seung!~Nakangiting nakangisi habang nakatingin ng masama kay Hae Seung.
Tinitigang maigi ng hari at reyna ako at sinabing anak, ikaw nga ba yan?
(Nagpakaartista mode~pinatulo ang luha at sinabi kong:) Opo, ako nga po ito!
Inayos ng reyna ang nakaharang na buhok sa mukha ko. Nang makita niya ito: Ikaw nga anak ko! Dali-dali nya kong hinigit patungong kwarto ko! Sumunod naman ang hari...
Hari: Ah, wag na kayong sumunod! Dyan lang kayo!
Opo, kamahalan!~nanginginig nilang tugon.
Patay na tayo...
Ah...
Kasi, sya nga ang mahal na prinsipe!
Oo! Ganto gawin natin pag labas pa lang ng hari, reyna at prinsipe ay humingi na tayo ng tawad sa ating kahangalang ginawa kanina.
Aba, ikaw lang ikaw lang naman ang nanghamak sa prinsipe!~parang binagsakan ng bato ang reaksyon ng marinig ito!
Oo, na pero makikiluhod at bow rin kayo!
Sige! Sige!~tugon nila!
Ah... di ko akalaing higit na maganda pa pala ang prinsipe sa pinakamagandang dilag rito sa kaharian ng Dal!
Eh, kung gayon sino ang babaeng tinutukoy mo?
Mga hangal ba kayo, edi yung mga babae sa bahay aliwan!
Ah, umm oo nga!
...
Sa silid ni Hae Seung...
Ina bakit hinigit nyo ko agad?
Nabalitaan nabalitaan kasi namin na gising ka na daw!
Bakit, ano po bang masama na makita nila ang aking mukha, di po ba maganda ang maging higit na maganda kaysa sa babae?
Hindi naman sa gayon...!