Dati sabi mo parang nagdadalangtao si Lady Tin, tapos ngayon sabi mo'y parang may nagbago kay prinsipe..., sinong prinsipe ba?
Si Prinsipe Hae Seung!
Ah, talaga pano?
Kasi kanina parang di sya ilag makipagusap sa akin! Dati rati pag may sasabihin sya kinukulbit nya ako, at parang iba ang aura nya ngayon talaga. Maaliwalas at masigla! Dati bayukyok at nakamaskara.
Eh ngayon, ah kanina lugay lang ang buhok at nakatulala bago lumapit ako!
Di kaya sinasapian sya ng ibang kaluluwa?
Ewan ko lang?~nagaalalang sagot
Ya, anong pinaguusapan nyo!~Lady Kim (Kim Dang Yeol~29 years old pinakapunong katulong sa lugar ni Prinsipe Geolseog at ng reyna)
Ah, wala po iniisip lang namin kung anong gagawin namin tapos na po kami sa lahat!
Kung gayon sumama kayo sa akin bilisan nyo!
Opo!~tugon nung dalawa.
Kasungit na babae!~Liyang
Palibhasa dalaga pa!~Diyang
Hahaha! (ang tawa ng dalwa)
Anong itinatawa-tawa nyo dyan?!
Wala po!~tugon nung dalawa
...
Makatungo na nga sa aking silid!
Sa pintuan...
Ah bakit parang may tao sa loob?
Sinong tao sa loob kawal?
Ang mahal na reyna at hari. Sino ka binibini, bawal dito ang ordinaryong tao?
Binibini?~hinipo ang buong katawan...mga hangal anong binibini? Lalaki ako!
Sino ka kung gayon?
Si Prinsipe Hae Seung!
Ahahahaha, pano nangyari yon si Prinsipe Hae Seung ay...
Anong ay...?(Marahil ang Hae Seung na yon ay Dumb o mahina ang ulo at pangit dahil nakamaskara sya before)
Ah, wala ginoo umalis ka na basta bago ka pa ipakulong ng reyna paglabas nito dahil nawawala ang prinsipe!
Ako ng si Prinsipe Hae Seung, naligo lang ako kaya ako nawala!
Narinig ng reyna at hari na nagkakagulo sa labas kaya,lumabas ang mga ito sa silid ni Hae Seung (nasaloob ng katawan-Lee Jin Goo)