Pagkabihis ay nagdiretso na agad ako sa aking silid, ngunit habang ako'y naglalakad~nakalugay ang buhok. Narinig ko ako ang topic ng mga katulong deadma lang ako, ika nga deadma sa mga bashers at iwas-iwas din sa g**o mga kuya at ate! Sapagkat when I was a elementary lagi akong naooffice kasi inuupakan ko daw mga bullies. Kahit ako ang tama mali pa rin sa kanila. Sabi ko nga noon saan pa ba ako lulugar... hay buhay, sadyang ang buhay ay parang gulong minsan ika'y nasataas minsa'y nasababa at pagnasababa nama'y lugmok na lugmok. Bakit kaya kayhirap makamtan ang kaligayahan at pag ito'y iyong natikman ay saglit lang sa iyong ipatitikim, ngunit kung ito'y kapighatian kay tagal mawala.
Ah, sinu po kayo? Bakit kahalintulad nyo ng damit yung mahal na prinsipe Binibini!~Diyang 25 taong gulang isang alipin, uwian sa kanila, katulong ni prinsipe Geolseog.
Sinong binibini?
Kayo po?
Ah... ako to si Prinsipe Hae Seung!
Ha! Ah palibhasa nakamaskara kayo dati kaya nagulat po ako! Kung kayo'y babae ang ganda po ninyo!
Talaga ba? Salamat!~kung gayon inaakala nilang pangit ako kaya ako binully ng dalwang kulokoy na yon!-sabi sa sarili. Hmm, mayroon akong hihilingin!
Ano po yaon?
Ah, isikreto mo lang ang itsura ko,
Opo!
Kung hindi~Umm-iminutrang gigilitan ng leeg!
Opo, kamahalan!~nangunginig nitong sagot.
Anong yong pangalan?
Ako po si Diyang, katulong nyo po halos isang buwan pa lang sa panunungkulan bilang iyong alipin.
Tagasaan ka?
Sa Balsang Laot po!
Hmm... ano kayang mundo itong napasok ko? Makapaglibot-libot kaya!?
Ah, sige bumalik ka na lang bukas!
Sige po kamahalan!
...
Hoy Liyang alam mo parang may kakaiba sa mahal na prinsipe?
Ano nanaman yong napansin mo?~Liyang kakambal ni Diyang 25 taong gulang na rin higit na maganda kay Diyang.