Chapter 1

2443 Words
ELLAINE Hawak ko ang folder na laman ang resume ko ay pawisan kong pinindot ko ang doorbel sa gate ng malaking mansyon na nasa harapan ko ngayon. Ang sabi sa akin nang nakausap kong H.R sa agency na in-applyan ko ay tagapag-alaga ang hanap ng employer. babysitter ang naging previous job ko kaya naman pasok sa banga ang credentials ko na hinahanap ng magiging amo ko yun ay kung papalarin ako na matanggap sa trabaho. Malaki ang salary per month. Which is ‘yon talaga ang kailangan ko ngayon dahil kay itay na nasa ospital. Umalis na pa-ibang bansa ang pamilya ng pinasukan ko kaya ako nawala ng trabaho. At kung kailan naman nawalan ako ng trabaho ay saka naman nagsabay-sabay dumating ang problema sa amin ng pamilya ko. Minsan napapaisip ako. Bakit ba ganito ang tadhana akin… sa amin. Gusto kong magtampo kay God dahil pakiramdam ko ay kinalimutan na niya kami ng pamilya ko. Pinapalayas na kami sa apartment na tinutuluyan namin, ubos na ang laman ng lagayan ng bigas, ubos na rin ang gas, sumabay pa ang bayaran ng tubig at kuryente. Tulad ng lagayan namin ng bigas, ubos na rin ang laman ng wallet ko… Sa totoo lang ay 500 pesos na lang ang pera na meron ako ngayon. Si nanay naman ay um-extra sa paglalabada ngayon araw upang may madalang pera mamaya kapag nagpunta sa ospital. Problema din ang baon ng dalawang kapatid ko sa eskwela. Parehong elementary pa lang ang mga ito at naawa ako dahil may araw na pumapasok ang mga kapatid ko sa school na tanging pamasahe lang ang pera nila sa bulsa. Maliit na nga pera na baon nila, wala pang makakain pag-uwi ng bahay dahil wala nang laman ang aming bigasan… Mabilis na nanikip ang dibdib ko kasabay ng panunuyo ng aking lalamunan. Kailangan akong matanggap sa trabaho ngayong araw upang may maiuwi akong pera. Kaya gagawin ko ang lahat kapag in-interview na ako ng employer ko mamaya. Hindi na ako mahihiya. I-sho-showcase ko talaga ang lahat ng kaya kong gawin sa trabaho. Mahusay akong magpalit ng diaper at maghugas ng pwet ng bata para lang i-hire ako nila at nang sa ganun ay makapag cash advance ako sa magiging amo ko. Sa ganitong scenario ng buhay ko ay wala ng hiya-hiya. Actually, sa bahay pa lang ay nilunok ko na lahat ang pride na meron ako sa aking katawan dahil ang goal ko ay magkaroon ng maayos na trabaho. Lubog na kami sa utang sa tindahan, kaya sa tuwing dumadaan ako ay palagi akong pinapahiya ng may ari ng tindahan dahil hindi kami makabayad ng utang. Sabi pa nito ay naitae na namin ang inutang namin sa tindahan pero hindi pa rin kami makabayad sa kanya. Idagdag pa ang may ari ng apartment na panay panggigipit sa amin at gusto na kaming lock-an ng pinto dahil tatlong buwan na kaming hindi makabayad sa renta. Langhiya talaga, oh! 1500 na nga lang monthly rental namin sa apartment hindi pa kami makabayad! Kaya nag aalala ako na baka mamaya pag-uwi ko ng bahay ay pinutulan na kami ng kuryente dahil may disconnection nang dumating noong nakaraang araw pa. Ginawan ko lang ng paraan kaya hindi kami natuloy putulan ng kuryente. Inakit ko ang namumutol ng kuryente kahapon at pasalamat ako sa itaas dahil nabola ko naman ito kaya hindi kami itinuloy putulan ng kuryente. Pero ang sabi nito ay babalik ngayong araw dahil kapag hindi pinutol ng lalaki na namumutol ng kuryente, ito naman daw ang puputukan at baka mawalan ng trabaho. Langhiya talaga naman! Paano na lang gagawa ng homework ang dalawang kapatid ko kung madilim sa loob ng maliit naming apartment. Nawawalan na ako ng pag-asa. Kaunti na lang talaga ay gusto ko nang mag pasagasa sa daan para matapos na ang problema. Pero sa tuwing iniisip ko ang dalawang kapatid ko. Agad rin akong tumatapang at nagiging mas matatag para lumaban pa sa hamon ng buhay. Pinahid ko ang mga nalaglag na luha sa mga mata at muling nag-doorbell sa gate dahil wala pa rin lumabas na tao ng mag doorbell ako kanina. “Please Lord, sana matanggap ako sa trabaho. Sa laki ng mansyon na ‘to, panigurado na mapera ang nakatira dito.” sambit ko sa sarili habang nakasilip sa gate. Nanghihina na sumandal ako sa gate habang hinihintay bumukas ang gate. “Ay palaka!” gulat na sabi ko ng dumausdos ako paupo sa sementadong lapag dahil biglang bukas ang gate. Sa wakas! May tao na rin lumabas! Pinagpag ko ang puwetang bahagi ng katawan ko dahil naalikabukan ang suot kong pantalon. “Ikaw ba si Ellaine Magdangal?” bungad na tanong sa ng may edad na babaeng nagbukas ng gate. Mabilis akong tumango rito. “O-opo!” sagot ko at ngumiti ng ubod ng tamis. Binaba ng may edad na babae ang suot nito na eyeglasses at humagod sa akin ang paningin mula ulo hanggang paa. “Ikaw ba ang applicant na pinadala ng agency?” tanong nito sa akin sa strikto na tinig. Tumango akong muli. “Opo, ako nga po.” magalang na sagot ko pero hindi na ako ngumiti dahil mukhang bad mood ang kaharap ko. “Parang ang bata mo naman yata, sigurado ka bang 20 years old ka na?” paniniguro ng kaharap ko dahil mukha akong menor de-edad sa height ko at sa katawan ko na umimpis na dala ng stress dahil sa sunod-sunod na problema. “Um… hindi na po ako menor de edad, 20 years old na po ako.” mahina kong sabi. “Segurado ka r’yan, ah.” patuloy an usisa nito. Upang matigil na ang pang-uusisa nito sa akin. Binuksan ko ang hawak na brown envelope at inilabas ang birth certificate ko na magpapatunay na hindi na ako menor de edad. “Ito po ang PSA birth certificate ko.” sabi ko sabay inabot sa kaharap. Agad naman na kinuha nito ang birth certificate ko sa aking palad. “2o years old ka na nga,” anito matapos busisiin ang nakasulat sa hawak na PSA ko. Binalik nito sa akin ang certificate ko. “Sige, pasok sa loob. Kanina ka pa hinihintay ni Madam,” “Salamat po,” agad akong pumasok sa gate at sumunod sa may edad na babae sa loob ng mansyon. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na manlaki ang aking mga mata dahil ang gara at ang ganda ng loob ng mansyon. Nasa pinto palang kami ay sobrang namamangha na ako sa sobrang ganda at elegante ng mansyon. “Ayon si Madam,” turo ng kasama ko sa babaeng elegante rin ang itsura. Nakaupo ito sa malaki at halatang expensive na sofa. “Anak po ba niya ang aalagaan ko?” wala sa aking sarili na tanong ko habang naka sunod sa kasama ko. “Hindi, wala pang anak si Madam.” tipid na mabilis na tugon nito sa akin. Napakunot noo ako at napa-isip. “Eh sino po ang aalagaan ko?” kung walang anak si madam, so sino ang aalagaan ko? Bakit sila magha-hire ng nanny ‘di ba? Hindi na ako nagawa pang sagutin ng kausap ko dahil nasa harapan na kami ng tinutukoy nito na madam. “Madam, narito na po siya.” anito sa tinawag na madam. Tumayo ang babae at binaba ang hawak na magazine sa ibabaw ng small round table dito sa sala. “Sige na po Manang, pwede niyo na po kaming iwan.” “Okay po Madam,” agad na umalis si manang at iniwan kami sa sala. Tikom ang bibig na nakatitig lang ako kay madam. Sa itsura palang ng kaharap ko ay maselan at mayaman nga ito. Sana matanggap ako sa trabaho para makapag cash advance ako. “Sino po ba ang aalagaan ko?” naiilang na tanong ko, hindi ko kasi alam kung bait nakatitig lang sa akin si madam pero hindi naman nagsasalita. Pakiramdam ko inaaral niya ang buong katawan ko. “Nasabi na ba sa ‘yo sa agency kung magkano ang magiging monthly salary mo?” kibit balikat na sabi ni madam. Mabilis akong tumango. “Opo, 30 thousand daw po.” magalang na sagot ko. Kaya nga agad akong pumunta dito sa mansyon dahil sa laki ng magiging sweldo ko monthly. Ngumiti sa akin si madam. “Yes, ‘yan nga ang magiging monthly salary mo if ever ma-hire ka today.” Nakagat ko ang aking pang ibabang labi at kinabahan. ‘If ever ma-hire ako today’. So hindi pa sure kung iha-hire ako ni madam. Pero hindi pwede. Kailangan akong matanggap sa trabaho ngayon. Kailangan ng pamilya ko ng pera. Kaya dapat na ma-hired ako. “Ma’am, marunong po ako magluto, maglaba, at maglinis ng bahay, at kung pagdating naman po sa pag-aalaga ng bata, marunong din po akong mag-alaga ng bata at magpalit ng diaper.” sambit ko sa mga kaya kong gawin na trabaho. “All around po Ma’am ay kaya ko—-” “Are you a virgin?” awang ang labi na napatitig ako kay madam dahil sa narinig kong sinabi nito. Sa dami ng interview na naranasan ko sa pag-aapply ng trabaho. Ngayon lang ako naka-encounter na ‘Are you a virgin’ ang itatanong sa akin. Napakurap ako. “P-po?” tanong kasi baka namali lang ako ng pagkakaunawa or pandinig sa sinabi nito. “Virginity ang number one credential sa work na ina-apply-an mo,” saad ni madam. Mas lalong akong napanganga sa narinig. Tama nga ang pandinig ko. ‘Virginity’ ang number one credentials sa work na in-applyan ko. Sigurado ba si madam sa tanong niya sa akin? Anong koneksyon ng virginity ko sa pagiging katulong or tagapag-alaga ng bata na trabaho na inaapplyan ko? Wala naman atang koneksyon ang pagiging virginity ko sa pagpapalit ng diaper at pagtitimpla ng gatas ng bata or paglilinis ng bahay. Muli ay napakurap ako. “V-virgin po?” hindi pa rin makapaniwala na sambit ko. “Kung hindi ka na virgin, then there’s no reason for me to talk to you. Makakaalis ka na.” sabi nito at muling naupo sa sofa at kinuha ang binabasang magazine na para bang wala ako sa harapan nito. Kinain ako ng takot. Hindi ako maaaring hindi ma-hired sa trabaho dahil kailangan ko ng pera. “Virgin pa po ako!” napalakas kong sabi. Agad na nagtaas ng tingin sa akin si madam at binitawan ang magazine na hawak saka ako hinarap. “Well, good! Kung ganun. You’re hired!” nakangiti na sabi nito. “Talaga po? Tanggap na po ako sa trabaho?” kukurap kurap at hindi makapaniwala na sabi ko. “Yes, sumunod ka sa akin.” utos nito sa akin. Tahimik na sumunod naman ako kay madam sa paglalakad papunta sa opisina sa second floor ng mansyon. Habang naglalakad kami ay mangha kong pinagagala ang mga mata sa buong mansyon. Ang mamahal ng mga kasangkapan sa loob ng mansyon ni madam. . “Get in,” utos ni madam. Tumango lang ako at humakbang rin ka agad papasok sa loob. “Sit,” turo nito sa silya sa harap ng table at tahimik na naupo ako sa silya. May kinuha sa loob ng drawer si madam humarap siya sa akin na may hawak na mga papeles. “Marunong ka naman sigurong bumasa ‘di ba?” sabi nito at may nilapag na dokumento sa ibabaw ng table. “Opo,” mabilis na sagot ko. “Good. Read the contract carefully,” Nangunot ang aking noo. Contract? Bigla akong nakaramdam ng kaba. Tagapag-alaga lang ng bata ang trabaho na ina-apply-an ko. Bakit may pa contract pa? Mabilis na bumaba ang paningin ko sa dokumentong nasa ibabaw ng lamesa. Binitawan ko ang hawak na brown envelope saka ko kinuha ang dokumento na pinapabasa sa akin ni madam. Habang binabasa ko ang nakasulat sa hawak kong kontrata. Hindi ko maiwasang mapaluha dahil solve na ang problema namin ng pamilya ko pagdating sa pera. Nakasaad kasi sa kontrata na 100 thousand ang magiging sweldo ko sa oras na maregular na ako sa trabaho. Para na akong nag-abroad niyon. Namilog ang mga mata ko at sandaling tumigil ang t***k ng puso ko. Totoo ba ang nababasa ko na nakasulat sa kontrata? May additional 2 milyon akong makukuha kapag naka-one year na ako sa trabaho. Sobrang laking halaga sa akin ng dalawang milyon. Makakabili na kami ng bahay at lupa sa subdivision. Tumingin ako kay madam. “M-may makukuha po akong additional d-dalawang milyon kapag tumagal po ako sa inyo?” ngatal ang labi na sambit ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa dalawang milyo at sa 100k na sweldo ko kada buwan. Daig ko pa ang nanalo sa Jackpot. “Continue reading the contract, Ms. Magdangal,” utos nito sa akin. Binalik ko ang aking paningin sa kontrata na hawak ko at nilipat ko sa ikalawang pahina. Terms and specific job description: Assist with his activities of daily living, including bathing, dressing, grooming, toileting, transferring and getting to and from activities and meals according to the individual service plan. Allows and encourages him to do as much of their own care as possible. Kaya ko naman gawin lahat ang mga nakasaad sa terms and job description sa kontrata. Maliban nga lang sa huli kong nabasa niya sa ibaba ng contract na siyang nagpatigil ng t***k ng aking dibdib. Having s*x with him 3 times a week. Dumoble ang kunot ng aking noo. s*x? As in makikipag s*x ako sa magiging alaga ko 3 times a week? Anong kalokohan ba itong nakasaad sa kontrata? Anong klaseng tao ba ang aalagaan ko? Hindi naman pala tagapag-alaga ang trabaho na papasukin ko, kun ‘di para na akong bayarang babae! Nangatal ang aking labi at nanginig ang aking mga kamay. "H-having s*x po madam sa aalagaan ko?” nauutal kong tanong. Ngiti na tumago sa akin si madam. “Yes, 3 times a week ang schedule mo para makipag s*x sa asawa ko.” walang gatol nitong sabi. Napalunok ako ng maraming beses. “3 times a week po akong makikipag-s*x sa asawa mo Madam?” blanko ang aking isipan na sambit. Tumango ito. “Yes, my husband was temporarily blind to due to an accident. It's a long story, but what's more important now is… are you still interested in working here?” Napatitig ako kay madam. Interesado ako sa malaking sweldo. Pero ang hindi ko yata kayang sikmurain ay ang huling nakasulat sa job description sa kontrata. . Ang makipag s*x ng 3 times a week sa asawa ni madam. Na technically ay sa magiging amo kong lalaki ako makikipag- s*x ng 3 times a week!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD