Chapter 2

1022 Words
ELLAINE Mabilis akong nagbaba ng paningin sa aking bag nang marinig kong tumunog ang phone ko na na nasa loob. Nang makita kong si Inay ang tumatawag sa akin ay dali-dali kong sinagot ang tawag nito. kasabay nang pag-accept ko sa tawag ni Inay, malakas ang pakiramdam ko na may hindi magandang balita na sasabihin sa akin si Inay kaya napatawag siya sa akin. Pigil ang aking paghinga na hinintay kong magsalita si Inay mula sa kabilang linya kahit alam kong problema na naman ang maririnig ko... “Anak! Ayaw na tayong papasukin sa loob ng bahay, ni-lockan na tayo ng pinto ng may ari! Pinapaalis na tayo ngayon dahil may uupa na raw. Nasa labas ng bahay ang mga damit natin, anak!” hagulgol na iyak sa akin ni inay sa kabilang linya. Napapikit ako kasabay nang pangingilit ng aking mga ngipin. Napaka mukhang pera talaga ng may ari ng apartment namin! Sagad hanggang boto ang pagka sakim sa pera! Walang puso at awa sa kapwa kahit alam naman niya na nasa ospital ang itay ko at nawalan ako ng trabaho. Hindi ako makapaniwala na may tao sa mundo na kagaya niya, kahit alam niyang hikahos at gipit na sa buhay ang isang tao, gigipitin at iipitin pa rin niya para lalo pang maghirap at magdusa. Nakakalungkot lang talaga na may mga taong katulad niya. Walang konsiderasyon sa taong nagigipit at dumadanas ng hirap. Nakakalungkot lang talaga, kapag mahirap at wala kang pera, mamatahin at aalipustahin ka lang ng ibang tao na tanging pera lang ang sinasamba. Masakit na katotohanan at tunay na realidad ng isang pamilyang mahirap. Kaya ipinapangako sa aking sarili, gagawin ko ang lahat para iahon sa hirap ng buhay ang aking pamilya. Nilunok ko ang aking laway, pakiramdam ko ay may nakabara sa aking lalamunan dahil sa galit sa sitwasyon na nangyayaring kahirapan sa aking pamilya saka ako nagsalita. “Nay, makinig po kayo sa akin. Sabihin n’yo po kay Aling Maria, magbabayad po tayo ng upa ngayon araw din. Hintayin lang po niya akong umuwi. May pera na po tayo!” sabi ko kay inay sa kabilang linya. “Talaga, anak? Saan ka naman kumuha ng pera?” alam kong hindi makapaniwala si nanay na may pera na kaming pambayad sa upa. “Mamaya na lang po natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na ‘yan, Nay. Sige na po.” pinitol ko ang linya pagkatapos kong makipag-usap kay inay saka ko hinarap si Madam. Hindi ko alam kung tama ang gagawin ko, pero kailangan namin ng pera. Dignidad ko lang naman ang mawawala sa akin. At least, mawala man ang aking puri. Na-solve naman ang problema ng aking pamilya. Okay na ako roon. Malalim akong lumunok saka buong loob na nagsalita. “Tinatanggap ko na po ang trabaho, Madam. Pero pwede po ba na mag cash advance na po ako ngayon? Pasensya na po kayo, kailangan na kailangan lang po ng pamilya ko. Promise po babalik po ako dito sa mansyon nyo para magtrabaho. Nasa ospital lang po kasi ang tatay ko sa ngayon.” pag-amin ko sa problema ng aking pamilya. Ngumiti lang si madam sa akin. “Okay, madali naman akong kausap. But make sure, you have your words. Dahil kaya kitang ipahanap kahit saang lupalop ka pa ng mundo pumunta.” banta nito sa akin at saka kinuha ang kalimbang na parang tulad ng nagtitinda ng sorbetes at pinatunog nito iyon. Hindi naman nagtagal ay lumapit si manang kay madama. “Get my cheque book.” sabi ni madam kay manang. Agad naman na tumango ito kay madam at lumakad palayo. Hindi nagtagal ay bumalik ito na dala ang booklet cheque ng amo. “Madam,” inabot nito ang cheque. “Thank you, you can go.” agad na nagsulat si madam sa booklet cheque at pagkatapos ay pinilis iyon at inabot kay Ella. Mangha naman nakatitig lang ako kay madam at sa malaking amount na nakasulat sa hawak kong cheque. Two hundred thousand… Nanginig at pinagpawisan ang buong katawan ko. Sa talambuhay ko ay ngayon lang ako nakahawak ng ‘two hundred thousand na cheque’. At sa laki ng halaga na ‘yon ay sobra-sobra pa sa pangangailangan namin ng pamilya ko. Mababayaran ko na ang hospital bill, tubig, kuryente at apartment, pati na ang utang sa tindahan. Tila umurong ang dila ko dahil hindi ko magawang makapagsalita. “I hope that amount is enough para sa pangangailangan ng pamilya mo. Malaki-laki rin ang halaga na ‘yan. Kaya sure akong maso-solve ang family problem n’yo.” sabi ni madam. Gulat na napatingin ako kay madaman nang walang sabi sabi ay agawin nito ang hawak kong cheque. “I want you to be here by 8’ o’clock in the morning tomorrow.” wika nito na tinitigan ang nakasulat sa cheque. “200,000. Ipagkakatiwala ko sa ‘yo ang pera na ‘to. Alam mo, sa lahat ng pumasok sa akin, ikaw pa lang ang hinayaan kong mag cash advance ng ganito kalaking halaga sa akin kahit hindi pa nag-i-start sa trabaho.” mapanindak akong tinitigan ni madam sa aking mga mata. “Kaya ‘wag mong sirain ang tiwala ko sa ‘yo, Elaine. Mabait ako, pero masama akong magalit,” mapanganib niyang sabi. “Babalik po ako Madam, promise po. Babalik po ako.” matigas kong sabi, marunong akong tumupad sa usapan. Malapad na napangiti si madam sa narinig na sinabi ko. Binalik nito ang cheque sa kamay ko. “Well, good. Kapag ganyan ka kabait at masunurin sa akin, magkakasundo tayo.” “S-salamat po, Madam.” ani ko. “Okay, alam mo naman na siguro ang palabas, you can go. And don’t forget, 8 A.M bukas.” “Opo, Madam. Darating po ako bukas.” sagot ko at agad na sinilid ang hawak na cheque sa loob ng bag ko sa takot na baka magbago pa ang isip ni madam at bawiin ang cheque akin at walang lingon-likod na lumakad nang mabilis palabas ng mansyon. Agad akong kumaway upang pumara ng tricycle at nagpahatid sa pinakamalapit na banko para withdrawhin ang perang nakasulat sa cheque na hawak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD