Chapter 3

2511 Words
ELLAINE Nang makita ko si Inay ay patakbo akong lumapit sa kanya hawak ang pera na tatapos sa aming mga problema. “Nay!” Tawag ko sa kanya habang nagpupunas ng pawis sa mukha. Agad na nangilid ang mga ko luha nang makita na basa ang suot na damit ni inay dahil sa paglalaba. Ayokong makita ni inay ang pamamasa ng aking mga mata kaya mabilis kong pinahid ang luha ko upang hindi niya makita, agad akong yumakap ng mahigpit sa kanya. “Simula sa araw na ‘to, Nay. Hindi na po kayo maglalabada. Hindi na kayo ni tatay magtatrabaho. Ako na po ang bahala, may pera na tayo.” masaya kong balita kay inay. Ayaw kong ipakita kay inay na umiiyak ako dahil naawa ako sa mga magulang ko dala ng aming kahirapan. Nilabas ko ang lilibuhing pera sa loob ng bag. “Makakabayad na po tayo sa tubig, kuryente, sa bill ni Tatay sa ospital, at sa iba pa po natin mga utang Nay, mababayaran na natin silang lahat.” ngiti na sabi ko kay inay. Bumaba ang paningin ni inay sa sobre na hawak ko. Namilog ang mga mata inay nang makita ang sobre na may lamang lilibuhin pera. “A-ang dami ng pera na ‘yan, Anak? S-saan galing ‘yan? H… h’wag mo sabihin sa akin na nagnakaw ka, anak?” naguguluhan ngunit kinakabahan na sambit ni inay dahilan upang mapatawa ako. Alam kong nagtataka siya kung saan ako kumuha ng malaking pera. Napakamot ako sa aking ulo. “Nay! Ano po ang palagay n’yo sa akin, Kriminal? Hindi po, may trabaho na po ako at malaki ang sweldo. Itong pera na ‘to, cash advance ko po ito sa amo ko.” paliwanag ko na siyang ikinapanatag ng maligalig na mukha ni inay. “Talaga, anak? Naku, kung ganoon eh nakakatuwa naman pala at may trabaho ka na!” ramdam kong parang nabunutan ng tinik sa dibdib si inay nang marinig nito na sa malinis na paraan ko kinuha ang pera na dala ko. “Opo, Nay. Kaya simula sa araw na ‘to,” Hinawakan ko ang dalawang palad ni inay. “Oras na po Nay para ipahinga mo po ‘tong mga kamay mo sa paglalaba at pamamalantsa sa damit ng ibang tao. Simula po sa araw na ‘to, hindi na po kayo mag-uulam ng asin. Hindi na po tayo mangungutang sa tindahan. Hindi na rin po tayo ipagtatabuhayan at palayasin dito sa apartment dahil may pambayad na po tayo.” tuluyan ko nang hindi napigilan ang pagtulo ng luha. Sa laki ng sasahurin ko kada buwan, tapos may dalawang milyon pa akong makukuha once na maka isang taon ako sa trabaho. Sisiguraduhin kong sa negosyo mapupunta ang pera na kikitain ko para hindi na muling maghirap pa ang pamilya ko. Pangako ko na gagawin ko ang lahat para hindi na maranasan muli ng magulang ko at ng dalawang kapatid ko ang magdildil ng asin. Hinalikan ko ang mga palad ng ina. “Salamat po Nay sa lahat ng sakripisyo n’yo ni Tatay para sa amin ng mga kapatid ko, ngayon ako naman po ang bahala sa inyo. Ako na po Nay,” hilam sa sariling luha ang aking mga mata na niyakap ko si Inay “S-salamat Anak, salamat… Sorry kung hindi ka namin nagawang igapang ng tatay mo ang pag-aaral mo. Patawad anak, at salamat sa lahat nang pang unawa mo sa amin ng tatay mo.” maging si inay ay naluha na din. Gumanti siya ng yakap sa akin. “Hindi n’yo po kailangan humingi ng sorry, Nay. Pamilya ko po kayo… Tayo ang magtutulungan, Nay.” Maaga akong namulat sa kahirapan ng aming buhay. Kaya naman kahit ang pagiging nanny ay pinasok ko sa edad na 19 years old upang makatulong sa mga magulang ko para sa pang araw-araw na gastusin. Ang relatives ni itay ay may sinabi sa buhay, ngunit kahit may kakayahan ang mga ito ay hindi kami magawang ambunan man lang ng kahit konting tulong. Minsan ng lumapit ang inay sa pamilya ni tatay pero walang nakuha ni-piso si inay bagkus ay sinisisi nila si itay sa kinabagsakan na paghihirap nito sa buhay. Naging pabaya at waldas daw kasi si itay noong kabataan nito. Hindi nagtapos sa pag-aaral at nabuntis pa kaagad si inay. Hindi ko naman magawang isisi ang kahirapan namin ngayon kay itay. Oo, nagkamali si itay, nangyari na ang nangyari. Wala na rin magagawa kung sumbatan at sisihin ko si itay kaya mahirap kami ngayon. “Oh, Elaine! Nariyan ka na pala, totoo ba ang sinabi ng Nanay mo? makakabayad na ba kayo sa akin sa renta ngayon? Kasi kung hindi, ibibigay ko na sa iba ang apartment na ‘yan.” Ang tinig na ‘yon ni Aling Magda ang kumuha sa atensyon namin ni inay. Agad akong humarap kay Aling magda kasabay ng pagpahid ko sa aking luha. “Opo, Aling Magda, magbabayad na po kami sa lahat ng balanse namin sa renta.” Tila bituin na kuminanh ang mga mata ni aling Magda. “Aba! Edi maganda kung ganoon. Pag ganyan naman eh wala na tayong dapat pang pag-usapan. Sige, hindi ko na ibibigay sa iba ang apartment.” ubod tamis ang ngiti na sabi aling Magda. Kumuha ako ng twenty five thousand sa sobre at inabot kay aling Magda. “25,000 po ‘yan Aling Magda, yung sobra sa balanse namin sa delay ng upa ay i-advance payment na po namin sa renta.” magalang at mahinahon na sabi ko. Animoy palos na mabilis kumilos si aling Magda at kinuha ang lilibuhing pera sa kamay ko. “Salamat, oo, sige! Ilalagay ko na sa advance payment n’yo sa renta ang sobra.” dumukot ito sa bulsa ng suot na daster. “Oh, heto ang susi. Salamat uli dito sa bayad n’yo, aalis na ako.” wika nito at hindi na nga nagtagal dahil lumakad na ito palayo saka sumakay sa tricycle na naghihintay sa kanya. Nakangiti na humarap ako kay inay. “Pag nakaipon po ako Nay, aalis po tayo dito sa apartment na ‘to,” sabi ko kay inay. Gagawin ko talaga ang lahat para makaalis kami dito sa lugar na ito. Kinawit ko ang isang kamay sa braso ni inay. “Tara na po, pasok na tayo sa loob.” Yaya ko kay inay papasok sa aming apartment. “Mabuti pa nga anak,” nagtulong kami ni inay upang ibalik sa loob ng apartment ang mga damit at gamit na pinalabas ni aling Magda. Nang matapos naming ipasok ang mga damit, nagpaalam ako kay inay na magbabayad sa tindahan at dediretso na sa bayaran ng tubig at kuryente at sa ospital na lang kami. Matapos kong bayaran ang mga dapat bayaran ay dumeretso na ako sa ospital. Napakahirap sa isang kapus palad ang magkasakit. Dahil siksikan ang pasyente sa public hospital at ang mamahal pa ng mga gamot. “Tay,” mahinang tawag ko sa kanya na nakahiga sa hospital bed. Nagkasakit ang itay ng Bronchopneumonia. Dangkasi naman eh kahit inuubo na ito ay sige pa rin ang paglalako ng paninda na Ice drop may pera lang na maiuwi sa amin. Matanda na ang tatay ko kaya naman dala ng katandaan. Mahina na ang resistensya. “A-ang sabi ng Nanay mo may trabaho ka na raw,” sabi ni itay kahit hirap ito na magsalita. Umupo ako sa monoblock chair sa tabi ng hospital bed ni itay. Ang nanay naman ay abala sa pagpupunas ng katawan ni itay. “Opo, Tay. Kaya nga po bukas, hindi na po ako makakasama sa inyo na sunduin kayo pauwi sa bahay. Maaga po ako aalis bukas papunta sa bahay ng amo ko.” nakangiti na saad ko, sa likod ng aking ngiti ay ang sakit na makita si itay sa ganitong sitwasyon. Tumango ito. “Okay lang Anak, salamat sa ‘yo. Ang sabi ng Nanay mo nabayaran mo na lahat ng mga bayarin natin. Ang bait naman ang amo mo at pinabali ka ng malaking halaga.” Kita kong maayos na ang lagay ni itay. Ibang iba na ang kulay ng balat nito kumpara noong mga nakaraang araw na sobrang maputla at nanghihina. Ang sabi ng doktor. Maari ng umuwi sa bahay ang itay pero ang gamot ay kailangan ipagpatuloy na inumin. “Kaya nga po Tay, ang bait po talaga.” nakangiti na sagot ko. “Oh, basta, Tay. magpagaling po kayo ha. Dumaan lang po ako dito para dalawin kayo at mag paalam na aalis na ako bukas papunta sa amo ko.” Niyakap ko ito. “Dapat pag-uwi ko ng bahay sa susunod, maganda na po ang katawan mo Tay,” pumayat kasi ng husto ang katawan ni itay dahil sa pagkakasakit. “Salamat anak,” ramdam kong pinipigilan ni itay ang panginhilid ng luha sa aking pag alis. “Sige na po Tay, alis na po ako.” muli ay sabi ko. “Mag-ingat ka anak,” garalgal ang boses na bilin ni itay sa akin. Tumango ako at si inay naman ang hinarap ko. “Nay, kayo na po ang bahala kay Itay, mag iingat po kayo palagi.” Marahan na hinawakan ni Inay ang aking braso at pinisil. “Oo anak, mag iingat kami. Pero ikaw ang dapat na higit na mag ingat sa sa trabaho mo dahil wala kami sa tabi mo ng Tatay mo,” Ngumiti ako. “Ako pa ba, Nay? Kayang-kaya ko po ang sarili ko.” magaan na sabi ko upang hindi sila mag-alala sa akin habang nasa trabaho ako. Bago pa makita ni inay at itay ang pangingilid ng aking luha ay mabilis akong pumihit patalikod sa kanila kasabay nang pagpatak ng aking mga luha. Huminga ako ng malalim. Masaya ako dahil kahit paano ay maayos na ang lagay ni itay Hindi tulad ng mga nakaraan araw na para itong tingting sa sobrang payat at tila ba liliparin na ng hangin. After ko dalawin si itay sa ospital, dumeretso naman ako sa school ng dalawang kapatid upang sunduin ang mga ito. “Ate!” sabay na masayang tawag ng dalawang kapatid ko sa akin nang makita nila ako. Nakangiti na tumakbo silang dalawa papunta sa akin at yumakap. Ang kapatid kong si Leane ay nasa ika-tatlong baitang, habang si Luna naman ay nasa ika-limang baitang. “Sino ang may gusto ng fried chicken and burger?” nakangiti na tanong ko sa dalawa kong kapatid. “Wow! Talaga ate bibilan mo kami ng fried chicken at burger?” hindi makapaniwala na sambit ng kapatid kong si Leane. Alam kasi ng mga ito na wala na kaming pera para sa layaw na kumain sa labas. “Si ate, nag-jojoke na naman. Paano tayo bibili ng fried chicken wala naman tayong pera.” naka-labi na sabat ni Luna. “Kung magkapera man tayo, sure na pambayad lang ‘yon sa utang sa tindahan.” wika pa nito. Nakangiti na inakbayan ko si Luna. “Nabayaran ko na ang mga utang natin, hindi na tayo mapuputulan ng tubig at kuryente.” proud na sabi ko. “Ohs? Talaga ate? Hindi joke ‘yon?” hindi pa rin makapaniwala na ani Luna. Naninigurado pa talaga ito na hindi ako nagbibiro. Para mapaniwala ang mga kapatid ko. Naglabas ako ng lilibuhing pera sa mula sa aking walet. “See, may pera ako! May pera na si ate dahil may work na ako!” masaya kong balita sa mga ito. “Kaya kakain tayo sa labas!” Masayang nagtatalon sina Leane at Luna sa narinig. “Wow! Gusto namin ‘yan Ate!” sabay na sambit ng mga ito. “Oh, ano pa ang hinihintay natin? Tara na!” Habang sakay kami ng tricycle papunta sa fast food chain na kakainan namin ay hindi na nawala ang ngiti sa mga labi ng dalawang kapatid ko. Nadadala ko lang sila Leane at Luna sa m*cdo kapag may sobra sa sahod ko. Pero pinipilit ko lang talaga na budgetin ang 500 pesos sa dalawang kapatid ko sa tuwing kumakain sila sa m*cdo. At ngayon may hawak na akong pera. Ipapa-order ko sa mga kapatid ko ang gusto nilang dalawa na orderin. Minsan lang naman iyon kaya ipaparanas ko na sa kanila. Pagpasok namin ng fast food chain ay agad silang pumila. “Ang dami naman ng in-order mo, Leane. Grabe ka naman!” sita ni Luna sa kapatid ng umupo na sila sa lamesa habang hinihintay ang order nila. “Sabi naman ni ate Ella, order-in ko ang lahat ng gusto ko. Gusto ko ng chicken, fries, burger, cookfloat, at spaghetti eh.” nakalabi na sagot ni Leane sa ate nito. “Luna, okay lang ‘yon.” nakangiti at mahinahon kong sabi sa kapatid ko. “Kaya nga sabi ko sa ‘yo order-in mo rin ang gusto mo.” “Okay na po ako sa order ko ate Ella. Inaalala ko lang baka maubos ka agad ang pera natin.” napangiti ako sa mindset ng kapatid kong si Luna. Si Leane naman kasi ay grade 3 lang, wala pa itong muwang, di gaya ni Luna na grade 5 na ito at kahit paano maayos na kung mag-isip. “Huwag mo ng isipin pa ‘yon, Luna, after natin dito. Mag-go-grocery naman tayo para may pang stock kayong pagkain bago ako umalis.” Napanguso si Leane. “Mamimiss kita ate kasi mag-wowork ka na ulit, kaso okay lang po ‘yon para hindi na tayo inaaway ng may ari ng apartment at hindi na tayo mangungutang sa tindahan. Hindi na rin tayo mapuputulan tubig at kuryente.” wika nito. Hinaplos ko ang mahaba at itim na itim na buhok ni Leane. “Sisiguraduhin ni ate na hindi na ulit tayo aawayin ng may ari ng apartment!” sagot ko sa kapatid ko. “Kaya kayong dalawa, mag-aral kayong mabuti habang nasa malayo si ate okay.” “Opo ate, mag-aaral po kaming mabuti para laging may mcdo!” pagbibiro na sagot ni Leane sa kanya. “Oo, palagi kayong may mcdo kay ate, pero… dapat mataas ang grades nyong dalawa ha.” “Sus! Oo naman ate, palagi naman mataas ang grades namin ni ate Luna!” pagmamalaking sagot sa kanya ni Leane. Kaya lalo siyang na-inspire, masipag mag aral at matalino ang dalawa kong kapatid. “Aasahan ‘yan ni ate, ha!” ani sa mga ito. Masaya ako na bago ako umalis papunta sa bago kong trabaho, nakapag bonding kami na magkakapatid. "Hinay hinay sa pagkain, Leana. Wala naman sa 'yong aagaw ng pagkain mo. Tsaka, hindi naman tayo nagmamadali." sita ni Luna sa nakababatang kapatid ng mapansin ang pagkain nito na animoy may ibang tao na aagaw ng pagkain nito. Hinaplos ni Ella ang buhok ni Leane. "Tama ang ate Luna mo, Leanne. Hinay-hinay sa pagkain. Nguyain mong mabuti 'yang kinakain mo dahil baka mabulunan ka. Wala ka naman ka agaw kaya 'wag kang magmadali sa pagkain, okay?” malumanay na paliwanag ko kay Leane. Batang isip pa talaga ang bunso naming kapatid. "Sorry po, Ate! Ang sarap kasi!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD