ELLAINE
“Pasensya na po Madam, pwede hindi ko po magagawa ang gusto mo. Kasalanan po sa diyos ang pinagagawa n’yo sa akin.” mariin tanggi ko sa gustong ipagawa sa akin ni Madam. Hindi pa ako nababaliw para sumunod sa pinag-uutos niyang ‘yon sa akin. Kaya ko naman gawin ang kahit na anong pinakamahirap na gawain dito sa mansyon na ipag-uutos niya sa akin, but now this one.
Diyos ko. Kahalayan ang gusto niyang ipagawa sa akin!
“Madam, kasalanan po sa Diyos ang bagay na ‘yan, kaya sorry po. Magalit na po kayo sa kin, pero ayoko po talaga manood ng porn videos na gusto n’yong panoorin ko. Pasensya na po talaga. Labag po sa kautusan ni God ang bagay na ‘yan. Magkakasala po ako sa oras na sumunod po ako sa inyo.”
Kita ko kung paano tumaas ang kilay ni Madam at ang mabilis na pagpula ng mukha nito tanda na hindi nagustuhan ang pagtanggi ko sa utos nito. Eh, susmaryosep naman. Hindi ko naman alam kung ano ang pumasok sa utak ni Madam at gusto niya akong manood ng porn movies, videos, what so ever kung ano ang tawag doon. Ni sa hinagap ng aking buhay ay hindi ako nag pantasya sa katawan ng kapatid ng boss ko noon kahit super yummy, attractive at talagang makalaglag panty ang lalaking ‘yon. Kasalan kaya ‘yon sa Diyos. Tapos. Tapos, ngayon, gusto ni Madam na manood ako ng porn na makikita ko ang bawat parte ng katawan ng isang lalaki?
Sumisikip ang aking dibdib. Maging ang aking ulo ay biglang kumirot. Hindi naman ako baliw para manood ng porn. Hindi ako mahalay na tao. Hindi ako malibog ‘no!
“This is part of your job, Ellaine. Kaya pwede ba, ‘wag kang maarte?” pagalit na sabi ni Madam sa akin saka ako nito tinulak paubo sa kama. Nandito kasi ako ngayon sa guest room. Pinatawag niya ako para lang utusan na manood ng porn movie? May saltik yata ang amo kong ito. Kababaeng tao ay, may kahalayan taglay sa katawan at gusto pa niya akong idamay sa pagkakasala.
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na ‘bakit di na lang siya ang manood ng porn kung gusto niya? Bakit gusto pa niya akong idamay sa kalokohang ito’ kung sanay siyang manood, pwes ako ay hindi. Nasa tamang pag-iisip pa naman ako, may takot pa ako sa Diyos.
Kinalikot ni Madam ang remote ng 72’ inches flat screen TV dito sa loob ng guest room. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang sandamakmak na porn videos sa screen ng TV. Diyos ko, seryoso pala talaga si Madam, hindi siya nagbibiro!
“Kailangan mong manood ng mga videos na ‘to, para alam mo na ang gagawin mo sa oras na kailanganin ka ng asawa ko sa kama. Kailangan mong kumilos at magpanggap sa kama na ako.” sagot ni Madam habang abala pa rin sa hawak na remote ng TV at ang mga mata ay nakatuon sa screen.
“He's a beast, wild, sa kama, Ellaine. He wants spice, foreplay when it comes to intimacy.” humarap sa akin si Madam. “Kailangan mo ng pera remember?”
Wala sa aking sariling napatango na lamang ako. “Opo,” tipid kong sagot sa kanya.
“Always remember this, Ellaine. I paid you para magpanggap na ako na makakasama sa kama ng asawa ko. ‘Yun ang number one at pinakamahalagang trabaho mo that’s why I hired you. Now, kung hindi mo pag-aaralan ang kilos ko, paano mo magagawa ng tama ang job mo ‘di ba, hindi?” Napakislot ako nang pagkatitigan ako ni Madam sa aking mga mata.
“Tandaan mo ‘to Ellaine, hindi dapat makahalata ang senyorito Hudson mo na nagpapanggap ka lang na ako. Because once he finds out you're pretending, your job with me is done. Papaalisin kita at babayaran mo sa akin ang pera na binigay ko sa ‘yo. Ano? Kaya mo ba akong bayaran? May ibabayad ka ba sa akin? Well, I’m sure wala kang maibabayad sa akin. Malaki-laki rin ang halagang ‘yon, two hundred thousand. Sure na wala ka ng gan’on kalaking halaga para ibabayad sa akin. Isa pa, paano ang pamilya mo? Kaya bago ka tumanggi sa utos ko. Isipin mo munang mabuti ang pamilya mo. Isipin mo na hindi ka dapat mawalan ng trabaho.”
Na-reality check ako ni Madam sa point na iyon. Wala akong ibabayad sa kanya. At kung mawawalan ako ng trabaho. Gutom talaga ang pamilya ko. Kaya hindi ako dapat mawalan ng trabaho.
“Your main job is to be with my husband on bed, iyan ang isaksak mo sa kokote mo, Ellaine. Milyon ang ibabayad ko sa iyo sa oras na magawa mo ng tama ang trabaho mo. At para magawa mo ng maayos at tama ang trabaho mo, dapat mong aralin ang bawat kilos ko. Ang nakasanayang bagay na ginagawa sa akin ni Hudson.”
Napatingin na lamang ako nang ihitsa ni Madam ang hawak na remote sa aking tabi sa ibabaw ng kama. “H’wag kang lalabas ng kwarto na ‘to nang hindi ka nakakapanood ng porn, at kung kinakailangan na panoorin mo lahat ng videos, do it. Kakailanganin mo ‘yan, Ellaine. Sanay ang asawa ko na magaling ako sa kama, kaya dapat na maging magaling ka rin tulad ko. And no more ‘buts’ dahil hindi ko kailangan ‘yan. Gawin mo ang trabaho kung gusto mong tumagal dito, at kung gusto mong gumaganda ang buhay ng pamilya mo.” Matapos sabihin ni Madam ang mga iyon ay dere-deretso na itong lumakad sa pinto at lumabas.
Wala sa aking sarili na napatitig ako sa nakasaradong pinto. Ilang minuto na rin nang makalabas si Madam. Ako naman ay nakaupo pa rin at pakiramdam ko ay nanigas ang aking buong katawan kaya hindi ko magawang ikilos ang ang sarili. Shock ako. Talagang nagimbal ang diwa ko sa bagay na pinagagawa ni Madam. Sa tanang buhay ko na nagsisilbi sa aking pangangamuhan, di ko sukat akalain na iuutos sa akin ng amo ko ang manood ng porn.
What the… Totoo ba ito?
Kung tutuosin ay madali lang naman talaga dapat. Manonood lang ako, hindi ako mapapagod, pwede akong umupo at humilata dito sa kama habang ginagawa ang utos ni Madam. As in, hindi ako mapapagod. Ang mata ko lang ang mapapagod manood. But the hardest part is. Yung klase ng panoorin ko. ‘PORN!’ Jusko po! Buko Juice talaga. Kasalanan ‘to!
Nag-sign of krus ako at pumikit.
“Lord, sorry po, hindi ko po ito gusto. Labag sa aking prinsipyo at puso, alam n’yo po ang kaloob-looban ko. Hindi ako mahalay na tao. Kaso… Kaso Lord, tawag ng trabaho. Huhu. Sorry po Lord. Ayoko pong itapon ang kaluluwa ko sa kumukulong asupre sa kabilang buhay pag namatay na ako. Pero Lord, ayoko din naman po na mamatay ng dilat sa gutom ang pamilya ko. Una, si Itay, kalalabas lang ng ospital. Pangalan, ayoko na pong makitang labandera si Inay sa damit ng ibang tao. Pagod na po siya magkusot at piga ng damit, Lord. Lastly, ayoko na pong maranasa ulit ng dalawang kapatid ko ang pumasok ng gutom sa school. Mas titiisin ko na po ang magkasala ako, basta busog at nasa ayos ang pamilya ko. Kaya Lord, sorry po. But hoping na maintindihan niyo po ako kahit alam kong kahit anong gawin kong explain sa inyo, alam kong mali. Sorry po Talaga, Lord. Sorry po.”
Matapos akong magdasal. Huminga ako ng malalim ng maraming beses. "Okay, Ellaine. Be professional. Gagawin mo ‘to dahil part ng trabaho mo. Manonood ka lang. Iyon lang! At kahit anong makita mo, nakita mo lang ‘yon! Wala ‘yon! Basta always keep in mind, part lang 'to ng trabaho mo, Dahil professional ka lang na tao pagdating sa trabaho kahit Yung work description mo ay hindi pang professional!" mapangiwi ako. Aray ko. Wala Naman talagang professional na tao Ang gagawa nito. Tsk!