Chapter 8

1082 Words
ELLAINE "Call Manang Corazon, now!" muli ay sigaw ni senyorito Hudson nang wala pa rin ito magustuhan sa lahat ng boxer shorts na binigay ko sa kanya. Iritado pa rin ang ekspresyon ng mukha nito na para bang ang laki-laki ng problema nitong pasan-pasan. Ang weird ng matandang ermitanyong 'to, pipili lang ng boxer shot na isusuot naghuhurimintado na sa galit dahil wala siyang mapusuan na gamitin para itakip sa hotdog niya! Nanulis ang aking nguso. Hindi ko talaga maintindihan ang boss ko. Ang lakas ng saltik sa ulo. "S-sige po, tatawagin ko po si Manang Corazon, Senyorito Hudson." sabi ko at hinagilap agad ang daan patungo sa pinto. Mainam nga na tawagin ko na si Manang Corazon dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa ermitanyong lalaking 'yon! Naabutan ko si Manang Corazon na abala sa kusina. As usual, abala si Manang sa kusina dahil ang selan din sa pagkain ng boss ko. Tanging luto lang ni Manang Corazon ang kinakain nito, dahil sa tingin ko ay malaki ang tiwala ni ermitanyo kay Manang Corazon. Kagat ang pang ibabang labi na lumapit ako kay Manang Corazon. Tulad ni ermitanyo, umaga pa lang eh heto at hindi na rin maipinta ang mukha ni Manang Corazon, at lalong kumulimlim ang mukha nito nang makita ako. Shesh! Na Para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Tsk. Awit talaga ang tandang ito. Kung hindi ko lang alam na namatay ang mga magulang ni senyorito Hudson, baka isipin ko na mag-ina sila ni Manang Corazon dahil pareho talaga silang 'ampalaya'. Para silang pinaglihi sa sama ng loob noong panahon na pinagbubuntis sila ng kanilang ina. "U-uh... M-manang, pinapatawag po kayo ni senyorito Hudson," mahina kong sabi sa kanya sa takot na madagdagan pa ang ikasisimangot ng mukha nito. Ni hindi ako nilingon ni Manang kahit narinig niya ang aking sinabi. "Bakit? May mali ka na naman bang ginawa kaya nagalit sa 'yo si senyorito Hudson?" kapagkuwan ay sagot ni Manang sa akin habang abala sa pag-aayos ng tuna sandwich na almusal ni seryorito Hudson. Nalaglag ang aking panga. Ay, grabe naman itong si Manang sa pagiging judge mental sa akin. Iyon talaga agad ang naisip niya, ang may nagawa akong kapalpakan kaya nagalit na naman si ermitanyo. "Naku, Manang Corazon, wala po akong ginawa, ah! Pagpasok ko po bad trip na po talaga si senyorito Hudson, wala po talaga akong kasalanan." paliwanag ko. I need to defend myself, lalo na kung alam kong inosente naman ako sa kasalanan na binibintang sa akin. Never kong sskuin ang kasalanan na hindi ko naman ginawa. "Eh, kaya po naghuhurimentato si senyorito Hudson, mukhang hindi po yata niya nagustuhan ang amoy ng boxer shorts niya. Tinapon po kasi niya lahat, mabaho daw po. Eh 'di po ba kayo ang naglaba noon?" Manang Corazon cut me off with her threatening eyes. Sinabi ko lang naman ang totoo, siya ang naglaba ng damit ni senyorito Hudson, mali ba 'yon? Kagat ang pang ibabang labi na nagbaba ako ng tingin sa aking magkasaklob na palad. Ang OA naman nito ni Manang Corazon. Mabuti pa si Madam, cool, at kahit paano ay nakakausap ko ng mahinahon. Hindi tulad niya na para bang lagi akong bubugahan ng apoy sa mukha. Walang imik na matalim lang akong tinitigan ni Manang Corazon at pagkatapos ay hinarap na ang tray ng almusal ni senyorito Hudson. "Sumunod ka sa akin," utos ni Manang sa akin kaya naman tahimik akong parang aso na bumuntot sa likuran niya sa paglalakad patungo sa kwarto ni ermitanyo. Nang paakyat na kami hagdan, nag magandang loob ako. Sinabi ko kay Manang Corazon na ako na ang magdadala ng tray para hindi na ito mahirapan. Pero sa halip na maappreciate nito ang kabutihan ko, sinabihan pa ako nito na 'wag na at baka pumalpak na naman ako at matapon ko ang almusal ni senyorito. Tsk. Ako na nga itong nagmagandang loob, ayaw pa niya. Fine. Mas mabuti nga iyon hindi ako mahihirapan. Nang nasa tapat na kami ng pinto. Binuksan ko ang pinto upang makapasok si Manang Corazon ng maayos. Ni wala man lang 'thank you or salamat' akong narinig mula kay Manang Corazon. Sumalubong sa amin ang magkasalubong na mga kilay ni senyorito Hudson. Nakatapis pa rin ito ng towel. Grabe, at talagang tiniis nito ang hindi magsuot ng boxer shorts dahil lang hindi nito feel ang amoy ng mga iyon. Agad na nilapag ni Manang sa side table ang tray na hawak at hinarap ang nag-aalburutong si senyorito Hudson. "Senyorito Hudson, ano po ba ang problema? Bakit nagkalat sa lapag ang mga boxer shorts mo?" saad ni Manang Corazon, inisa-isa nito na pulutin ang boxer shorts sa lapag. Inamoy niya iyon. "Malinis naman ang mga ito, senyorito Hudson, ano ba ang problema?" "Mabaho ang fabcon na ginamit, hindi ko gusto, mabaho." may inis pa rin sa timbre ng boses ni senyorito Hudson, ngunit naroon ang paggalang nito kay Manang Corazon. Inamoy ulit ni Manang Corazon ang hawak na boxer short. Doon ay napagtanto nito na iba nga ang ginamit na fabric softener kaya iba ang amoy niyon. "Mmm... Oo nga, hindi ito ang fabcon na gamit natin. Pasensya ka na senyorito Hudson, masama kasi ang katawan ko kaya pina-laundry ko na lang muna ang mga damit mo, kasalanan ko, nakalimutan ko naman na mag-iwan ng fabcon na gamit ko sa mga damit mo." pag-amin ni manang sa pagkakamali nito. "It's okay po Manang Corazon, just take some rest. Ipalaba niyo na lang po ulit lahat ng damit ko kay Ellaine." Lihim akong napangiti. Mmm... In fairness. May kabutihan rin pala ang ermitanyong ito. Lumabas na si Manang Corazon, naiwan kami ni senyorito Hudson. Nakatapis ang towel sa baywang ni senyorito Hudson na kakapa-kapa ito na lumakad papunta ng mahabang sofa sa tabi ng bed nito. Pigil naman ang aking paghinga na tahimik lang na nakatitig sa boss ko. Sa isip ko. Sana ay 'wag mahulog ang towel na siyang nakatakip sa sandata nito sa pagitan ng mga hita. "Mabango naman ang softener na ginamit, ah. Maarte lang talaga ang ermitanyong 'to," mahina kong usal. Sayang naman ang laba, mabango naman kasi talaga. "What did you just say?" baritonong boses ng boss ko. Bahagya akong napaigtad sa gulat. Narinig pala niya ang sinabi ko. "Ay, wala po senyorito. Ang sabi ko po, kumain na po kayo dahil maglalaba pa po akong ng boxer shorts n'yo para may maisuot po kayo. Mahirap na... baka ginawin ang hotdog------baka ginawin pa po kayo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD