ELLAINE
Isang linggo na ang lumipas matapos na padagdagan ni Madam ang dibdib ko ay hindi pa rin talaga ako sanay sa laki ng dinadala ko kaya naman madalas sumakit ang likod ko dahil sa bigat ng dibdib ko. Pakiramdam ko tuloy ay magkakasakit ako dahil struggle na nga ako sa bigat ng dibdib ko, sumasabay pa ang stress ko sa masungit at ermitanyo kong amo na wala na lang ginawa sa buhay kung hindi ang magpakalango sa alak at sigawan ako.
"Ellaine!"
Nanulis ang aking nguso kasabay ng pag-asim ng mukha nang marinig ko ang sigaw ng masungit kong amo na daig pa ang pinaglihi sa sama ng loob ng nanay niya noong pinagbubuntis ito dahil laging naka-high pitch ang boses. "Hays, umagang-umaga bad trip na naman ang ermitanyong 'to! Ano na naman kaya ang ikina-ba-badtrip nito?" Hindi ko na hinintay pa na muli akong tawagin ni senyorito Hudson. Sapo ng aking mga palad ang aking magkabilang dibdib na tumakbo ako paakyat ng hagdan para puntahan ang ermitanyo kong amo.
"G-good M-morning po Senyorito Hud...son-----" para akong nakakita ng multo sa gulat dahil sa aking nakita nang buksan ko ang pinto. Mabilis akong tumalikod sa aking amo na wala ni isang saplot sa katawan.
"I need towel!" pasigaw na utos nito sa akin na um-echo pa dito sa apat na sulok ng silid nito.
"U-uh... S-sige po, senyorito Hudson, kukuha lang po ako."
Pigil ang aking paghinga na sinimulan kong ihakbang ang aking mga paa patungo sa closet ng amo ko. "H'wag kang lilingon sa kanya, Ella!" nanunuyo ang aking lalamunan na utos sa aking sarili.
"Faster! Nilalamig na ako!" demand na utos pa nito sa akin.
"O-opo senyorito, binibilisan ko na nga po ang kilos." binuksan ko ang closet at agad na humila ng towel. Hindi ko alam kung paano ko ba iaabot ang towel kay senyorito Hudson ng hindi ako mapapatingin sa hubad nitong katawan.
"Ang bagal!" muli ay sigaw nito.
Bahala na nga!
Dahil panay sigaw siya sa akin. Nataranta na ako. Ang gusto ko lang naman ay iabot na kaagad sa kanya ang towel, kaya naman humarap na ako sa kanya para iabot ang towel. Pigil ang aking paghinga at grabe ang bilis ng t***k ng aking dibdib nang makita ko na naman ang hubad na katawan ni senyorito Hudson. Lalo na ang nakasaludong sandata nito sa pagitan ng kanyang mga hita.
"I-ito na po ang t-towel, sen... senyorito Hudson..." garalgal ang aking tinig na sambit. Ang aga-aga pero heto ako at butil-butil ang aking pawis dahil sa kakaibang tanawin na nakikita ng aking mga mata. Nakakatakot pero may kakaibang hatid sa akin ang makita ang hubad na katawan ng masungit kong amo.
"Ang bagal mo!" padabog na kinuha ni senyorito Hudson sa kamay ko ang towel at agad na tinuyo ang mukha pagkatapos ay ang balikat pagapang sa braso nito.
Kanina ko pa gustong pumihit patalikod, pero hindi ko naman maintindihan ang aking sarili dahil hindi ko magawa. Animoy napako ang aking mga paa sa aking kinatatayuan at walang kurap na nakatuon ang aking mga mata sa aking amo.
"Don't look!"
"Ay, don't look!" impit kong sambit sa pagkagulat. Mabilis akong tumalikod. "Hindi naman po ako nakatingin, senyorito Hudson," tanggi ko. Ang lakas naman ng pakiramdam ng ermitanyong ito! Paano naman kaya niya nalaman na nakatingin ako sa kanya?
Tuyong-tuyo na ang aking lalamunan.
"Ghad, my virgin eyes. Hindi na virgin! Kinagat ko ang aking ibabang labi. Kasalanan ni senyorito Hudson 'to! Kung bakit naman kasi naghuhubad siya, eh. Ano ba kasi ang pumasok sa utak ng ermitanyong ito at nag- shower ng hindi sa akin sinasabi? Eh 'di sana nahandaan ko siya ng towel at damit na maisusuot niya, 'di sana hindi ko siya nakitang hubo't-hubad!
"Ano? Tatanga ka na lang ba r'yan? Wala ka bang balak naabutan ako ng damit?"
Tsk.
"Ito na nga po senyorito, kukuha na po ako ng pamalit niyo sa closet." bumalik ako sa closet ng amo ko at pumili ng pamalit nito. Hindi nagsusuot ng brief si senyorito Hudson. Tangin boxer short lang at simpleng short. May sa kalabaw ata ang katawan nitong amo ko. Abay kalamig-lamig na dahil 24/7 ang aircon sa kanyang kwarto pero ayaw nito ang magsuot ng damit pang itaas. Hindi kaya ito magkaroon ng sakit sa baga dahil sa ginagawa nito.
Nang muli akong humarap sa aking amo, nakatapis na rin sa wakas ang towel sa baywang nito. Salamat naman. Nakakaasiwa kasi ang makita ang katawan ng aking amo.
"Leave!" utos nito sa akin matapos kong iabot sa kanya ang towel.
Wala man lang kahit simpleng 'thank you'. Siya na nga ang tinulungan. Siya pa ang galit!
Mmmp!
Nakasimangot akong lumabas ng silid ng aking ermitanyong boss. Maingat kong sinarado ang pinto at pagkatapos ay saka ko nilabas ang naipon kong inis na hindi ko magawang ilabas sa harap ng boss ko.
"Nakakagigil talaga ang ermitanyong 'to! Akala mo kung sino! Bweset! Bakit, gusto ko pa siyang makitang nakahubad! Hindi 'no! Kagigil!"
I took a deep breath to release my irritation with my boss. kagigil kasi talaga.
Matapos kong ilabas ang inis ko. Naghanda na ako para lumakad palayo sa pinto ng masungit kong amo. Pero ng akma ko nang ihahakbang ang aking mga paa ay saka ko naman narinig ang pagtawag nito sa akin.
"Ellaine!" kahit nasa labas ako ng pinto, pakiwari ko ay nasa harapan ko ang boss ko dahil sa lakas ng sigaw nito. Pinihid ko ang seradura ng pinto at agad na binuksan ito.
"p-po, senyorito Hudson---?" napatigil ako sa aking pagsasalita ng tumama sa aking mukha ang boxer short ni senyorito Hudson nang ibalibag nito iyon sa akin.
"Tanga ka ba? Wala ka bang pang amoy? Ang baho ng boxer shor na 'yan! Give me another one! Yung mabango!"
Hawak ang boxer short na hinitsa sa aking pagmumukha ng boss ko, tumungo akong agad sa closet nito para bigyan siya ng ibang boxer. Dalawang boxer short na ang kinuha ko sa loob ng closet. Inabot ko ito sa kanya.
"Ito po, senyorito Hudson. Pumili na lang po kayo kung ano ang gusto niyo na isuot sa dalawang boxer na 'to." magalang ngunit nagpipigil sa inis na sabi ko.
Inamoy ni senyorito Hudson ang boxer short, nakita kong dumilim ang mukha nito kaya sure akong hindi nito nagustuhan ang amoy. Hinitsa muli nito ang boxer short na hawak sa akin. "Ang baho!"
"K-kukuha na lang po ako ulit ng boxer short sa closet niyo po senyorito," halos dalhin ko na lahat ng boxer short na laman ng closet. Sa dami nito, siguro naman makapag decide na ang ermitanyong ito sa mapipilit nitong isusuot na boxer.
Inamoy ni senyorito ang mga boxer. "Mabaho talaga!" patuloy na reklamo ng boss ko at hinitsa muli ang mga boxer sa lapag. "Get me another one!"
Napapikit na lamang ako. Kumalat na ang mga boxer sa ibaba. Sayang naman, kalalaba lang ng mga iyon mapupunta na agad sa labahin. Kinuha ko na ang mga natitirang boxer sa loob ng closet ng boss ko. Siguro naman this time may mapipili na siya. Aba'y kung nababahuan siya sa mga boxer niya, pwes bahala siya, 'wag na siyang magsuot ng boxer! Bahala siyang lamigin ang itlog at hotdog niya! Ang arte niya, eh!