Ellaine
Kahit anong pagmamakaawa sa doctor ay hindi ako nito pinakinggan, sinubukan ko rin ang magpumiglas, pero wala, ininjeckan nila ako ng papamtulog. Nang magising ako ay daig ko pa ang naka-dr*g dahil lutang na lutang ako at wala sa aking sarili dahil sa epekto ng kung anong in-enject nila sa akin.
Magulo ang bawat scenario para sa akin, wala akong maintindihan sa pinag-uusapan ni doctora at ni Madam. Sabay silang lumingon sa akin tapos muli ay nag-usap. Lumipas pa ang oras, nakatulog akong muli kaya naman wala na akong alam sa nangyayari sa aking paligid. Isa lang ang alam ko, hinahatak talaga ako ng aking mga mata na matulog muli.
Nanatili pa ako ng three days sa clinic ni doc dahil iyon ang gusto ni Madam.
“Ay, Jusko, kabigat naman nitong d*d* ko. Hindi ba parang ang O.A naman sa laki?” Napapailing na tanong ko sa aking sarili habang nakatayo ako sa harap ng malaking salamin dito sa kwarto na tinutuluyan ko sa clinic ni doc.
Sinapo ko ang aking magkabilang dibdib gamit ang aking palad. Sinukat ko ito. “Sa laki ng dibdib ko ngayon, daig ko pa ang may buhat na papaya, ang bigat, hindi ako sanay.” bahagya kong tinaas at gentle na minasahe. Iyon kasi ang turo ni doc. Kailangan ko daw i-gentle massage ang aking dibdib.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko talaga gets kung bakit gusto ng iba ang magpalaki ng d*d*, eh ang hirap kayang kumilos dahil sa bigat. Mabilis kong nilayo ang palad ko sa aking dibdib nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Si Madam ang nasa pinto. Pumasok ito at dumeretso ng lakad papunta sa akin.
“Ayusin mo na ang gamit mo dahil babalik na kita sa mansyon.” saad nito sa akin.
Tumango ako. “Okay po madam,” ani ko sabay kilos.
“Sandali,” umikot si Madam sa akin at pinagmasdan nitong mabuti ang dibdib ko. “Perfect, sure akong hindi mapapansin ni Hudson na hindi ako ikaw.”
Hindi ko alam kung ano ang ibig iparating or sabihin ni Madam, pero base sa ekspresyon ng mukha nito, mukha naman siyang masaya sa kinalabasan ng silicone implant sa dibdib ko.
“Sige na, bilisan mo na ang kilos.” muli ay sabi ni Madam.
Maingat ngunit mabilis akong kumilos, ilang damit lang naman ang mayroon ako, ang iba pa rito ay si Madam ang bumili para may magamit ako dito sa clinic. Habang sakay ng kotse pabalik sa mansyon, tahimik lang ako sa backseat dahil hindi rin naman ako kinakausap ni Madam.
Nang marating namin ang mansyon, sumalubong sa akin ang hindi maipintang pagmumukha ni Manang Corazon na daig pa ang nalugi sa negosyo.
“Paki dala na lang po sa kwarto ni Ellaine ang mga gamit niya Manang Corazon.” utos ni madam. Tumango naman si Manang Corazon at tumalima sa utos ni madam. Nagpasya akong sumunod paakyat upang tulungan si Manang Corazon sa pag-akyat ng damit ko.
“Sandali Ellaine, may importante ako sa ‘yong ibibigay.” Nilahad ni madam ang kamay, bahagyang umawang ang aking labi at kumunot ang aking noon. Tama ba ang nakikita ko. Pamilyar ang bagay na nasa palad ni Madam. Hindi ako maaaring magkamali, contraceptive pills iyon. Pills, iniinom ng mga babae upang maiwasan ang magbuntis.
“Take this once a day, and remember, hindi ka pwedeng mag-skip ng pag-inom. I know, hindi ka na bata, kaya alam ko, alam mo na kung para saan ang gamot na ito.”
Nahahati ang isip ko kung kukunin ko ba ang contraceptive pill sa palad ni Madam, dahil alam ko naman kung bakit niya ako gustong painumin ng tabletas na ito. Para hindi ako mabuntis sa sandali na angkinin ako ni Senyorito Hudson.
Lumunok ako. Nanginginig ang aking mga kamay. Dahan-dahan kong kinilos ang aking braso upang abutin ang tabletas sa palad ni Madam. Tahimik ko iyon na kinuha sa palad nito at nagpaalam na aakyat na ako sa aking kwarto para ayusin ang aking mga damit.
“Sandali, Ellaine.” tawag ni Madam kaya naman tumigil ako sa aking paghakbang at humarap sa kaniya.
“I’ll be leaving for a couple of months for an out of the country vacation soon. Mmm… Two or three months, baka nga four months pa akong mawawala. Kaya gusto ko lang sabihin sa ‘yo. Ngayon palang, aralin mo na ang maging ako, especially kapag kailangan ka ni Hudson. You know what I mean.”